Kabanata 30

11 0 0
                                    

HINDI ko alam pero kinakabahan ako habang papalpit nang papalapit sa bahay nila Nanay Sol, balak ko sanang surpresahin si Leigh ngayon.

Bumaba ako agad nang aking sasakyan nang nasatapat na ako ng bahay, nagtaka ako dahil parang pamilyar ang sasakyang naka park sa harap ng sasakyan ko. Isinantabi ko nalang muna ang nasa isip baka magkaparehas lang at nagkataon lang.

Kakatok na sana ako sa pinto nang bigla itong bumukas at tumambad saakin ang isang pamilyar na mukha at isang hindi nagtatawanan ang dalawa ngunit natigil nang makita ako.

"Laurence, nice seeing you here" maamong nguniti saakin si Via, habang ang kasama nitong sa tingin ko'y mas matanda kay Nanay Sol ay tahimik lang sa tabi nito't seryoso akong pinag mamasdan.

"Nice seeing you, too" nginitian ko ito't tinanguan.

"Tita, I'll go ahead just tell Leigh na bumisita ako" bumaling na ito sa matanda't nag beso pa sila ngumiti naman sakaniya ito.

Nakaramdam ako ng kaba at sakit dahil doon, may mga tanong na gumugulo sa isipan ko dahil sa mga nakikita't nalalaman. Umalis na si Via dahil narinig ko ang pag alis ng kaniyang sasakyan. Narinig ko ang pagtikhum ng tao sa aking likuran kaya napahinga ako ng malalim.

"So I bet you're Laurence, my daughter's girlfriend?" napalingon ako sa matanda, tama nga ako Mamá ito ni Leigh dahil sa kamukhang kamukha niya ito. Magalang akong tumango't ngumiti sakaniya.

"Opo, I'm Laurence Lim" pakilala ko't mag mamano pa sana sakaniya nang ikinumpas nito ang kaniyang kamay kaya't natigilan ako dahil doon.

"Leigh's not here, pumunta sa manila dahil sa nalalapit na concert nito" tumalikod ito saakin at naglakad palapit sa sofa. Kumirot ang puso ko dahil doon. Ngunit tinatagaan ko ang loob ko dahil baka ganito lang talaga ang Mamá ni Leigh, "Sit, total nandito ka narin nama'y may gusto akong pag-usapan" walang mababatid na emosiyon sa mukha nito.

Kahit kinakabaha'y umupo na ako sa sofang inimwestra nito sa kaniyang harapan. Nang makaupo ay seryoso kaming nagtinginan sa isa't isa.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, I need you to break up with Leigh" natigilan ako dahil doon.

"Ha? Bakit po, I didn't do anything on your daughter to make a decision like that" pinipigilan kong wag magalit. Tumaas naman ang kilay nito dahil doon at tumawa ng pagak na ikinatigil ko.

"You didn't? Leigh's leaving her band, can't you see? She's just starting her career then now leaving it just because of you?" may galit na sabi nito, napakurap ako dahil doon.

What she said strike me, she's right. Leigh's leaving her band because of me.

"It's her decisions po" seryosong sagot ko.

"Because she wants to focus on you, you're ruining her career and dreams " sabat pa nito.

I can't understand, ganito nalang ba palagi? Sa tuwing nagiging masaya kami ni Leigh may hadlang? Gusto ko lang naman sumaya ano bang masama doon.

"I want to be honest here, Hija. Look you're both girl and iyang relasiyon niyo'y hindi magtatagal, what you feel towards my daughter is just a lust. Pag nahanap mo na ang lalaking para saiyo'y iiwan mo rin ang anak ko" mapait nitong sabi saakin, dahil doon ay umusbong ang galit ko sakaniya.

Hindi purket nanay siya ni Leigh hindi na ako pwedeng maging bastos lalo na'g harap harapan akong iniinsulto.

"You don't have the right to say things and dictate what I feel and do, Mrs. Vergara" mariin kong sabi dito.

"Leave my daughther alone, Laurence. Hindi ba ganoon naman ginawa mo noon?" doon ako natigilan, "Tama ako hindi ba? You think I didn't know how you leaved my daughter? Alam mo ba kung gaano siya nag dusa noong mga panahaong umalis ka? You leaved her broken! Sa tingin mo ba hindi mo kayang gawin ulit iyon? Nagawa mo na nga ng isang beses" mapaklang sabi nito.

Wildest DreamWhere stories live. Discover now