After 1 hour if break nag training na ulit sila kaya naiwan kaming dalawa ni cess dito sa gilid.
tahimik lang kaming nanonood sa training nila, grabe nakakapagod pala talaga. yung paulit-ulit kang sasayaw para lang ma perfect mo pag dating ng evaluation.
"sino kaya maliligwak sa kanila, tingin mo?" mahinang sabi ni cess sakin habang nakatingin kila josh na busy sa pag-sasayaw.
"ewan ko, kung pwede nga Wala nalang eh. magagaling naman silang lahat, and ginagawa din nila best nila" sagot ko naman.
masaya silang sumasayaw nag bibiruan pa sila, parang sobrang comfortable na nila sa isa't isa. pati yung mga babae na kasabay nilang mag training parang hindi na sila naiilang pag binubuhat o hinahawakan sila.
"baka matunaw yan" cess uttered.
hindi ko namalayang kanina pa pala ako nakatingin kay josh at sa babaeng partner nya sa sayaw. mukhang hindi naman nila yun napansin kaya agad din akong umiwas ng tingin at yumuko nalang.
ganito pala sila. masaya, nagkakasundo, yung saka mo nalang mararadaman na pagod ka pag tapos na kasi masaya lang kayo habang nasa training.
sabay kaming napalingon ni cess sa pinto ng bumukas ito at niluwa nun ang dalawang koreano.
shit, baka magalit to sa amin dahil nandito kami.
tumigil muna sila sa pagsasayaw at lumapit sa dalawang taong kakarating palang.
pansin ko din ang pag sulyap ng lalaking koreano samin kaya ngumiti nalang ako dito, ang akala ko ay hindi ako papansinin kaya ganon nalang gulat ko nang ngumiti ito sakin.
tinawag kami ni josh kaya agad kaming tumayo at lumapit sa kanila.
"Tatang, this is nicole and her friend cess. they are our friends." pakilala ni josh sa amin.
tumingin naman ang koreano sa amin at kaya nag bow ako at pinakilala ang sarili sa kaniya, ganon din si cess na nasa tabi ko.
saglit pa silang kinausap ng mga koreano, mukha naman silang mabait.
alas 9 ng gabi nang matapos ang training nila kaya sabay sabay narin kaming lumabas.
"stell san ka uuwi?" tanong ni josh nang makalabas na kami sa building.
"uuwi akong las piñas birthday ng pamangkin ko" sagot naman ni stell.
tumango nalang si josh at nag paalam na, pati kami ay nag paalam narin.
hinatid muna namin si cess sa sakayan bago kami nag lakad pauwi. pwede naman kaming sumakay nalang pero mas pinili naming mag lakad.
"ang saya nyo pala sa training no?" sabi ko kay josh habang nag lalakad kami kaya tumingin sya sakin.
"hmm, para mawala din ang pressure sa evaluation kailangan namin mag saya" nakangiti nyang sabi at inayos ang pagkakasout nya sa bag ko na hawak nya.
"Ikaw, how's school? may maitutulong ba ako?" mahina nyang sabi.
"Okay lang naman, tapos ko na mga schoolworks ko kaya may time ako kanina gumala. nakaka-stress dahil graduating kami pero kaya ko naman" sabi ko at nginitian sya.
hindi na sya nag salita at tahimik lang akong tinitigan, nagulat ako ng gulohin nya ang buhok ko. hinapit nya din ang balikat ko saka ako inakbayan.
"alam kong kaya mo, i just want to let you know na pag mabigat na, may matatakbohan ka. kaya kitang tulongan sa mga schoolworks mo kahit wala akong natapos" aniya kaya napatingin ako sa kanya.
"I know, and let me remind you din, may natapos ka. and i believe in you alam kong kaya mo din e ace yung path na tinatahak mo ngayon." seryoso kong sabi sa kanya.
ang dami na naming napag-kwentohan nag catch up talaga kami sa ilang weeks naming hindi nag kita. at hindi ko alam kung kailan ko sya makikita ulit.
"chat ka pag naka-uwi ka na" nakangiti kong sabi, nagulat pa si josh nang may humintong kotse sa harap ng bahay namin.
I booked him a grab.
nginusoan nya ako at parang batang nag dabog, ang cute HAHAHA.
alam ko kasing tatanggihan nya ako pag sinabi kong e bobook ko sya pauwi, ayoko kasi ng feeling na safe akong naka-uwi dahil hinatid nya ako pero sya hindi ko alam, baka makasulubong pa sya ng masamang tao sa daan at may gawin sa kanya.
yumakap nalang ako sa kanya kaya yinakap nya din ako ng sobrang higpit.
"ingat ka pauwi, don't forget to message me." bulong ko habang nakayakap sa kanya.
"Hmm, thankyou. babawi ako sayo pagtapos ng evaluation, okay ba yun?" aniya at hinawakan ang pisngi sa dalawa nyang kamay kaya tumango nalang ako.
he kissed me on my forehead for the second time.
"you don't have to, but yeah would love to go gala with you, byee!" sabi ko at bumitaw na sa yakap.
"wala bang i love you?" nakangiti nyang sabi, tinitigan ko lang sya dahil nag loading na naman ako. "joke byee goodnight Adrianna." nakangiti nyang sabi at nag lakad na aalis.
nakatingin lang ako sa kanya habang nag lalakad sya palapit sa kotse.
should i say it na din ba? he's so vocal to his feelings towards me. wala naman sigurong masama kung ako din.
bago pa sya makapasok sa kotse at tinawag ko agad sya.
"josh!" sigaw ko na kinalingon nya.
kinakabahan ako shit.
sasabihin ko ba? kita ko ang pagsalubong ng kilay nya habang nag hihintay sa sasabihin ko.
"I..."
"I love you!" sigaw ko at dali daling pumasok sa gate at agad na sinara yun.
nanatili muna akong nakasandal sa gate habang hinintay na maka-alis ang kotse. sobrang lakas parin ng tibok ng puso ko.
nang marinig ko ang pag-alis ng kotse ay nag lakad na ako papasok ng bahay, napatigil ako nang tumunog ang phone ko.
Josh Cullen Santos: I love you! Daya mo tinakbohan mo'ko. cyl.😚
nakatingin lang ako sa chat nya at pinipigilang sumigaw dahil tulog na ang mga tao sa bahay baka magising ko.
YOU ARE READING
MAYBE THIS TIME.
RomanceSome of the scenes, especially the painful ones, are from the failed relationships I've experienced, and I just want to give them happy endings.