"bilis ang dami nang tao dun tayo pumwesto sa harap" sabi ng kaibigan ko nanunulak pa sya ng mga nakaharang sa daan.
sumunod nalang ako sa kanya dahil hinihila nya din ako panay excuse me tuloy ako sa mga nababangga namin buti walang na galit.
"cess dito nalang tayo, baka mamaya may tumambling matamaam pa tayo" biro ko, pero hindi din naman malayong may ganon nga tas itong kasama ko gusto pa sa harap kami pumwesto may balak pa nga ata tong magpa-tulak sa stage ganon pinagawa nya sa'min last time.
nang makarating na kami sa pinaka-harap ay nawala na si cess sa paningin ko. nag ikot-ikot na marami kasi syang kakilala dito.
"ang tagal naman mag start" bulong ko sa sarili ko at nilabas ang dala kong mini fan dahil nakakaramdam na ako ng init.
ang dami nang tao may nagsi-datingan pa.
"Hey! come back here! baka may lilipat sa pwesto mo bwesit ka alis ka ng alis" sabi ko sa kaibigan ko, kanina pa kasi sa lipat ng lipat lahat ata ng nandito kaibigan nya.
bumalik di naman sya sa tabi ko at di na umalis pa ulit may dala pa syang snacks at drinks namin, may silbi din naman pala yung pag alis nya.
after ilang oras na paghihintay ay nag start na rin yung event.
"Ayan na SE-EON NA!!" tili ng kaibigan ko at tinulak pa'ko, bwesit na'to.
tahimik lang akong nanonood sa kanila, ang galing nila.
and mix sila may girls na mga naka boy cut, kung hindi dahil sa height nila hindi ko mapapansin na may babae pala.
"Girl, si josh yan diba? nakatingin dito oh" sabi ng kaibigan ko kaya napatingin ako sa lalaking tinuro nya, at nakatingin nga ito sa amin.
hindi ko alam kung ilang sigundo kami nagkatitigan bago ako umiwas ng tingin.
hindi ko na tuloy na enjoy yung performance nila dahil panay na ako iwas sa mga titig nya, bwesit na mata yan josh.
nang tapos na sila ay saka lang ulit ako bumalik sa panonood, magagaling naman yung ibang group pero base sa ingay ng crowd feeling ko yung group nila ni josh ang mananalo.
And i was right, they won.
"Wahhh! congrats sa inyo ang galing nyo omg!" sabi ng kaibigan ko na lumapit na sa kanila pagkatapos ng event.
nandito lang ako sa gilid naghihintay kung kailan sya matatapos sa pag congratulate, mukhang tuwang tuwa naman sya dahil nakikipagkulitan pa yung mga babae sa group sa kanya.
kunti nalang talaga iisipin ko nang tatakbong sk chairman tong si cess, lahat nalang nakakasundo nya.
I'm friendly din naman, pero kunti lang yung mga kinonsider kong friend ko talaga, at sa kanila lang din ako clingy at affectionate.
nagulat ako nang bigla akong hilain ni cess palapit kila josh "this is my friend Nicole, Nicole this is SE-EON ang gagaling nila diba? sabi mo kanina" aniya at tinaasan ako ng kilay at tinulak ng bahagya, nilaglag pa ako.
"Ah h-hello ang galing nyo kanina, uhmm congrats deserve nyo manalo" ani ko naman at nginitian sila.
"Hindi mo ba ako e cocongratulate?" he uttered and chuckled.
Bakit parang ang sungit naman nya.
"Uhm... I- I just did, kanina." nauutal kong sabi at nag iwas ng tingin sa kanya dahil sobrang seryoso niyang makatingin sakin.
"You congratulated my group, not me" aniya at tinaasan ako ng kilay.
Nagpalipat-lipag ang tingin sa'min ng mga ka grupo nya dahil sa inakto ni josh.
Ano bang problema niya.
"Well, congratulations, josh!" masigla kong sabi bago ako nag iwas ng tingin sa kaniya.
Narinig kong tumikhim ang isa sa mga ka grupo niya kaya napalingon ako dito. ngumiti naman ito sa'kin at maliit na kumaway.
"Mukhang magkakilala kayo, I'm stell" pakilala sa'kin nito kaya nagpakilala na din ako.
He's nice, I can see it.
"San na kayo nyan?" tanong ni josh kaya bumaling ulit ako sa kaniya.
Tumingin ako sa kaibigan ko dahil hindi ko din alam kung saan kami pagkatapos namin dito.
"Ah uuwi na, wala naman na kaming pupuntahan" sagot ng kaibigan ko.
Tahimik lang akong nakatingin sa kanila na nag-uusap.
"Sabay na kayo sa'min, sama kayo mag celebrate" Aya ni stell.
Nagkatinginan kami ni cess bago tumango.
Nag samgyup nalang kami.
YOU ARE READING
MAYBE THIS TIME.
RomanceSome of the scenes, especially the painful ones, are from the failed relationships I've experienced, and I just want to give them happy endings.
