10

0 0 0
                                    

Hindi na muna kami nag kita ni josh dahil busy ako. last year ko na to as tourism student kaya kailangan ko mag focus.

Busy din naman sya sa training nila, ang kaibahan lang ngayon ay wala na silang evaluation, final five na sila.

And may schedule na rin for their debut concert. Ang alam ko free lang yun, kami kami lang ng mga friends and family nila ang pupunta.

Masaya ako for him dahil nag bunga na talaga lahat ng efforts nya. hindi man sobrang laki pero at least may progress. At nakikita ko ring nagpupursigi silang lima para kilala sila ng mga tao.

Na appreciate ko lalo yung leader nila dahil sa tagal ko silang nakakasama mas nakikita ko kung gaano sya ka passionate sa pag-gawa ng kanta. Para bang nabuhay talaga sya for making music, to inspire people, so save people gamit ang kanta nya, mas na appreciate ko lalo yung efforts nilang lima.

Kami naman ni josh.

We are still friends, hindi ko alam kung anong tawag sa situation namin. pero mahal namin ang isa't isa. Gusto kong respetohin yung side niya.

He introduced me as his girlfriend so I did the same. Yun din ang sinabi ko sa mga magulang ko at tuwang tuwa naman sila dahil gusto nila si josh para sakin, at si josh bilang siya.

Ayoko naman na din mag entertain ng someone sa buhay ko kaya okay na din to, alam ko sa sarili ko na mahal ko sya at malaya kaming naipaparamdam yun sa isa't isa.

"Uy labas daw tayo ng mga classmates natin oh ilang months nalang graduate na tayo!"

Sabi ng kaklase ko, matagal na kasing drawing yang labas daw kaming buong magka-kaklase pero hanggang ngayon hindi parin nakukulayan. paano eh tuwing uwian kanya kanyang alis na kami.

"Sasama ba tayo?" bulong ni cess sakin.

"Ewan ko saan ba?"

tumayo si cess sa upuan nya at pumunta sa harap para tanungin ang isa kong kaklase kung saan kami kakain.

"Sa pop up tayo guys sa katip. nomi na lang din tayo after lumafang" sabi ng ka klase kong tinanong ni cess.

Sabi na eh, masama kutob ko sa labas labas na'to eh.

"Hindi ako iinom ah, ikaw nalang" mariin kong sabi kay cess nang makabalik sya sa tabi ko.

"Oo, akong bahala sa shot mo HAHAHA"

bwesit talaga to, pag inoman hindi umaatras.

Pagkatapos ng klase namin ay sabay sabay na kaming lumabas ng mga kaklase ko.

Nag message pa ako kay josh na
kasama ko yung mga kaklase ko, kasi baka mag-alala sya. Lagi kasi akong nag memessage sa kanya pagkatapos ng klase ko o pag pauwi na ako.

"Oh, walang dalahan ng jowa ah sinasabi ko sa inyo, boyfriend's are strictly prohibited!!" Sigaw ng mayor namin.

"Prohibited amputik baka nga ikaw ang unang sunduin dito eh!" sagot naman ng kaklase ko kaya nag tawanan kami.

Lagi kasi to syang sinusundo ng boyfriend nya sa galaan o kahit hindi pa kami nakakaalis nagugulat nalang kami nasa labas na ng gate sa school kaya hindi sya madalas nakakasama sa'min.

Gaya nga napag-usapan namin kami sa room, kumain na muna kami bago sila nag inoman.

Sila lang ang nag inoman dahil hindi naman talaga ako umiinom. kung iinom man lady's drink lang.

"Itong si Sanchez madaya ayaw uminom, advance celebration natin to oy pag graduate natin hindi na tayo magkikita!" Sambit ng kaklase ko mukhang may tama na to.

Hindi ko kasi talaga kaya yung lasa ng alak kaya hindi umiinom. tsaka sakit lang yan sa ulo kinabukasan kaya kakain nalang ako.

"Nak nang!! yan sinasabi ko di pa tayo matagal dito tumatawag na" lasing na sabi ng kaklase kong lalaki.

"Gago mama ko to!" sigaw naman mayor namin kaya natawa kami.

Ganito ba talaga pag lasing? matatawa na kahit sa maliit na bagay, ang saya na nila eh.

Masaya naman ako, pero hindi ako lasing.

Josh Cullen Santos: sa katip. ka parin ba?

mukhang ako ang susunduin ah.

Me: yes, I'm here pa. nasa training ka parin?

Binaba ko na ulit ang phone ko nang makapag-reply na ako. Dahil nag pinag-uusapan na nila yung mga funny moments namin sa school.

Josh Cullen Santos: sunduin kita mamaya.

Pumayag nalang ako at hindi na pinahaba pa ang pag-uusap namin dahil baka asarin na ako ng mga kasama ko.

"Uy una ako may shift pa ako mamaya" paalam ni cess sa'min at tumayo na.

Alas diyes na rin naman kaya uuwi na din kami, sabay nalang din kaming nag lakad lahat palabas.

Josh Cullen Santos: I'm here na.

Napalingon lingon ako sa gilid para hanapin si josh nang mabasa ko ang message niya.

Doon ko siya nakitang naglalakad papalit sa'kin dala ang helmet.

"Tumba na yun ah" tukoy nya sa kasama kong inaalalayan ng mga kaklase kong mag lakad.

"Yeah, nag inom sila kanina eh, advance celebration daw." sagot ko naman.

hinila nya ako at hinalikan sa noo, saglit pa akong mag loading sa ginawa nya pero nakabawi din agad nang magsalita siya ulit.

"Hindi ka uminom?"

Umiling lang ako at hinila na sya papunta sa motor nya dahil inaantok na ako.

Agad din naman kaming umalis at hinatid nya na ako sa bahay namin.

"Hindi na muna ako sasaglit tulog naman na sila tita, mag pahinga ka nalang nalang din matutulog na din ako pagkauwi ko"

Tumango nalang ako at di na nag salita dahil antok na talaga ako.

Lumapit nalang ako sa kanya at yinakap sya kahit nakaupo pa sya sa motor nya, agad din naman nya akong yinakap pabalik.

"Pagod na pagod ang baby ko ah" bulong niya habang hinaplos ang buhok ko.

Tumingala pa ako sa kanya kahit pa pikit pikit na ako sa antok. naramdaman kong hinalikan nya ako sa noo ko kaya dumilat ako at nginitian sya saka ako yumakap ulit.

"I love you" mahina kong sabi

"Cute, I love you, sge na pasok kana para makatulog ka na dito nalang din ako mag gogoodnight para hindi kana mag p-phone" malambing niyang sabi.

"Goodnight joshi" mahina kong sabi at humiwalay na sa yakap.

"Goodnight bebe, sge na pasok ka na, wag na mag phone ah tulog na diretso" aniya

Nag lakad na ako papasok ng gate namin at kumaway muna sa kanya saglit bago ako tuloyang pumasok sa bahay.

MAYBE THIS TIME.Where stories live. Discover now