SPECIAL CHAPTER 2

14.4K 211 18
                                    

Rose Lychee Dela Cruz [POV]

"Tyrone..salamat." Sabi ko sa kanya habang nagpupunas ng mga luha.

Andito kami sa isang bench ng mall. Nang makita niya akong umiiyak, inaya niya agad ako dito. Buti na lang nagawa kong humakbang dahil ayoko ng makita pa ang asawa ko kasana ang hudas na babae niya. Masakit.

"It's okay. Kakauwi ko lang galing ng ibang bansa at hindi ko akalain na makikita kita dito. Pero mas 'di ko akalain na makikita kitang umiiyak."

Umiling ako. "Hindi ko din naman ineexpect na..na.." Napahagulgol na naman ako dahil naalala ko na naman ang itsura ng taksil kong asawa at ang babae niya. "Na iiyak ako."

"It's natural, okay? But I guess, you should ask him first. Confront him. You'll never know the truth if you won't know it yourself."

Masakit man sa 'kin ang mga nangyayari ngayon pero may parte ng puso ko na masaya para kay Tyrone. I can see that he changed a lot. The way he talks, nagbago. May concern na ulit katulad sa kung paano ko siya nakilala noon. Gusto ko din sanang malaman kung anong nangyari sa kanya for the past five years pero parang wala na akong lakas dahil sa sakit.

"Was seeing him with that bitch in front of my two eyes wasn't enough? I don't have the strength to come near them and aske what she is to my husband. Masakit na ngang makita e, mas masakit kung maririnig ko pa."

"I understand how you feel. Maybe I'm not the one who's feeling the pain right now but believe me, I understand you. But look Rose, you need to see the bright side too. You'll get hurt too much if you will just believe on things that you want to believe. Kasi nasasaktan ka kaya ganyan ka magisip. Hindi naman porke masaya siya kasama non, sila na. It can be his friend or relative which you still haven't seen. Ask. Know. Those are the things you have to do."

Napatango ako kahit panay ang agos ng luha ko. Naiintindihan ko siya. Siguro naging makitid ang utak ko kaya nagconclude agad ako, siguro masyado kasi akong naghinala dahil sa naging pagaaway namin but at the same time, parang wala na kasi akong tiwala sa pagmamahal sa amin ni Ford. Wala na. Masyado na siyang nakasakit.

"So what do you want to do?" Tanong niya.

"I want to go home."

'Yon lang ang gusto kong gawin. Ang umuwi at yakapin ang anak ko.

---

"Oh my g! The eyebags! Grabe na 'yan Rose. Malilintikan talaga sa 'kin si Ford e." Reklamo ni Stacy.

"Hindi pa tapos ang una niyong problema tapos meron na naman? Ano na bang nangyayari sa relasyon niyo?" Tanong naman ni Hoshi.

They are all in my tita's house. Binisita nila ako. Sobrang naging close na talaga kami mula ng magsitira na kami sa villa ng mga asawa namin.

"Rose, 'lika na. Let's go to tbc. Kausapin mo siya."

"Sinubukan na din ni Prinz Max na kausapin si Ford pero ayaw magsalita. 'Wag daw silang mangialam. Kaya sa tingin ko Rose mas makakabuti kung siya mismo ang kakausapin mo."

"Natatakot akong malaman ang totoo. Masakit e." Sabi ko.

"What if mali ka ng akala? Tsaka mo na isipin 'yan."

Medyo labag sa loob ko pero sumama ako sa kanila pabalik ng tbc. Alam kong tama sila. Dapat ngang ako mismo ang kumausap kay Ford.

"Kaya ko na 'to. Salamat. Itetext ko na lang kayo kung sakaling kailangan ko kayo." Paalam ko sa kanila ng makarating na kami sa may kanto ng villa namin.

"Sige bye Rose! Good luck!"

"Ayusin niyo na ang problema niyo para sa pamilya niyo. Kawawa naman ang anak niyo."

TBC: FORD ALMAZANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon