01

1 0 0
                                    

kanina pa ako nag s-croll sa social media kahit wala naman akong ibang nakikitang pwede kong pagka-abalahan. wala kasi kaming pasok today kaya nasa bahay lang ako nakahilata.

"boring naman" bulong ko sa sarili ko habang nag s-scroll puro mga stories lang ng mga classmates kong nag gagala ang nakikita ko.

kaya minsan ayaw ko nalang mag tititingin sa social media dahil inggit lang ang napapala ko, inggit sa mga nasa galaan, inggit sa mga mag jowa, inggit sa circle of friends na nag pipicnic. kahit nga photo booth sa isang mall hindi ko pa naranasan kalokang buhay to.

"Nicole yung kaibigan mo nandito" ani ni mama nang pumasok sa kwarto ko, yung pagkabagot ko kanina ay napalitan ng sigla, finally my savior from the boredom came!

"ginagawa mo jan, tanghaling tapat nag kukulong ka sa kwarto mo dika ba naiinitan?" bungad nya sakin at umupo sa kama ko.

kahit naman lumabas ako wala din naman akong gagawin kaya dito nalang ako, at least di ako napapagod duh.

"Hindi ako naiinitan teh, nabobored oo!" sagot ko naman at tumihaya ng higa kaya tumabi sya sakin at nakitingin nalang din sa ginagawa ko.

"pogi oh mag random friend request ka kaya? pag inaccept jackpot!" aniya at bumangon pa ng bahagya para matingnan ako.

"no way, bakit ko naman gagawin yun" ani ko at iniwas ang phone ko sa kanya tumagilid din ako ng higa.

itong babaeng to talaga ang daming alam hindi nawawalan ng kalokohan.

"ikaw na din nag sabi, you're bored meet new people din kasi ang laki ng mundo nicole hindi lang ako ang tao, hindi lang ako ang pwede mo maging kaibigan" sabi nya at nginitian ako.

tama sya maybe I just isolated myself too much so it's hard for me to make friends and meet new people.

hindi ko alam anong pumasok sa isip ko at pumayag ako sa suggestion nya. I just found myself adding random people to my facebook.

"pag walang nag accept e cacancel ko na ah" sabi ko naman.

pagkatapos nun ay lumabas na kami ng kwarto ko para kumain at mag ayos nag plano kasi kaming gumala ngayon dahil nga wala kaming pasok at sobrang stress din kami sa school buhay college.

"ito oh bagay sayo, kikay." sabi ni cess at binigay sakin ang isang top na kulay pink na may ribbon design.

i love everything that's pink, kaya siguro nasasabihan nya akong kikay. I mean ano bang ini-expect nya? I'm a woman, so i should dress like one.

nag iikot-ikot lang kami sa mall kung ano ano nalang din ang nabibili namin kahit hindi naman namin kailangan sa school basta sabi ni cess "we deserve it" kaya bili lang ng bili kasi deserve daw namin kahit wala naman kaming ginawang tama.

nang magutom kami ay napagdesisyonan naming kumain sa isang fast food.

"Oh! someone accepted my friend request!" sabi ko sa gitna ng pagkain namin at pinakita kay cess ang phone ko "pogi teh" she commented and continue eating as if she didn't say anything.

ano naman kung may nag accept? as if e chachat ako nito baka nga gawin lang akong reactor or isa sa mga followers nya tsk.

bumalik nalang din ako sa pagkain ko at di na pinansin yun, parang wala lang rin naman.

"ay pipictureran pa pala hehe" sabi ni cess nang kunin nya ang inorder nyang iced coffee na pipictureran ko sana bwesit talaga to pang story ko yun eh!

"epal ka talaga pag ikaw nag picture din ng food or ng place yare ka sakin" ani ko at sinamaan sya ng tingin kinuha ko nalang din yung matcha ko at ininom nalang habang yung kasama ko parang mamamatay na sa kakatawa.

papasok na ako sa gate ng bahay namin ng biglang may mag message sakin.

it's the guy who accepted my friend request earlier.

Josh Cullen Santos: zup!!

saglit pa akong napatingin sa message nya, nag iisip kung anong e rereply ko parang ang cool naman nya ata.

                                          Me: heyy!

from that simple approach our conversation went on for so long that I didn't even realize that I had opened up to him. sya rin sobrang gaan nya lang kausap nawala sa isip ko na ngayon ko lang sya nakilala.

sa pag-uusap namin na yun marami na akong nalaman about him, he's planning to audition daw sa isang korean company na bumubuo ng isang boy group at sabi nya kinakabahan daw sya kasi first time nya gagawin to at marami syang hindi pa alam tungkol sa sarili nya.

nakakatuwa lang kasi dream ko din yun, ang maging idol. and knowing na meron na palang bumubuo ng ganon sa Philippines parang na intriga din ako.

lumaki kasi akong iniidolo yung mga k-pop idols, karamihan nga sa mga alam kung kanta ay Korean.

may mga friends din akong nakilala ko lang din dahil sa pag aattend ko ng mga kpop concerts before.

"really? nag open up kayo sa isa't isa?"  sabi ng kaibigan ko habang nasa gitna kami ng klase.

sinabi ko na kasi sa kaniya na nag message na sakin yung lalaking inadd ko randomly, tutal sya naman naka isip nun i think she deserves to know.

"mabait naman sya kausap tas malapit lang pala sya sa atin so hindi malabong makita ko sya" sagot ko naman tumango lang sya at tinignan ako ng parang may gusto syang sabihin na naman.

"I know that look, stop it"

saway ko sa kanya dahil sa tingin nya palang sakin ay parang may pinaplano na naman syang gusto nyang gawin ko kaya natawa sya.

hindi naman ako clueless sa mga ganitong bagay, may alam ako kaya choice ko na yun kung makikipagkita ako kay josh or hindi.

At busy pa kami pariho kaya hindi pa namin napag-uusapan yang meet up na yan inaaupdate nya ako sa mga ginagawa nya kaya somehow it makes me feel special.

tahimik lang akong nag s-scroll na naman sa socials ko nang may nakita akong post na may kpop convention daw sa isang mall na malapit lang sa school namin kaya inaya ko na naman si cess na pumunta g naman sya agad kasi may crush sa isa sa mga naka line  up na group.








MAYBE THIS TIME.Where stories live. Discover now