"kamusta kayo ni josh? ano may label na ba?" tanong ni cess sa akin.
It's been 5 months since Josh and I entered this situation where we don't know what to call our status.
"Okay naman kami." malimit kong sagot at pinagpatuloy ang pag-inom ko ng strawberry shake ko.
Nasa isang cafe kasi kami, naisipan naming dito nalang mag review para naman may bagong ambience.
"Okay lang naman talaga kayo sa nakikita ko, pero ang tanong ko, kayo. like kayo, ano na may label na ba?" tanong nya at nakakunot na ang noo ngayon.
Hindi naman kami nag mamadali. wala pa nga sa isip ko ang ganon, hindi ko alam kung dahil ba 'to sa naging usapan namin ni josh noon, or dahil sa mga priorities namin sa ngayon.
"Mahal namin ang isa't isa, masaya kami, hindi naman kami nag mamadali doon, cess." sagot ko sa kanya
Nag buntong hininga nalang sya at maliit na umiling saka siya tumutok ulit sa laptop nya.
Is 5 months too long? should I ask him about us na ba?
After a few moments of thinking kinuha ko nalang ang phone at e memessage sya. wala naman sigurong masama kung tatanongin ko sya diba?
Napansin ko ang pagtingin sa'kin ni cess nang kunin ko ang phone ko pero agad din siyang nag iwas ng tingin sakin alam ko worried lang sya sa kung anong pinasok ko kaya naiintindihan ko sya.
I was about to search josh's name in my messages when i saw their management's post about their debut concert that will be held 2 months from now.
It stopped me from doing my plan to ask him. Not now, not at this moment.
Binaba ko nalang ulit ang phone ko at binalik nalang ang atensyon ko sa laptop ko.
Kahit hindi ko na maintidihan ang binabasa ko ay nag kunwari nalang akong busy.
"Ahhh!!! you saw it na?!! mag dedebut na sila!!" sigaw ni cess at napatayo pa sa upuan nya.
Tinakpan nya ang bibig nya nang mapansin nya ang mga tao na nakatingin sa kanya.
"Omg, it's finally happening!!!" tili nya ay niyuyugyog pa ang kamay ko.
Masaya ako, sobrang saya at proud ako sa kaniya, sa kanila. pero nilulunod ako ng mga iniisip ko.
Hindi na magkanda-ugaga si cess kakatingin sa phone nya para tignan yung details ng concert at kung saan ito gaganapin.
Pag concert talaga eh.
"Hoy, kalma 2 months pa yun" sabi ko sa kaniya.
Nagtatawanan kami nang biglang tumunog yung phone ko agad ko naman itong sinagot nang makita ko ang caller ID.
"Hello, busy ka?" aniya sa kabilang linya.
"Joshi!! congrats finally this is it!!" sigaw ni cess.
"Magkasama pala kayo, sama kayo sa'min, small celebration lang" aniya ramdam ko yung saya niya sa boses nya palang para na syang tumatalon sa tuwa.
"Of course, sasama kami saan ba? congratulations btw, I'm so proud of you Joshi" sabi ko naman na syang kinatawa nya, narinig ko pa ang boses ni stell at Justin na inaasar sya.
Agad naman niyang sinabi sa amin yung location ng restaurant nakakainan namin kaya agad din kaming umalis ni cess para magpunta doon.
Sinalubong kami ni josh sa labas ng restaurant at sabay na kaming pumasok sa loob.
Marami pala kaming kasama ngayon. napansin ko ang babaeng katabi ni paulo na mukhang close niya dahil normal lang itong nakikipag-usap sa kanya. ngumiti ako dito nang ngumiti ito sa'kin, she's nice and pretty.

YOU ARE READING
MAYBE THIS TIME.
RomantikSome of the scenes, especially the painful ones, are from the failed relationships I've experienced, and I just want to give them happy endings.