TBC 15

16.6K 301 13
                                    

CHAPTER 15

FORD'S POV

"Oh my baby brother, napadalaw ka ata?" Tanong ni ate Fatima pagkapasok ko sa main door ng mansyon namin.

Ngayon na lang ulit ako nakapunta dito. Hindi ako dumiretso sa TBC dahil ayokong makita nilang ganito ang itsura ko. I have a lot of blood on my hand. And I really look mad. Knowing those members, tiyak na kalat na kaagad ang nangyari.

I just snob her at dirediretso ako sa kusina. Naghugas ako ng kamay nang sinundan ako ni ate.

"What happened to you? Did you get in trouble? Tara resbakan natin! I won't let anyone hurt you or el-"

Hindi ko na siya hinayaang matapos pa ang kaniyang mga sasabihin. "Will you shut up?!" Sigaw ko. Sobrang nabadtrip talaga ako.

"AAAAWWWW!!!! ATE.. ATE! TAMA NA! AW!" Sigaw ko. Shit. Piningot na naman niya ako! Kahit kailan talaga 'tong babae na 'to.

"Ikaw Ford ha, may pa shut up shut up ka pa! Baka nakakalimutan mo ate mo ako! Kung ayaw mong sabihin sa akin, ako mismo ang aalam!" Sabi niya sabay walk out.

Tss.

Bakit nga ba nangyari 'to? Bakit ba kasi hindi ko nakontrol ang sarili ko nang malaman kong ihahatid ng tanginang Prinz Max si Rose? Shit.

Dapat wala na akong pakialam sa babae na yun eh! Pero hindi ko hahayaang galawin siya ni Prinz Max. Knowing him, babaero yung gago na yun, baka mapahamak lang siya dun-

Fuck! Fuck! Why do I even care? Psh.

Itinuon ko na lang ang pansin ko sa paglilinis ng sugat ko sa mga kamay.

...

...

Ano kayang ginagawa nila? Nahatid niya nga kaya si Rose sa kanila o baka-

"AAAAAARRRRRGGGGGHHH!!!!"

---

ROSE'S POV

"Hi!" Nagulat ako sa kung sino ang tumabi at bumati sa akin. Kasalukuyan akong nasa room at malapit ng magsimula yung next subject.

O___O

"Sir Youseff?" Tanong ko.

He smiled. "Yeah. Same class pala tayo?"

"Dito ka din?" Balik tanong ko.

Tumango siya.

"One week ng nag start yung class, bakit ngayon ka lang pumasok?"

"I went out of town. Family bonding."

"Oh.."

Ilang sandali yung lumipas bago ulit siya nagsalita. "I heard you back out."

"Back out?" Tanong ko. "What do you mean?"

"Being Ford's PA."

Yun pala yun. "Ah, oo."

"Akala ko ba kailangan mo ng part-time job?"

"Oo. Maghahanap nalang siguro ako ng iba."

"Hmm.." Tila may iniisip siya. "Why don't you go back on my resto, instead?"

On Chef's Taste? Ayoko. Ayoko na munang makarating muli sa TBC, mas malaki ang chance na lagi kaming magkita ni Ford. "Salamat sir Youseff pero.."

"If you're thinking about Ford, don't worry, nakausap ko na si ate Fatima. That means, everything will be fine with him so please Rose, wag mo sanang tanggihan ang offer ko."

TBC: FORD ALMAZANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon