TBC 25

14.4K 247 12
                                    

TBC 25

ROSE'S POV

Hindi ako makatulog. Hay. Hindi ko pa rin makalimutan kung paano umiyak sa harap ko si Ford kanina. Ford is such a strong guy but seeing him cry, he looked so helpless.

Gusto ko mapunan lahat ng sakit na nararamdaman niya. Ayokong magtanim siya ng sama ng loob sa nanay niya pero hindi ko siya masisisi. Masyadong naging masaklap ang mga nangyari sa buhay niya.

Kring.. kring..

Aligaga akong hinanap ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag sa akin.

^___^

"Ang bebe ko!"

Agad kong sinagot ang tawag niya.

"Bebe ko? Hello?"

["Bebe ko.."]

"Hindi ka makatulog?"

["Yeah.. Ikaw din ba?"]

"Oo. Bakit hindi ka makatulog?"

["Kasi gusto kong katabi ka.. gusto kong yakapin ka.. I miss you.."]

Aww. Ford, please! Why so sweet? Lalong hindi ako makakatulog nito eh.

["Bebe ko, can you tell me a story? Yung masaya.."]

Siguro, mabigat pa din ang nararamdaman niya dahil sa nangyari kanina. "Okay. Masaya? Ito. Merong isang babae na ubod ng  ganda, sexy, mabait, cute, syempre makulit siya at meron namang isang ubod na sungit na lalaki. Nagtrabaho—"

["Ubod sungit na ano?"]

"Na lalaki."

["Parang may kulang eh."]

Hm.. "Ano? Ubod sungit at isanberong lalaki?" Biro ko. Mukhang alam ko na ang tinutukoy niya eh.

["Tss."]

"Hahaha. Oo na po! Ubod sungit at isanberong lalaki pero gwapo at macho din siya."

["Much better."]

"Haha. Yun na nga. Nag trabaho ang isang babae sa kanya hanggang sa—zZzZZzZZZ."

---

Kinabukasan..

Napamulat ako ng may marinig na nagtatawanan sa labas ng kwarto ko. Bumangon ako upang tingnan kung sino ba yung nag iingay. Hindi pa nga nag-a-alarm yung alarm clock ko eh, ibig sabihin wala pang seven in the morning. I want to sleep more.

Binuksan ko ang pinto ng aking kwarto habang nagtatanggal ng mga muta. "Tita, anong meron?"

O_____O

"WAAAAAH!" Nagsisisigaw akong bumalik sa aking kwarto. Oh my God! Tama ba ang nakita ko? Si Ford nga ba ang kausap ni tita? Sinilip ko ulit kung si Ford nga ba ang nasa sala. Gusto kong makasiguro. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at sinilip ulit kung sino ang kausap ni tita...

O___O

"Good morning, bebe ko!" Bati niya sa akin.

"Waaah!" Agad kong sinara ang pinto.

Si Ford nga iyon. Hindi ako nagkamali. Anong ginagawa niya dito? Shocks?! Nakita niya ako sa most undesirable looks ko. Err. I'm just wearing my panty short and a sando. And I'm not wearing a bra. Oh, Gosh! Nagmadali ako sa pagligo at pinuntahan na si tita at Ford sa sala.

"Rose, hindi mo naman sa akin nasabi na napaka bait pala nitong boyfriend mo. Nagdala pa ng almusal para sa atin." Sabi ni tita. "At akala ko ba eh masungit at isnabero? Eh napaka palabiro pala."

TBC: FORD ALMAZANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon