TBC 44

11K 188 4
                                    

TBC 44

ROSE'S POV

Naaaninagan ko ang mukha ni Tita Yolly. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Nakatayo siya sa gilid ng kama ko.

"Salamat naman gising ka na. Nataranta ako ng sumigaw ka na lang at biglang himatayin." Alala-alala na sabi ni Tita.

"Hinimatay ako?"

"Oo. Ano bang nangyari sayo?"

"Hindi ko po alam. Bigla na lang din po akong nahilo."

"Susme! Mag pa check up ka na ha? Kung may boyfriend ka lang, iisipin ko ng buntis ka eh."

Buntis? Posible nga kayang buntis ako? May nangyari sa amin ni Ford kaya may posibilidad nga. Kinakabahan ako sa naiisip.

"Rose, nanahimik ka na-WAG MONG SABIHIN NA BUNTIS KA NGA?" Tila napagtanto ni Tita Yolly na buntis ako dahil sa aking katahimikan.

"T-Tita.." I felt like crying. Umiling-iling pa ako. "Hindi ko po alam.. Hindi ko po talaga alam."

"Rose, wala kang boyfriend. Paanong nangyari na-sinong ama?"

"Tita.. si.."

Naiyak na ako. Ang bigat ng nararamdaman ko.

"Si.. F-Ford."

"Ano?" Kita ko ang gulat sa kanyang mukha. "Rose.. may nangyari sa inyo ni Ford? Ikakasal na siya diba?"

"T-Tita.. Hindi ko po ginusto na mabuntis ako."

"Rose, wala na tayong magagawa. Ang sa akin lang, alam mong ikakasal na siya pero bakit ka pumayag?"

Mahinahon si Tita pero alam kong naninermon na siya. Hindi ako pwedeng magalit dahil alam kong mali ang nagawa ko.

"Sana inisip mo muna ang kahihinatnan. Kung buntis ka nga, paano ang bata? Matutustusan mo siya pero paano ang pamilya na hinahangad niya? Maibibigay mo ba? Palalakihin mo siyang walang ama? Alam mo ang pakiramdam ng walang magulang.. malungkot."

Napahagulgol na ako. Naiisip ko ang mga magulang ko na nasa langit. Kung buhay siguro sila, alam kong magagalit din sila sa nagawa kong pagkakamali.

"Ano pong gagawin ko?"

"Wag na wag mo yang ipapalaglag, Rose. Wag mong dagdagan ang kasalanan mo."

Tama si Tita. "Pero dapat ko po bang sabihin kay Ford?"

"Sa ngayon anak, hindi ko alam.. Baka masira ang relasyon nilang dalawa at alam ko namang hindi mo gustong mangyari yon."

I cried so much. Ayokong maging single parent. Ayoko.. Gusto kong mapalaki ang magiging anak ko na may masayang pamilya.

-

Ito ang araw ng check up ko. Inaantay ko na lang ang result. Nag aantay ako dito sa labas. Hindi ako mapakali. Kinakabahan talaga ako.

Oo nga pala, sinubukan kong mag pregnancy test at positive. Kaya ako nag pa-check up dahil gusto kong makasiguro.

"Mrs. Dela Cruz?" Tawag ng nurse sa akin.

"Miss pa lang po." Sagot ko.

"Sorry po. Buntis po kasi kayo kaya akala ko kasal ka na."

Nakaramdam ako ng kahihiyan sa sinabi niya. Why do people judge women kapag nabuntis? Masamang tao ba agad kapag nabuntis ng hindi inaasahan? Nada-down ko tuloy ang aking sarili.

TBC: FORD ALMAZANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon