09

4 0 0
                                        

"Sinong ipapa-kilala mo sa'kin?" tanong ko habang naglalakad kami ni josh papunta sa studio nila.

Sinundo nya na naman ako sa school dahil may ipapakilala daw sya sa'kin.

I can see excitement in his eyes habang pa-akyat na kami sa studio.

Nauna na syang maglakad sakin nang maglakad na kami sa hallway ng studio nila. maliit niyang binuksan ang pinto at sumilip sa loob para tignan kung sino yung mga tao.

Nagulat pa ako ng biglang dumungaw si stell sa pinto kaya natawa sya sa reaction ko.

Hinawakan ni josh ang kamay ko at hinila ako papasok ng studio. Doon ko nakitang apat nalang silang nandito.

Saglit pa akong napatingin kay josh nang mapagtanto kong sila nalang talaga ang natira.

He made it.

"Are you okay?" Tanong ko kay josh.

Baka kasi malungkot na naman sya dahil wala na yung mga kasama nya sa training.

"Hmm, tanggap ko na, may mga bagay talaga na kahit anong gusto mong manatili, hindi pwede. after all nasa competition naman kami, may aalis at aalis talaga" mahina nyang sabi habang nakatingin sa'kin.

Maliit nalang akong tumango at ginala ang paningin ko sa mga kasama niyang nag p-practice ng sayaw.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito at niluwa ang isang lalaki.

Taray. Tall, dark and handsome.

Agad namang tumayo si josh para salubongin ito kaya naiwan ako sa sofa na nakatayo na rin.

"Adrianna, this is ken, new trainee namin. hindi pa sya official member tatlo pa silang pagpipilian." pagpapakilala sakin ni josh sa lalaki.

Mahiyain pala itong si ken at hindi madalas nagsasalita, pero tinanggap nya naman ang kamay ko at magpakilala din kami sa isa't isa.

Magaling din siyang sumayaw, malalim ang boses.

Ngayon palang masasabi ko nang malayo ang mararating nila. kasi sobrang galing.

Tahimik lang ako habang naghihintay sa kanilang matapos sa sinasayaw nila dahil break time na pagtapos non.

"Ken tumbling nayanig na ang studio kaka-tumbling mo"birong sabi ni stell kaya sinamaan siya ng tingin ni ken.

Mahilig kasi mag tricks si ken kaya inaasar sya nila josh, pati tuloy ako ay napapaisip kung hindi ba siya nahihilo kakatumbling nya.

Nagpatuloy lang ang pag-aasaran nila habang nag ttraining kaya kahit wala akong ginagawa dito ay masaya parin ako. para silang matagal nang magkakasamang lima kahit nito lang nila nakasama si ken.

"Hi" bati sa akin ni ken nang lumapit sya sa'kin para kumuha ng tubig sa water dispenser nila, nasa tabi lang kasi ito ng sofa.

"Hello, ngayon lang kita nakita ah" nakangiti kong sagot kay ken kaya ngumiti din sya ng maliit.

"Oo, bago lang ako, si josh nag contact sakin" aniya at tinuro si josh na nagpupunas ng pawis habang kausap yung tatlo.

"Jowa mo?"

"Ha?" napalingon ako ulit kay ken dahil sa sinabi nya at tinuro nya naman si josh na ngayon ay naglalakad na palapit sa'min.

"Si josh, boyfriend mo ba." Ulit nya sa tanong nya.

Shit, I don't know what to answer.

"She's my girlfriend"

Gulat akong napatingin kay josh ng sabihin nya yun pero seryoso lang sya at maliit na tinapik si ken sa balikat nito.

What??

Girlfriend? Since when?!!

Alam kung kita sa mukha ko ang pagka-gulat dahil hindi ko na talaga ma control yung expression ko.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay josh at ken dahil sa narinig ko.

"Hoy okay ka lang? bat parang gulat na gulat ka" ani ni stell nang makalapit ito sa'min.

"Yeah, I'm okay m-may food ba k-kayo? let's order treat ko" sabi ko.

Nagsalubong naman ang kilay ni stell habang tinititigan ako at napatingin kila josh at ken at sinamaan nya ang mga ito ng tingin.

"Ginawa nyo dito? mag oorder palang kami nicole, sabay nalang natin, pero okay ka lang ba talaga?" nag-aalalang ani ni stell kaya ngumiti nalang ako.

"I'm okay lang nga, sge na let's order na." pag iba ko ng topic para naman maiba ang atmosphere sa loob ng studio dahil nakikita kong nagugulohan nadin sila paulo at Justin.

Nang makaorder na kami at hinihintay nalang ang mga iyon na dumating ay nag kwentohan na muna kami. inalis ko nalang muna sa isip ko ang mga narinig ko kanina.

Nang dumating na ay sabay na kaming kumain lahat nasa gitna kami ng dance floor nila at pabilog kaming naupo sa sahig.

"J-josh about what you said earlier" mahina kong sabi habang naglalakad kami pauwi.

Tanging katahimikan lang ang namumutawi sa amin mukhang pinapakiramdaman ang isa't isa kung sinong mauunang mag salita.

"I don't what a connection that's confusing." dagdag ko habang nakayukong naglalakad.

Nagulat ako nang bigla akong patigilin ni josh sa paglalakad at hinawakan ang dalawang balikat ko.

"I know, I'm sorry I didn't want to confuse you, alam ko naman na doon tayo mauuwi eh. just give me some time, let's give each some time for now. may mga bagay lang akong kailangan unahin pero mahal kita Nicole, alam ko sa sarili ko na mahal kita, na mahal na kita dati pa" malambing niyang sabi at marahang hinahaplos ang balikat ko.

I was just looking at him silently, trying to understand and put in my mind everything he said.

"Mahihintay mo ba ako?" nagsusumamo nyang tanong at malambing akong tinignan.

can i wait?

"Alam ko sobrang selfish pakinggan, pero Adrianna hintayin mo ako please. Ayokong humarap sa pamilya mo na ganito lang ako, na wala pa akong naaabot, gusto ko munang may mangyari sa buhay ko bago kita kunin " dagdag nya.

Bakit naman ganon ang iniisip nya? wala namang kaso sa family ko kung ano sya at kung ano lang ang kaya nya.

Pero siguro gusto niya lang din maging handa. hindi lang para sa akin, sa'min kundi para sa sarili nya sa family nya at sa future.

how can I not wait, if I am part of his future plans. How can I not love this man.

"I can wait josh, I will wait. Ako rin naman may kailangan unahin, focus muna ako sa studies ko and focus on your own craft too" nakangiti kong sabi.

I can wait, I will wait.






MAYBE THIS TIME.Where stories live. Discover now