TBC 56

10.2K 150 3
                                    

TBC 56

After seven months..

FORD'S POV

Pitong buwan na pala ang lumipas. Naging masaya kami ng asawa ko sa mga nakalipas na buwan. Wala naman na akong nakikitang pagbabago o pagkalungkot sa kanya pero nitong nakaraang araw, pagkatapos naming ipagdiwang ang ika-siyam na buwan ng kanyang pagbubuntis, she became so sad. I don't fucking know.

Healthy naman siya pati ang baby namin. Baby boy ng mag pa ultra sound kami. Naging maayos ang company ko pati ang kanila. Napagkasunduan ni Mom and Rose na gumawa ng management team na siyang mamamahala dahil pareho nilang hindi na kaya mag trabaho.

"Tita, good morning." Bati ni Rose kay Tita Yolly.

Andito kami sa bahay nila. Gusto niya kasing bumisita.

"Buti naman at napadalaw kayo. Kamusta?" Tanong ni Tita.

"We're fine. Kayo po?" Tanong ko.

"Ayos naman din, Ford. Kami sana ang bibisita sa inyo pero naunahan niyo kami."

"Bebe ko, c.r. lang ako." Singit ni Rose saka lumakad habang hawak-hawak ang kanyang napakalaking tiyan.

Agad ko siyang inalalayan. "Ingat ka sa c.r., bebe ko."

"Opo."

"Call me after you pee."

Dahan-dahan siyang pumasok sa loob. Hindi ko maiwasang titigan siya. She's still pretty. Hindi siya katulad ng ibang buntis na nagko-complain sa itsura nila.

"Ford, alam kong may sasabihin ka sa akin. Tinext mo ko ba may importante kang sasabihin." Mahinahong sabi ni Tita.

Bumalik ako sa sofa at umupo. "Actually, yes." Sinilip ko ang bandang pintuan ng banyo kung nasaan si Rose para masiguro na hindi niya marinig ang pag uusapan namin. "This past few days, naging tahimik siya. Minsan sa gabi nahuhuliko pang umiiyak siya. I keep on asking her pero wala daw po. Shit! Hindi na po ako mapakali sa kung anong nangyayari sa kanya. Few days left and she'll give birth."

"Minsan ba nakatulala lang siya?"

Nagulat ako sa tanong niya. Tila alam na niya ang nangyayari sa asawa ko. "Yes, Tita."

Iho, ganyan din ang nangyari sa kanya ng maaksidente ang mga magulang niya ng bata pa siya. Magdamag siyang umiiyak at tulala. Isang taon din ang lumipas bago siya bumalik sa dati at hindi naging madali iyon. Lahat ng mga bagay na nag papaalala sa kanya ng trahedya na nangyari sa kanya ay itinago namin. Litrato at mga gamit ng mga magulang niya. At sa tuwing tinatawag namin siya sa palayaw niya na bigay ng mga magulang niya, nanginginig siya sa takot. Isa yun sa dahilan kaya kinalimutan namin ang palayaw niya. Tinawag namin siyang Rose. Hanggang sa maging maayos na siya." Mahabang kwento ni Tita.

Ngayon ko lang nalaman ang bagay na iyan, mas lalo akong nag alalala sa kanya. lalo na at marami pa pala akong hindi alam sa kanya.

"So are you telling me that something happened?" Tanong ko.

"Siguro."

"Tita, Bebe ko, you're too seriouse. Ano bang pinag uusapan niyo?" Tanong ni Rose na hindi ko namalayang lumabas na pala ng c.r.

"Bebe ko, you didn't tell me you're done." Pag iiba ko ng usapan.

"I'm fine. Ikaw talaga, masyado mo kong binebaby, mamimiss ko yan."

"What? Mamimiss? Hindi naman tayo mag hihiwalay."

"I mean, pag hindi na ako buntis, hindi mo na ko aalagaan ng ganyan."

TBC: FORD ALMAZANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon