TBC 41

12.3K 188 7
                                    

TBC 41

ROSE'S POV



Nagising ako sa liwanag na nang gagaling sa bintana. Umaga na pala. Tumingin ako sa aking tabi. And there's Ford, sleeping peacefully. Nakahiga ako sa kanyang braso.

Naalala ko ang namagitan sa aming dalawa. Napangiti ako. Hindi ko maikakaila na masaya ako na siya ang nakauna sa akin. Sa kanya ko ibinigay ang aking puri. Sa kanya na siyang mahal ko. Mahal na mahal.

Pero kailangan ko ng bumalik sa realidad. Realidad kung saan mali ang nangyari. Mali ang pagniniig na pinagsaluhan namin. Naiiyak ako sa isiping iyon. Isang kasalanan ang aking ginawa..

Tumayo na ako at nagbihis. I have to go. Kailangan kong umalis bago pa siya magising. Hindi ko siya kayang harapin matapos ang nangyari. Bago ako umalis,umupo ako sa kanyang tabi na mahimbing pa ding natutulog.

"F-Ford.." Tumulo ang luha ko. "I'll cherish every kiss, every hug that we've shared last night.." Pagkausap ko sa kanya kahit tulog. "P-Pero.. pero hanggang dito nalang talaga tayo.."

Hindi ko na kaya. Umalis na ako at hindi na nagpaalam pa sa ilan naming kasama dahil sigurado ako na pipigilan lang nila ako. Nag iwan lang ako ng sulat kay Ford.

Naka-receive ako ng text from Tyrone. We exchanged numbers yesterday.

FROM: Tyrone

Good morning, gorgeous. :) Excited to see you later.

Wala ding alam si Tyrone na umuwi na ako. Hindi ko alam kung magkikita pa ba kami o hindi pero I think, it's better if I open my heart to someone else..

Ilang araw na akong nagkukulong sa bahay. Hindi ako lumalabas. Nag dahilan ako kay Tita Faith na nagbakasyon ako sa probinsya. Ayoko munang pumunta sa office, baka magkita lang kami ni Ford.. Hindi ko pa kaya...

FROM: Tyrone

I'm already here in Manila. Wanna go out with me?

Go out with him? Well, masaya naman siyang kasama.

FROM: Tyrone

Hehe. Kung gusto mo lang naman. :)

Parang sira 'tong si Tyrone.

FROM: Tyrone

Ayaw mo ba? Basted na ba ako agad? :(

Hahaha. Baliw talaga. Nag reply na ako.

TO: Tyrone

Yes. Let's go out.

Tama na ang pagmumukmok. It's time to see the bright side. Dapat na siguro akong makalimot..

Napagpasyahan kong makipagkita kay Tyrone sa isang restaurant. Nag suot lang ako ng red mini dress at pinartneran ko ng white stilleto. Hinayaan ko lang ang aking buhok na nakalugay. Medyo kinulot ko din ito.

"Alam mo Tyrone, hindi bagay sa atin ang mag date ng formal. Unang pagkikita pa lang natin, adventure na eh. Haha." Masayang sabi ko. Magaan talaga ang pakiramdam ko sa kanya.

"Hahaha. You asked me to run in the count of three. I wasn't expecting you'll do that."

"Hahaha. Then we tried to surf but fail. Hindi ka din naman pala marunong namilit ka pa."

Nagtawanan lang kami ng nagtawanan. Pinagkwentuhan namin ang mga ginawa namin nung nasa beach pa kami. We really had fun. Parang siya pa nga ang nagdala sa akin doon eh. Kasi yung tao na dapat magpasaya sa akin, sinaktan lang ako.. Hay..

TBC: FORD ALMAZANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon