Kabanata 14

6 0 0
                                    

"LAURENCE? Let Mamá in, we're getting worried darling" maghapon na akong nakakulong sa kwarto at hindi lumalabas simula kagabi.

Hindi ako sumagot, it's Mamá. Kanina pa siyang umaga kumakatok sa labas dahil nilock ko ang pinto kaya kahit anong gawin nilang susi ay hindi nila ito mabubuksan dahil tanging sa loob lamang ang access nito. Pinasadya ko iyon dati dahil gusto ko palaging may alone time.

Ilang minuto pa ay hindi ko na ito narinig pa, nakaupo ako ngayon sa kama habang nakapatong ang aking noo sa mga tuhod. Inaalala ang usapan namin ni Kuya kagabi.

Flashback

Nasa terrace ako nagpapahangin, tahimik na ang paligid dahil alas nuebe na ng gabi, nakatanaw ako sa maliwanag na kalangitan. Kumikinang ang mga bituin, gusto kong mag isip isip dahil sobrang dami ng aking nalaman kanina. Hindi ko alam paano iaabsorb ng utak ko ang mga iyon, masakit parin isipin na hindi palang ako umaamin ay wala na agad pag asa.

"Lalim ng iniisip mo ha" nang marinig ang boses ni Kuya ay agad akong napamulat at napabaling sakaniya.

Pinakatitigan ko ito, iba ang saya ng mukha niya ngayon. Makikita mong nagkikinangan ang mga mata nito na parang mga bituin sa langit.

"Hmm, I-I heard what happened earlier. You confess?" umiwas ako ng tingin at ibinalik sa kalangitan ang tingin dahil hindi ko makayanang tignan ang mga ngiti nito. He's happy.

"Yes finally, Lau" huminto ito at lumapit saakin upang akbayan ako, "And guess what she said yes, she let me court her" niyugyog nito ang aking balikat gamit ang kamay nitong nakapatong doon.

"Good f-for you" mahinang sagot ko at nagpilit ng ngiti.

"Thanks lil sis, I really like her. No, I love her" nakatitig ako sakaniya, sobrang lawak ng mga ngiti ni Kuya, "She's so perfect you know, soon ipapakilala ko siya sainyo" sumikip ang dibdib ko.

Hindi naman na kailangan, kilalang kilala ko na siya. And the fact that I also like her, napahinga ako ng malalim bago ngumiti kay Kuya at tumango.

"S-Sure, mauna na ako Kuya. Inaantok na ako e, Good night" hinalikan ko ang kaniyang pisngi bago naglakad papalayo sakaniya.

Sobrang sikip ng dibdib ko pagka pasok ko ng silid, unti unting pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Seeing how happy my Kuya while talking about her is paining me, una palang ay alam ko na ngunit binalewala ko ito. Kasi nagbabakasakali akong iba, pero shit lang talaga.

Mybe I start to avoide her for the better, at baka naguguluhan lang ako sa nararamdaman ko para sakaniya. Mybe I'm just fond of her because she's just being nice on me. Mybe, but this hurt is killing me. Hindi ako sanay sa ganitong pakiramdam.

The whole night I cried my feelings off.

My swallen eye's evident, I can feel the hot liquid running through my cheeks. How can I stop this stupid tears? Damn.

Sobrang sakit ng ulo ko't lalamunan mula sa pag-iyak, kahit masama ang pakiramdam ay pinilit kong tumayo upang maghilamos dahil nanginginig na ako sa gutom. Nang masigurong okay na ang mukha ko at hindi na halata ang pamamaga nito ay mabagal akong naglakad papunta sa teleponong nasa gilid ng pinto ko. Nag dial ako sa baba upang manghingi ng pagkain at gamot. Binuksan ko narin ang pintuan para makapasok sila.

Walang mangyayari kung mag mumukmok lang ako dito, nang masigurong okay na ang lahat ay nahiga muna ako sa kama dahil sobrang sama na talaga ng pakiramdam ko. Hindi ko alam pero tuwing nasosobrahan ako sa iyak ay nagkakasakit ako ng sobra. Last na nangyari iyon ay noong sampong taon palang ako, iyon yung time na naiwan akong mag isa sa park dito sa Puerto Del Sol, iyak ako nang iyak ng ilang oras noon kaya sobrang sumakit ang ulo dahilan upang mawalan ako ng malay. Iyon nalang ang natatandaan ko after that hindi na ako pinayagang gumala gala pa sa labas ng hacienda namin.

Wildest DreamWhere stories live. Discover now