IKALAWANG linggo ng july, isang buwan na ang limupas nang mangyari iyong sa ilog kasama si Leigh.
Busy na ito sa kaniyang pag aaral dahil graduating na siya katulad ni Kuya, minsan ay nagkikita parin kami tuwing bibisita si Kuya sa kaniyang girlfriend na si Jhoanna. Yes, sinagot na siya ng kaniyang minamahal last week lang.
Nakaramdam man ng inggit dahil malaya na silang ipakitang nagmamahalan sila ay wala akong magawa, sa nagdaang buwan ay puro mix signals ang pinapakita ni Leigh. She's sweet all the time, lagi akong inuupdate sa kaniyang ginagawa. Lagi rin kaming magkausap sa call at messages. Buong buwan ay ganoon ang set up namin, hindi pa ako umaamin sakaniya dahil natatakot akong masira kung anong meron samin ngayon, sapat na saakin na ganito ang trato niya saakin.
Napahinga ako ng malalim dahil sa lalim ng iniisip.
"That's deep" I heared my Papá's voice that's why I jump on where I was sitting.
"Papá! Kailan kayo nakauwi?" excited na lumapit ako sakanila ni Mamá at yumakap.
Isang buwan rin kasi silang wala dito dahil busy sila sa Maynila kasama si Abuela't Abuelo. May importante silang inaasikaso na hindi ko malaman kung ano dahil masiyadong komplikado.
"How's our baby, I missed you darling" sobrang higpit ng yakap saakin ni Mamá, iginaya ako nito paupo sa sofa habang hindi parin kumakalas sa mga yakap nito na ikinatawa naman niya.
"What's your plan, Lau. September is coming, malapit na ang pasukan mo" natigil ako dahil doon, kumabog ng malakas ang puso ko.
Oo nga pala, hindi ko namalayan ang araw. Malapit na pala ang pasukan namin, that means babalik na akong Europe any time soon.
"D-Dad.."
"You know hindi ka naman namin pinipilit na bumalik doon, napansin naming nag eenjoy kana rito. Why don't you try at your Kuya's school, darling" sabi ni Mamá sa tabi ko.
Napayuko ako at tinignan ang aking mga kuko, nasa Europe ang pangarap kong Law School at malapit na akong makapasok doon dahil sa exam na tinake ko. Kahit sa batang edad ay hindi maipagkakailang matalino ako, bata palang ay nakitaan na ako ng potensiyal nila Mamá kaya sa Europa nila ako pinag aral kasama sila Abuela't Abuelo. Bata palang ay hilig ko ng sumama sa mga hearing ni Abuelo, dahil isa itong tanyag at kinikilalang Judge sa Europa. Sakaniya ko namana ang talas ng utak pagdating sa ganitong bagay, kaming dalawa lang ang parehong nagkakaintindihan. I promise him that I'll pursue my Law and become a sucessful Attorney someday, and to help those people who needs justice and help.
"Mybe first week of september, Papá. Give me some time to enjoy my last week of vacation" pinasigla ko ang aking boses kahit labag na labag ito sa loob ko.
Tumango sila bago nag paalam na aakyat na upang makapag pahinga, habang ako ay tulala paring nakaupo kung saan nila ako iniwan.
Napahilamos ako dahil sa halo halong nararamdaman, how can I tell Leigh about this. Hindi ko kayang malayo dito, paano nalang pag umalis ako. Hindi pa nga niya alam na gusto ko siya e, paano na?. Gulong gulo ako, pero hindi ko naman kayang biguin si Abuelo, naka ready na ang lahat pag balik ko sa Europa. Papasok na ako sa Law school at hindi ko naman kayang mapahiya si Abuelo sa kaibigan nitong may ari ng school na papasukan ko, pero hindi ko rin naman kayang iwan si Leigh.
Damn this.
Umakyat ako upang matulog na dahil lumalalim na ang gabi, pagkapasok ay nakita ko ang painting ni Leigh sa aking study table. Andoon parin ito at naka sandal sa stand nito, hindi ko ito ginalaw kailan man simula nang matapos ko itong gawin.
Agad akong lumapit at naupo sa upuang naroon, pinakatitigan ko ang canvas. Sobrang ganda niya sa piyesang ito, hinding hindi ako magsasawang titigan. Napakaganda, higit pa. Lalo na ang kaniyang kayumangging mga mata na mas lalong tumitingkad pag nasinagan ng kahel na araw.
YOU ARE READING
Wildest Dream
Roman d'amourCOSTA DEL SOL SERIES 2. Life is filled of astound, astound that at times you can't devour. Dreams are free, in people who can afford it yeah. But how about those people who can't choose what they dreamt of? Life is upside down, but certainly parti...