TBC 4

20K 415 5
                                    

CHAPTER 4

ROSE'S POV

Andito ako ngayon sa office ni sir Ford. Pinatawag niya kasi ako. Andito din si sir Youseff.

Pagkatapos ko makipagusap kay Jin at Pinqee, bumalik ako sa restaurant. Nasabi ko sa kanila ang nangyari. Agad nilang tinawagan si sir Owen na malelate ng kaunti yung pagdeliver, buti na lang mabait si sir Owen kaya okay lang sa kanya. Hindi na din ako ang pinagdeliver dahil baka daw maulit.

Sa tingin ko kaya niya ako pinatawag ay para pagusapan ang pagsisante niya sa akin.

"Rose, una na muna ako sa labas. You need to talk privately with Ford. I did my best to convinced him. Good luck." paalam sa akin ni Sir Youseff. "Ford , alis na ako." Then lumabas na siya ng office.

"Ano ba yung paguusapan natin? Kung tungkol 'to sa pagsisante mo then spill it!" mataray kong sabi.

Alam kong siya ang boss ng lahat dito pero ang magtanggal siya ng empleyado ng walang patas na basehan? Neknek niya na galangin ko siya!

Pero parang wala lang talaga siyang narinig. "Ano ba?"

"Tss. You're not going to work in Chef's Taste anymore."

>___<

"At talagang sisisantehin mo ako eh 'no? Alam mo mayaman ka lang sa pera pero wala kang puso! Napaka-unfair mo! Dahil jan sa ka-weirdohan mo na ayaw mong binabati, sisisantihin mo ko? Ano akala-"

"WILL YOU SHUT THE FUCK UP?" pagpuputol niya sa sinabi ko. "You are not an employee of Chef's Taste anymore 'cause you are going to work on me."

O___O

WHAT?!

"Starting tomorrow you are going to be my PA and my maid for one month then pagnagustuhan ko yung performance mo, you can go back to Chef's Taste."

O___O

"That's impossible!"

"Tss. That's possible if you take it. So now, take it or leave it?" tanong niya. "Don't worry papaswelduhin naman kita. Kahit triple pa."

Waa. What to do? Pag hindi ako pumayag, matatanggal na ako ng tuluyan sa Chef's Taste na napakagandang oportunidad na. Plus, wala din akong pera. Hay.

Pero pagtinanggap ko, magkakaroon ako ng tripleng sahod at may chance pang makabalik ako sa Chef's Taste. May chance din na magkajowa na ako ng pogi! Ayie...

Ang kaso..

I'll be working with that MONSTER FORD????????????

---

Kinaumagahan..

Hahangos hangos akong naglalakad dito sa TBC. Tama kayo. Andito ako sa TBC. Tinanggap ko ang offer ni Ford na maging PA niya for one month.

Atlast, nakarating din ako dito sa villa ni Ford. Antok na antok pa ako. Ang aga kaya niya ako pinapunta dito! Imagine, 4am palang? Ano namang gagawin ko sa ganitong oras?

Pumasok na ako ng kusa sa bahay niya since hindi naman nga nakalock yung mga pinto. Ganito sila kapanatag sa security ng TBC. Well, wala naman akong masabi dun. Sa pinaka entrance kasi nitong lugar may mini police station tapos may guard pang nagbabantay sa gate. Dalawa silang naka duty tapos ang dami pang marshal na nagiikot dito sa loob saka nagbabantay sa mga gilid gilid.

O___O

Si Ford gising na? At nasa sala siya nakaupo. I check the time. Buti na lang 4:01 am palang.

TBC: FORD ALMAZANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon