"kayo ah napapadalas na pag labas ni nyo ni josh ah" sabi ni cess at mahina akong binunggo
pwede naman kasi syang sumama, sya lang ayaw, kung hindi naman ayaw hindi din sya free dahil may work sya.
sa ilang buwan naming pag-uusap ni josh, unti unti na naming mas nakilala ang isa't isa.
mas naging komportable na din syang mag kwento sakin ng kung ano anong mga bagay.
"soon, pag nag debut na kami dapat nandun ka ah" masaya nyang sabi.
magkasama na naman kami, sinamahan ko syang bumili ng mga gamit na kailangan nya, bumukod kasi sya sa bahay nila.
"Oo naman, i won't miss that day" masaya ko namang tugon.
medyo busy sila ngayon sa training dahil may evaluation daw sila kaya mas na challenge sya.
habang nag lalakad kami napadaan kami sa Watsons kaya nag tingin tingin nalang din kami, si josh naman ay nasa likod ko lang minsan naman tumitingin sya ng mga products.
balak ko bumili ng skincare kasi naubosan na ako sa bahay, napatingin ako kay josh nang mapansin kong parang maputla sya at mukhang puyat ngayon ko lang napansin dahil sa ilaw.
pagkatapos namin mamili ay lumabas din kami agad.
"daan muna tayong pharmacy may bibilhin ako." seryoso kong sabi.
kumakain pa kaya to? may hindi kaya sya sinasabi sakin? napapabayaan nya ba sarili nya dahil sa sobrang busy sa training?
nag-aalala ako.
nang makarating na kami ay tahimik lang nya akong sinundan papasok ng pharmacy.
binilhan ko sya ng mga vitamins, tingin ko kailangan nya mag take ng mga to.
"Oh, inomin mo yan ah, alagaan mo sarili mo josh, wag mo lunurin sarili mo sa training kumakain ka pa ba ang payat mo." pagalit kong sabi sa kanya nang makalabas na kami.
tinanggap nya naman yung binili kong mga vitamins, pero tahimik lang syang nakatitig sakin.
"mag sabi ka kung may kailangan ka okay? whether it's financial or not, I'm willing to help, I want to help." malambing ko sabi at hinawakan ang kamay nya, tahimik parin sya mukhang tulala.
"hey, are you listening? nag hang ka pre" natatawa kung sabi kaya natawa sya.
"thankyou"
tahimik lang akong nakatingin sa kanyang nung sinabi nya yun habang sya ay nakangiti.
"really, thankyou talaga, ngayon ko lang naramdaman yung ganito, yung may nag aalaga sakin, yung may nag aalala sakin kaya thankyou" mahina nyang sabi, namula ako nang haplosin nya ng marahan ang buhok at pisngi ko.
"you mean so much to me" dagdag nya at yinakap ako kaya yumakap din ako sa kanya.
I don't know but I had hope from what he said, na hindi lang ako ang may ibang nararamdaman, maybe he feel it too.
alam ko hindi na bilang pagkakaibigan itong nararamdaman ko, at ramdam kong ramdam nya din yun dahil sya rin ay ganon sa'kin, pero parang may pumipigil lang samin na mag tapat ng totoong nararamdaman namin.
o baka na sanay lang ako na lagi ko syang kasama kaya ganito, kaya magulo.
hindi naman sya mahirap magustohan.
I'm at a point in my life where I feel like I need to help him, I need to always be there for him, support him but I didn't do it just because I needed to but because I wanted to.
kahit hindi pa sinasabi sa akin alam kong may problema sya, nahihirapan sya, may gumugulo sa kanya, at yun yung kailangan kong alamin.
maaga pa naman kaya hindi na muna kami umuwi, tumambay muna kami sa park wala naman nang masyadong tao kasi gabi na rin.
YOU ARE READING
MAYBE THIS TIME.
RomanceSome of the scenes, especially the painful ones, are from the failed relationships I've experienced, and I just want to give them happy endings.