03

0 0 0
                                    

pagkatapos naming kumain ay nag gala muna kami sa mall, nag arcade kami kasama yung mga ka grupo nya. masaya pala silang kasama lalo na si stell sobrang kwela.

nag karaoke din kami at dun ko napag-alaman na maganda pala boses nitong si stell si josh naman ay medyo bagay sa kanya ang maging rapper.

naiimagine ko palang sila sa isang group parang ang powerful na.

"for now halo-halo kami may mga girl trainees din kaming kasama" sabi ni josh.

nag k-kwentohan kami habang naglalakad pauwi, gusto ko din malaman kung sino sino yung mga kasama nila sa training kaya yun yung pinag-uusapan namin.

"hindi ka naman ba nahihirapan sa training?" tanong ko naman sa kanya.

nagulat ako nang bigla akong hinila ni josh at nilipat sa pwesto nya, nasa tapat kasi ako kalsada kaya sekreto akong napangiti.

" sa pag sayaw hindi naman, sa pag kanta ako medyo nahihirapan kasi di naman talaga ako kumakanta kaya yun talaga yung focus ko ngayon. may tumutulong naman sakin, samin, lalo na si stell tinutulongan nya ako." malumanay nyang sabi at napapangiti pa.

nakakatuwa lang malaman na nagtutulongan pala sila sa training, ibang iba sa training na alam ko, parang walang competition yung sa kanila, willing silang matuto at turuan ang isa't isa.

"ikaw paano ka naman sa school? okay ka ba sa course mo? I mean gusto mo ba yan?" seryoso nyang tanong habang nakatingin sakin.

napaisip tuloy ako bigla kung paano ko nakayanan ang college life ko, yung papasok ka sa school para lang sa isang subject, yung quizzes na namimiga ng utak, yung thesis at report on the spot grabee nakayanan ko yun!

"Okay naman, kaya ko naman, masaya ako course ko syempre ako pumili nito eh, tsaka pangarap ko maging F.A" nakangiti ko naman sabi kaya tumango sya.

kahit hindi ko pa masyadong nakikita sarili kong maging F.A in the future kasi may ibang path akong gustong tahakin para sa future ko, which is yung business.

"that's good, taposin mo yan, pag napagod ka mag pahinga ka saglit, tas laban ulit wag mo din e kulong yung sarili mo sa pag-aaral mag enjoy ka din minsan kasi deserve mo yan at kailangan mo rin" aniya at inakbayan ako, he gave me a small pat on my shoulder.

na kwento nya rin sakin dati na hindi sya nakapagtapos ng pag-aaral, nag take lang sya ng ALS para makakuha ng highschool diploma.

wala nalang problema sakin yun, at least gumagawa sya ng way para mairaos yung pang araw-araw nya, at alam ko ring matalino sya, the way he talk, cold sya, oo pero may sense kausap yung may matututunan ka talaga at sobrang madiskarte ding tao.

hinatid nya ako hanggang sa may kanto ng bahay namin, magkalapit lang pala kami ng baranggay kaya sabay na talaga kami pauwi.

"see you next time thankyou din sa pag sama sa amin mag celebrate!" nakangiti nyang sabi yinakap nya pa ako, hindi na ako nagulat dun dahil ganon naman sa akin ang mga kaibigan ko at isa na sya sa mga kaibigan ko ngayon.

"naku ayos lang yun, ang saya nyo din kasama next time ulit, ingat ka chat me when you get home!" ani ko at naglakad na kumaway ako sa kanya kaya kumaway din sya pa balik sakin.

mukhang hindi nya ata narinig yung huling sinabi ko, or baka narinig nya wala lang syang pake.

pagkadating ko sa bahay ay agad akong nag bihis para mag shower, wala na akong naabotan dahil tulog na silang lahat.

pagkatapos kong magbihis ng pantulog ay nag skincare na ako, naalala ko na naman yung mga small act of service ni josh kanina!! kaya eto ako ngayon mukhang tangang nakangiti sa harap ng salamin.

sinampal sampal ko ang sarili ko dahil sa mga naiisip ko para mabalik sa katinoan, "stop it nicole hindi ka nga chinat eh" bulong ko at sinuklay na ang buhok ko.

tahimik lang ako nagsusuklay nang biglang umilaw yung phone kong naka charge kaya mabilis akong tumayo at nadadapa pang sumalampak sa kama.

Josh Cullen Santos: I'm home, matulog ka na wag na mag puyat. 🌜

Ahhhhhh!!! huh! ano ka ngayon self? mali na naman iniisip mo. shettt

umayos ako ng upo sa kama ko at inayos ang buhok bago mag reply.

             Me: uy! buti naman, ikaw din,      pahinga ka deserve mo yun.

nang ma-send ko yun ay hindi ko na mapigilang sumigaw at magpagulong-gulong sa kama ko.

Josh Cullen Santos: Hmm, actually matutulog na ako nag chat lang ako para sabihing naka-uwi na ako.☺️

eheh! ang haba na ng hair ko neto, narinig nya pala yun, mali lang pala ako ng iniisip! hay naku self!!

                               Me: hmm, ako rin,
                                        goodnight joshi!!

nag goodnight nalang din sya sakin, at nireact yung last message ko, pagkatapos nun ay agad din akong nakatulog dahil pagod din naman ako sa sobrang aga ko ba naman umalis kanina dinaig ko pa ang supportive girlfriend huii!!

ganon lang takbo ng buhay ko, school, uwi, spend time with josh, madalas kasi ay inaaya nya akong lumabas, yung kahit jan lang kami sa mall o kaya sa park tinatanaw yung dagat.

parang ang gaan lang ng lahat, sya yung isa sa buhay ko outside school, mas nakakasama ko pa sya kaysa kay cess, kasi may work yun after school.

si josh naman after training kahit late ay dinadaanan nya ako sa amin, minsan may dala pa syang food.

"Hayup na tapsilugan malapit samin. Halagang P55 na 'to? Baby version ng longsilog? Malaki pa itlog ko dito e" natatawa kong basa sa post nya, ayaw na ako tantanan nito minuminuto nalang nadaan sa feed ko kaya nasaulo ko na.

"Isa ah, HAHAHHA ano ba nicole wag ka nga! di bagay sayo nag gaganyan ka" reklamo ni josh pero natatawa din naman.

bakit kasi ganon yung post nya kahit ako natatawa eh.

"bakit kasi ganon? bakit hayop ang tapsilugan ka?"

nagpipigil ako ng tawa ko habang naghihintay ng sagot nya pero natatawa na din sya.

"Eh kasi naman, gutom na gutom ako nun tas ang mahal pa 55? nak nang!! ang liit mas maliit pa yun sa pasensya ko!" aniya wala na talaga akong nagawa kundi tawa nalang nang tawa.

"saya mo ah, bunot mo'ko?" dagdag nya at pinisil ang pisngi ko.

"makapisil naman to, pisngi mo pisngi mo? hayop na tapsilugan ka HAHAHAA"

natawa na naman ako kaya sumimangot sya at kikilitiin na sana ako kaya lang mabilis akong nakaiwas kaya nag habulan kami ngayon sa dalampasigan.

"sge lang, wag lang talaga kitang mahuli!" sigaw nya habang hinahabol ako.

"bakit?! ano gagawin mo sakin?" sigaw ko naman habang tumatakbo palapit sa dagat.

"isasakay kita sa salbabida tapos e tutulak kita sa malalim, hindi na kita kukunin ulit!!" sigaw nya habang tumatawa.

sobrang saya ko kapag kasama ko sya, nawawala yung stress ko sa school.

iba yung saya na nabibigay nya sakin.

he's my own version of calm and peace.

josh cullen.

you're a part of me now.

MAYBE THIS TIME.Where stories live. Discover now