PROLOGUE

30.1K 533 17
                                    

Prologue    

"Payatot! Payatot!" asar ng mga kabataan sa batang lalaki na walong taong gulang.

Iyak lang ng iyak yung batang lalaki. Duwag kasi siya. Takot siyang lumaban dahil wala siyang kakampi. Wala kasi siyang kaibigan. Pakiramdam niya magisa lang siya parati.

"Payatot na nga, iyakin pa. Hahahaha." asar ulit sa kanya pero wala siyang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak.

"Iiyak ka na lang talaga batang payatot na iyakin ha?" tanong sa kanya.

Pero umiyak lang siya. Gusto niya ng umalis sa lugar na iyon kaya nagmadali siyang tumakbo ngunit nahabol siya ng mga batang nangaaway sa kanya. Akmang sasapakin siya ng mga bata ng may biglang dumating na batang babae.

"Hoy! Itigil niyo yan!" sigaw ng batang babae sa mga batang nangaaway. Pakiramdam niya isang superhero yung batang babae mala darna. Ang tagapagtanggol niya.

"At bakit naman namin gagawin yun?"

"Dahil kung hindi babatuhin ko kayo!" sabi nung batang babae at kumuha ng mga maliliit na bato at pinagbabato yung mga salbaheng bata.

Nagsitakbuhan naman yung mga batang lalaki na mga mangaaway. Naiwan na lang dun yung batang lalaki na kanina pa umiiyak. Nilapitan siya ng batang babae.

"Bata, wag ka ng umiyak. Eto candy oh." sabi nung batang babae sa batang lalaki saka inabot yung candy na hawak niya. "Taga dito ka ba sa lugar namin? Ngayon lang kita nakita dito eh."

"I don't live here."

?____?  itsura nung batang babae. Hindi niya kasi naintindihan yung sinabi nung batang lalaki.

"Chinese ka ba? Bakit iba yung salita mo?"

-____-   itsura nung batang lalaki.

"Ang sabi ko hindi ako taga dito."

"Mukha nga. Kasi iskwater tong lugar namin, malayong dito ka nakatira. Halatang mayaman ka eh. Bakit ka ba napunta dito?"

"Nawala ako."

"Kawawa ka naman. Tara tutulungan kitang hanapin yung bahay niyo."

Tapos hinawakan nung batang babae yung kamay ng batang lalaki. Naglakad sila ng naglakad para mahanap yung bahay nung batang lalaki pero iba yung nakita nila. Isang kotse.

"Kotse namin yun!" masayang sabi nung batang lalaki.

"Talaga? Edi makakauwi ka na. Mabuti naman. Sige na. Pumasok ka na sa kotse niyo."

"Thank you. You save my life and I promise to get back at you. I will find you. I'm Ford. You? Anong pangalan mo?" sabi nung batang lalaki.

"Ako nga pala si Chi-chi!" pagpapakilala ng batang babae na may ngiti sa kanyang mga labi.

***************************

A/N: This! Please support!

VOTE AND VOTE

COMMENT AND COMMENT

*kung nagustuhan po.. Salamat!

TBC: FORD ALMAZANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon