07

2 0 0
                                    

Josh Cullen Santos : mag bihis ka. labas tayo.

napatayo ako sa kinauupuan ko nang mabasa ang message ni josh.

ngayon na ba yun? yung sinasabi nyang babawi sya?.

"Okay ka lang? ano ba yang tinitignan mo?" tanong ni mama nang makita ang gulat kong mukha. akmang titingin pa sana sya sa phone ko nang agad ko itong pinatay at ngumiti nalang sa kanya.

"Wala po, si josh lang inaya ako lumabas" ani ko at nag lakad na papuntang kwarto ko.

nakita ko ang kakaibang ngiti ni mama at maliit pang napailing, nakakahalata na din kaya sya sakin? na may gusto ako kay josh?

pagkatapos ko maligo at mag ayos ay nag chat na ako kay josh na tapos na ako. nag hintay pa ako ng ilang sandali bago sya nag reply.

Josh Cullen Santos: labas ka na.

napangiti ako nang mabasa yun at agad na kinuha ang shoulder bag ko saglit pa akong tumingin sa salamin para tignan ang kabuuan ako bago lumabas.

"Ma! alis na po ako!" sigaw ko nang hindi ko makita si mama sa sala.

asan na yun.

lumabas nalang ako ng tuloyan sa bahay at nag lakad na palabas ng gate, nagulat ako nang makita si mama na may kausap sa labas.

"Mag ingat kayo ah, josh yung anak ko" rinig kong sabi ni mama.

nang buksan ko ang gate ay sabay pa silang tumingin sa gawi ko.

"Opo, una na po kami" sabi ni josh at yinakap ang mama ko.

san galing tong motor na dala nya? bat sya nagka bigbike bigla? kanya ba to?

hindi ko na napansing naka pasok na pala si mama ulit sa bahay dahil sa mga iniisip ko.

"kanino yan?" tanong ko kay josh at tinuro ang motor.

"akin yan, binili ko last year nung may work pa ako ngayon ko nalang ulit nagamit" nakangiting sabi ni josh at hinawakan ang kamay ko.

nauna syang sumakay sa motor habang ako ay nasa gilid lang. paano ako sasakyan nito? ang laki.

inalalayan nya akong umangkas naupo naman ako sa maliit na space ng iniupuan nya, kasya naman ako. nagulat ako ng bigla syang dumaing na parang nasasaktan.

"shit. Adrianna wag ka jan umupo dun ka sa taas" nasasaktan na sambit ni josh.

nagugulohan man ay sinunod ko nalang sya, umupo ako dun sa sinabi nya, ang angat ko naman nito, naka tuwad ako!!

humarap sya sakin at sinuotan ako ng helmet, seryoso lang sya habang ginagawa yun kaya titig na titig ako sa kanya.

"Sorry"

"For what?" sabi ni josh habang inaayos ang pagkakabit ng helmet ko.

"feeling ko na saktan ka kanina, I'm sorry hindi ko naman alam" mahina kong sabi habang nakayuko.

umayos na sya ng upo at binuhay na ang motor, hindi na sya sumagot sakin at hinila nalang ang dala kong kamay para nilagay yun sa tiyan nya.

"Kapit ka mabuti, and don't think about it. It's okay." aniya at tinapik kamay kong naka yakap sa kanya ng mahigpit.

habang nasa byahe kami ay hindi ko maiwasang mailang sa posisyon ko, pakiramdam ko lahat ng taong nasa likod namin ay nakatingin sa pang upo ko.

"wag kang malikot" sabi ni josh at inayos ang pagkakayakap ko sa kanya.

hindi nalang ako nagsalita. sinandal ko nalang ang ulo ko sa balikat nya kahit pa minsan minsan ay bumabangga ang helmet ko sa helmet nya.

himinto kami sa isang park, tabi ng dagat na naman, may boardwalk dito wala masyadong tao at sobrang mahangin.

MAYBE THIS TIME.Where stories live. Discover now