TBC 13

15.4K 308 12
                                    

CHAPTER 13

ROSE'S POV

Saan naman kaya ako pupunta? Nakakainis talaga ang Ford na yun.

Pagkatapos niya ako paalisin sa bahay niya, eto palakad lakad ako. Wala akong mapuntahan.

"Girl!"

Napalingon ako sa likod ko. Pero wala namang tao eh. Ako nga siguro ang tinutukoy nitong dalawang babae na to.

"Ako ba?" tanong ko sabay turo sa sarili.

They both nodded. Lumapit ako sa kanila.

"Bakit po?"

"C'mon girl. Sit here."

Wala sa sariling umupo ako. Ewan ko ba.

"You're Rose right?"

Tumango lang ako.

"I'm Stacy. Boyfriend ko si Enrique."

O__O

Huwaat? Siya yung sinasabi nilang nagpapatiklop kay Enrique? Under niya kaya yun. Tinignan ko siya. Mukha naman siyang mabait.

"Hello Rose.. Ako pala si Nadja." pagpapakilala nung isang babae na katabi ni Stacy.

"Sino namang member ng TBC ang boyfriend mo dito?" tanong ko.

Curious lang. Kasi hindi naman pwede pumasok dito ang mga babae unless employee sila or may VIP access na manggagaling sa mga TBC members.

"HAHAHAHAHA!" ang lakas ng tawa ni Stacy.

"Well, wag mo na lang siyang intindihin. San nga pala punta mo?" tanong nung nadja.

"A-Ahm..." Nag isip ako kung saan nga ba akp pupunta. "Sa.. sa ano.. sa.."

"It looks like you're just walking around." aniya.

I just nodded.

"Then stay here. Marami kaming gustong malaman from you." sabi ni Stacy then inorderan ako ng inumin.

Ano naman kaya ang gusto nilang malaman sa akin?

"Rose, buti pinayagan ka ni Ford na maglakad lakad?" tanong ni Nadja.

"Pano niyo nga pala nalaman na PA ako ni Ford?"

"Chismis here is like bird, they fly."

Nagkibit balikat na lang ako. "Actually, siya nga yung nagpalabas sa akin eh. Kung anu ano pa yung sinabi."

"Like what?"

"Tutal daw gusto ko daw sumama kay Sir Youseff.. Ay, ewan!"

Nag tinginan yung dalawa at ngumiti ng makahulugan.

"Rose, we will give you some advice. Ford was never like that. Hindi yun nakikipag usap sa mga babae even us. We never talked to him. Depende na lang kung maninigaw yun ng babae." mahabang lintanya ni Nadja.

TBC: FORD ALMAZANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon