TBC 27

13K 221 7
                                    

TBC 27

ROSE'S POV

Iyak lang ako ng iyak dito sa park malapit sa bahay namin. Sa palagay ko, tatlong oras na akong umiiyak at ang mga mata ko ay namamaga na.

Paano nagawang sabihin sa akin ni Ford yun? Mahal niya ako and yet napagiisipan niya ako ng masama. How can he be so rude? Ang sakit lang na manggaling sa taong mahal mo ang mga ganong panghuhusga. Ito ang unang beses na nag away kami ni Ford ng grabe. Ang sakit pala ng ganito? Yung may LQ kayo ng boyfriend mo.

Hindi ko alam kung paano kontrolin ang emosyon ko. Isa lang ang nararamdaman ko. Nasasaktan ako.

Nang medyo napakalma ko na ang aking sarili. Naglakad na ako pauwi. Nakita ko si Ford na nakasandal sa kanyang kotse sa harap ng bahay namin. Dirediretso akong naglakad. Sinadya ko talagang magpanggap na hindi siya nakikita. Hindi ko alam kung paano siya haharapin. Hanggang ngayon, galit pa din ako sa kanya.

"Bebe ko." Pag tawag niya sa akin pero hindi ko siya pinansin. "Bebe ko, please.."

Hindi ko pa din siya pinansin. Naglakad na ako palapit sa gate nang tawagin niya ulit ako ngunit nagpanggap pa din ako na hindi siya naririnig.

"Fuck! Pansinin mo naman ako!" Inis na sabi niya.

Napaharap ako sa kanya. "Anong pakiramdam ng hindi pinapansin?"

Kakaiba din 'tong si Ford eh. Siya ang may kasalanan dito.. Siya ang nanunuyo dito.. Tapos ano? Siya pa ang may ganang uminit ang ulo?

"It's annoying."

"Annoying? Edi umalis ka na. Papairalin mo na naman yang kasungitan mo!"

"Bebe ko.. please.. sorry."

"Yan diyan ka magaling! Mag so-sorry ka tapos pag hindi ka agad pinatawad, magagalit ka!" Sigaw ko sa kanya. Bigla niya akong niyakap. "Ano ba Ford?! Bitiwan mo nga ako!"

"Bebe ko, I'm sorry."

No. Hindi ako magpapadala sa panglalambing niya. Masyado akong nasaktan sa kanyang mga sinabi. "Umuwi ka na muna, Ford." Pagmamatigas ko.

Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sa akin. "No, bebe ko. Hindi ako uuwi hangga't hindi mo ko pinapatawad."

"Ford, naiintindihan mo ba ako? O gusto mo pang ulit ulitin ko ang mga sinabi mo sa akin kanina para lang maintindihan mo kung bakit ako ganito?"

"Bebe ko. Wag ka na magalit, please. Sorry na po..."

Errrr! Bakit ba hindi ko matiis tong lalaki na to? Kasi mahal ko? Aishhhh! "No!"

Kahit na sobra akong nasaktan sa mga sinabi ni Ford, ang bilis pa ding manlambot ng puso ko pagdating sa kanya.

"If you don't forgive me, you don't love me." Mahina ngunit seryosong sabi niya. He used the trick that I've used to him.

"Aissshhhh! Bebe ko naman eh!" Sabi ko saka siya niyakap. "Pinapatawad na kita."

Wala na. Bumigay na ako. Mahal ko siya eh. Mahal na mahal kaya wala akong choice kundi ang patawarin siya.

"Tss. You're not sincere."

"Ang demanding mo, b-bebe ko..." Hindi ko napigilan ang pagbugso ng nararamdaman ko. Naiyak na lang ako bigla.

Naalala ko kasi ang nangyari kanina. Natatakot ako na baka ulitin niya yun.

"Shh.. B-Bebe ko.." Natatarantang sabi niya. "If you don't want to forgive me, fine. Just don't cry, please. I hate seeing you cry, bebe ko. Please stop."

TBC: FORD ALMAZANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon