Kabanata 13

5 0 0
                                    

ANONG oras na pero hindi parin ako makakatulog, nakatitig lang ako sa kisame habang iniisip parin ang nangyari kanina.

Napapikit ako habang inaalala iyong sinabi niya, am I attracted to her? Damn, pero paano nangyari iyon? Babae kami pareho. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko dahil ngayon ko lang ito naramdaman sa tanan ng buhay ko.

Tumayo ako at naglakad palapit kung nasaan ang study table ko, nang makaupo ay iniready ko ang gagamitin kong materials pampinta. Tuwing bothered kasi ako o kaya may gumugulo saakin ay nagpipinta o gumuguhit ako ng kung ano ano upang mailabas ang emosyong hindi ko ma explain.

Itinali ko ang aking buhok at nagsimula ng mag blend ng mga kulay, nakatutok lang ako sa aking ginagawa. Hindi ko usually alam kung anong pinipinta ko, natural nalang na lumalabas ang resulta nito pagtapos ko.

Lumipas ang oras ay nakaramdam ako ng pananakit ng leeg kaya sandaling itinigil ko muna ito, malapit narin naman itong matapos kaya nag unat muna ako ng katawan. Sinulyapan ko ang relong nasa pader, alas dos na ng madaling araw, nakakaramdam narin ako ng antok kaya binalik ko na ang atensyon sa pinipinta.

Sobrang lawak ng ngiti ko nang matapos ang gawa, pinakatitigan ito ng mabuti at pinamulahan ako ng mukha dahil sa piyesang nasa canvas. I sighed deeply, I held my chest gently to feel the rapid beating of my heart while staring my painting.

It's Leigh that who's sitting at the swing while helding her guitar on her, while the tangerine hour's slowly peeping on her surrounding. Those serious bronze orbs are staring at me.

"Damn, hindi ko na kailangan pang magpatingin sa doctor" natatawa kong sabi sa sarili.

Iniwan ko na ang painting doon at nag ayos na ng sarili dahil nakakaramdam na ako ng antok, at nang masigurong ayos na ay nahiga na ako. Bago patayin ang bed side lamp ay sinulyapan ko pang muli ang painting.

"Good night, Leigh" bulong ko at pinatay na ang ilaw at nagpasakop na sa dilim ng kapaligiran.

"KUYA, wala kang pasok?" biyarnes ng umaga at nadaanan ko ang music room na maingay kaya pumasok ako at nabungaran ko itong may ginagawa sa kaniyang electric guitar.

"Hmm, may event sa school ngayon at bukas. Aalis rin ako maya mayang 10" tutok na tutok ito sa kaniyang guitara.

"Event?" tanong ko habang nilalapitan ito, pansin ko ring naka casual attire ito. Cream knitted polo shirt and white trouser pants.

"Yup, foundation day. Do you wanna come?" tumingin na ito saakin habang inaayos na sa lalagyan nito ang kaniyang guitara.

"Hindi ba bawal?" natawa naman ito.

"Hindi, go change. Sumama kana" na excite naman ako dahil doon. Agad na akong tumakbo palabik ng aking kwarto.

The thought of seeing Leigh there makes me blush. Nag suot lang ako ng wrap front sleeveless blouse while just fit denim pants. Nag suot lang rin ako ng cream pumps, hindi na ako nag dala pa ng bag at tanging phone lang. Nang makapag ayos na ay bumaba narin ako dahil baka naiinip na iyon kakaantay.

"Bagal" nakasimangot na bungad nito na ikinatawa ko lang hindi na ako sumagot pa at sumunod na sakaniya.

Nang makasakay sa sasakyan ay nag byahe narin kami, nakatanaw lang ako sa bintana habang pinagmamasdan ang malawak naming lupain. Habang papalayo ay nag iiba na ang paligid, nagkakaroon na ng mga iilang bahay at ibat ibang establishimento. Maraming daan rin na paliko, marami naring sasakyan kumpara sa daan namin, mybe this is the city look. Ngayon palang kasi ako naka pasyal dito, at hindi naman masama ang bayan nila.

"Andito na ho tayo, Señor Luis" nabalik ang tingin ko sa harap nang magsalita si Mang Ben.

Papasok kami sa isang mataas na gate, may naka ukit na Weastern High sa taas nito. Unang makikita ang malawak na field sa harap na maraming studyanteng abala sa kani kanilang ginagawa. Habang sa gilid naman ng field ay maraming nakatayong sa tingin ko'y ibat ibang booths.

Wildest DreamWhere stories live. Discover now