BUONG linggo kong inimbistigahan ang kasong hawak ko, at dahil marami akong koneksiyon ay marami akong nakalap na impormasyon mula sa lalaking iyon. Marami na palang case ito, ibat ibang kaso.
Mayroong Illegal trafficking, isa ito sa kaso ng kaniyang pamilya. Ngunit dahil maimpluwensiya'y hindi sila mahuli huli, ngunit nalaman ko rin na wala pa sa kalahati ang yaman nito kumapara saamin kaya madali nalang itong pabagsakin. Wala akong balak gamitin ang pangalan namin, saka na lamang pag may hindi na magandang mangyayari.
Nalaman ko rin na marami na pala itong nabiktima, ngunit dahil sa kahirapan ay wala silang magawa kundi ang manahimik nalang. Kaya mas lalo akong nag pupurisging maipanalo ito upang sa ganoon ay hindi na ito makaulit pa, wala na siyang takas sa lahat ng ibidesiyang hawak namin. Salamat sa magaling kong kaibigang secret Agent ay nakuha ko itong lahat, mali nila at nag iwan pa sila ng mga ibidensiya. Kahit itago nila ito sa pinakailalim ng masasama nilang budhi ay mahahanap parin namin ito, I'm not Attorney. Laurence Buenavista Lim without nothing.
Nasa office ako ni Papá dito sa mansion habang inaaral ang mga documentong nasa harap ko, suot ko ngayon ang aking salamin habang seryosong inaaral ang kaso. Ayokong magkamali.
"Señora, may bisita ho kayo sa baba" rinig kong tawag mula sa labas ng opisina.
"Hmm, sige susunod ako pakisabi" ibinaba ko ang hawak kong papel bago tumayo at naglakad palabas ng silid. Suot parin ang salaming nasa mata ay seryoso kong tinahak ang daan pababa.
Base sa naririnig kong mga boses ay nandito ang mga kaibigan ko. Ano naman ang ginagawa ng mga ito? Alam naman nilang busy ako sa kaso.
"Attorney, kamusta kana namiss kita–" natahimik ito nang ambahan ko ito ng suntok. Kaya para itong tutang nanahimik sa tabi ni Kleo. Narinig ko naman ang tawanan ng lahat dahil doon, Gab is really clingy towards me, dati pa nitong pinagsisigawang gusto ako pero dahil wala akong panahon sa mga ganiyang bagay ay hindi ko ito pinagtutuunan ng pansin.
Sus may gusto ka lang na iba. Sigaw ng isip ko kaya napailing nalang ako sa isip.
"It's been a month since we last saw you, Laurence. Hindi kana nakikipag bonding saamin, nakakatampo" it's Gabriella, bagay silang mag sama ni Gab. Parehas na ng pangalan parehas pang OA.
"Tumahimik ka nga Gabriella, OA ha" sabat ng pinsan ko, kaya natawa nalang ako doon. Alam ko na ang kasunod niyan, magbabangayan na naman ang dalawang iyan. Hindi ko alam kung anong issue nilang dalawa, aware naman kaming nagkagusto si Acine sa asawa nito ngunit matagal naraw iyon naka move on na siya.
"You!" turo ni Gabriella sa kay Acine, ayan na, "Konti nalang iisipin kong bitter ka parin saamin ni Limuel" napa face palm nalang ako dahil doon.
"Duh, saiyong saiyo na iyang Limuel mo. Mag sama pa kayo sa impyerno" umiirap nitong sabi, inawat ko na ang mga ito nang makitang tatayo na si Gabriela upang sugurin si Acine. Habang ang dalawa'y nag vivideo sa gilid, napailing nalang ako. Pano ko ba naging kaibigan ang mga ito?
"Hey stop that" alam ko namang hindi sila mag aaway nito, mga baliw lang talaga sila at ganiyan sila mag lambingan kung wala lang asawa itong si Gabriella'y iisipin kong may gusto ito kay Acine pero malabo pa ito sa putik dahil straight ito, "What's bring you here?" tanong ko nang kumalma na sila pareho.
"Binibisita ka? Obvious ba?" maarteng sagot ni Kleo, sinamaan ko ito ng tingin na ikinangisi nito.
"The door is widely open for you" malamig kong turan na ikinawala ng ngisi nito, puro tawanan naman ang namayani sa buong sala dahil sakanila.
YOU ARE READING
Wildest Dream
RomanceCOSTA DEL SOL SERIES 2. Life is filled of astound, astound that at times you can't devour. Dreams are free, in people who can afford it yeah. But how about those people who can't choose what they dreamt of? Life is upside down, but certainly parti...