Kabanata 17

6 0 0
                                    

DALAWANG araw bago ang alis ko, napagdesisyonan kong papuntahin si Gabriella at Kleo dito upang makapag bonding man lang bago umalis.

Naging mas malapit kasi kami nitong mga nagdaang linggo dahil palagi nila akong niyaya tuwing lumabas sila, minsan sumasama minsan naman hindi lalo pag kausap o kasama ko si Leigh.

"Señora, may bisita ho kayo sa baba" agad akong napabangon nang marinig iyon. They here, nagmadali na akong lumabas at bumaba.

"Gabriella, Kleo I missed you!" agad ko silang dinamba ng yakap nang makalapit sakanilang dalawa.

"Get off, Lau" natawa ako dahil si Kleo na naman iyon.

"You don't missed me?" nakalabing turan ko nang humiwalay ako sa yakap nila, umirap lang naman ito natawa nalang samin si Gabriella.

"Anong meron? Why you suddenly want to see us?" talang tanong ni Gabriella saakin, natigil naman ako doon at ngumiti ng malungkot sakanila.

"Did something happen?" nag aalalang lumapit saakin si Kleo, even though she's grumpy she has this sweet attitude.

"I'm leaving.." hindi sila sumagot, "I'm going back to Europe the next day" sinalubong ko ang mga malungkot nilang tingin.

Nginitian ko sila ng matamis at hindi ininda ang lungkot na nararamdaman para naman gumaan ang paligid namin.

"Kailan ang balik mo rito? I really thought na dito kana mag sstay" malungkot na sabi ni Gabriella, umiling naman ako dahil doon.

"I'm not sure, mybe 5? 10 years? It depends" katahikan ang namayani sa buong paligid.

"That's too long, huh" yea, kaya hindi ko alam kung anong gagawin. The thought of leaving Leigh that long fears me, what if she find someone new? Kaya ko kayang makita itong may kasama ng iba? Sa lima o sampong taon na iyon ay walang kasiguraduhan para saamin.

"Wala akong magagawa, nandoon ang pangarap ko at gusto ng pamilya ko para saakin" malungkot akong ngumiti sakanilang dalawa.

Nalulungkot ako dahil kahit sa maikling panahon na nagkasama kaming tatlo ay tinuring ko na silang matalik na kaibigan.

"We can visit you naman doon, if you wanna hang out with us" gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabing iyon ni Kleo. They are true friends.

"Really?" masayang tanong ko, tumango naman sila pareho.

Maghapon kaming nagkwentuhan at pinasyal ko rin sila sa buong hacienda namin. Sumakay rin kami ng kabayo at kung ano ano pa. Nang sumapit ang dapit hapon ay nag paalam na silang uuwi, nag iyakan pa kami dahil hindi raw nila ako mahahahit sa flight ko dahil may pasok sila sa araw na iyon.

HAPON ng lunes ay papunta ako sa bahay nila Leigh, balak ko itong surpreshahin dahil aamin na ako dito at ibibigay ang painting na naka ready sa batis. Medyo makulimlim ang langit kaya binilisan ko ang pagpunta sa bahay nila Leigh, dahil pakiramdam ko'y andoon na iyon ngayon.

Nang makarating sa tapat ng bahay nila ay nagtaka ako dahil imbis na si Leigh, ang mabungaran ko'y si Nanay Sol habang may kausap na pamilyar na mukha.

"Oh Laurence, Hija. Hindi ko alam na paparito ka, hala pasok. Anong sadya mo?" nagtatakang bungad ni Nanay Sol saakin, nginitan ko naman ito at pasimpleng sumulyap kay Ate Sab na seryosong nakatitig saakin.

"Ah si Leigh ho, Nay?" tanong ko.

"Ah si Leigh ba? Wala siya rito, sinamahan sa bayan si Jhoanna. Baka maya maya pa ang balik" natigil naman ako dahil doon, "Oh siya maiwan ko muna kayo diyan, hintayin niyo nalang dumating si Leigh" nagpaalam na ito.

"Can we talk?" naangat ako ng tingin dahil doon, nakaupo kasi ako sa single sofa.

"Why?" takang tanong ko rito, pero seryoso lang ito. Kung dati ay maamo siya, ngayon ay parang matatakot ka dahil sa aura nito.

Wildest DreamWhere stories live. Discover now