TBC 1

29K 411 11
                                    

CHAPTER 1

ROSE'S POV

"YAAAAH! Talaga tita?" masayang tanong ko.

"Oo. Kaya magbihis ka na at iinterviewhin ka ngayon." sabi ni tita.

Agad naman akong tumakbo papunta ng kwarto ko at nagpalit ng damit. Kakaligo ko lang din naman. Nagayos lang ako ng kaonti saka bumaba na ulit. Nakita ko sa sala si tita na nanunuod ng tv.

"Tita, maganda na ba ako?" biro ko.

Ngumiti siya. "Oo naman! Good luck!"

"Salamat po. Bye!" At bineso ko na si tita saka umalis ng bahay.

Ang saya ko! Magkakatrabaho na ako. Matagal ko ng gusto na maging working student. I am 18 years old. Nagaaral ako sa pampublikong unibersidad ng lugar namin. Ako nga pala si Rose Lychee Dela Cruz. Hindi kami mayaman pero hindi din kami ganun kahirap. Basta nakakaraos kami sa pangaraw araw. Nakatira ako kanila tita kasi wala na akong mga magulang. Namatay sila nung bata pa ako. Nabangga ng truck yung sinasakyan nilang tricycle.

T___T

Ayoko na ngang magkwento. I am getting emotional eh.

Papunta ako ngayon sa The Billionaire's Club! Alam niyo ba yun? Isa yung lugar kung saan puro bilyonaryong lalaki lang ang mga nakatira. At mga pogi pa. Kinikilig tuloy ako. Emeged!

^__^

Anong gagawin ko sa The Billionaire's Club? Magtatrabaho nga. Hehe. Yung isa sa mga may ari ng restaurant sa loob, kilala ni tita yung magulang kaya pinasok ako. Oh diba ang saya? Above minimum pa daw ang sweldo. Magaapply ako bilang waitress.

After 30 mins. na byahe nakarating din ako sa wakas.

*O*

Ang ganda. Grabe. Kahit gate pa lang yung nakikita ko. Hehe. Papasok na sana ako kaso may humarang na guard sa akin.

"Excuse me, Maam. Do you have a VIP access?" tanong sa akin.

Waa. Anong VIP access? Parang wala namang nabanggit sa akin si tita tungkol dun.

"Manong, magaapply po sana ako. Baka pwede po akong papasukin?"

"Sorry, Maam pero hindi po pwede."

Ganun? Ang higpit naman masyado ng management dito. Paano ako makakapagapply kung hindi ako makakapasok? Hays.

"Eh Maam, wala po bang binigay na access sa inyo yung kompanya? Kasi hindi po direct ang paghire dito."

Hanla. "Eh kasi manong pinasok lang po ako ng tita ko dito. Kakilala niya po kasi yung may ari ng Chef's Taste restaurant na si Sir Youseff Kyrille."

"Are you looking for me?"

O___O

Nasa langit na ba ako? Pasimple ko pang kinurot ang sarili ko pero nasaktan ako eh. Buhay ako pero bakit may anghel sa harap ko? Waa.

"Miss, are you okay?" sabi nung lalaking mukhang anghel. Tapos nag-wave pa siya ng kamay niya sa harap ng mukha ko. Masyado kasi akong natulala sa ka-gwapuhan niya.

I smiled sweetly. Siyempre, pagkakataon na 'to maka-dekwat ng ma-poging nilalang. Harhar. "Ah.. eh.. okay lang po ako."

"Sir Youseff, mag-"

"Eh sir, ako po pala si Rose Lychee Dela Cruz." putol ko sa sinasabi ng guard. Masyado siyang eksena eh. Moment namin 'to ng poging nilalang sa harapan ko. "Kayo po yung may-ari ng Chef's Taste restaurant diba? Yung mama niyo po kakilala yung tita ko kaya pinasok ako dito. Ang sabi po, interview ko na daw po ngayon."

TBC: FORD ALMAZANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon