08

1 0 0
                                    

"Teh, nakita mo post ng management nila? mukhang road to debut na sila!" tumitiling ani ni cess.

Hindi pa ako nakakapag-check ng socials ko dahil sa sobrang busy sa school.

Dahil sa sinabi ni cess ay hindi ko tuloy napigilan tignan yung post. At totoo nga parang last na evaluation nalang mag de-debut na sila.

                                  Me: congrats joshii!!

I messaged him after I saw the post.

Josh Cullen Santos: thankyou!! kaunti nalang. busy ka? labas tayo.

"Lalabas na naman yan sila." Pang-aasar ni cess sa akin.

"Sama ka" seryoso kong sabi at inismiran sya.

"Ayoko, wala na crush ko dun eh" aniya at bumalik sa ginagawa nya na parang wala syang sinabi.

Kaya pala panay ang lapit nya dun sa lalaking trainee na kasama na josh. crush nya pala.

"Ikaw ah, crush mo pala yung chinito guy na yun ah" pang-aasar ko sa kanya at tinulak sya, parang tanga naman syang ngumiti.

Mukhang magiging abala na naman sila kaya nag aya na naman ang isang 'to na lumabas.

Ilang week na din kasi simula nung huli kaming nag kita, kahit mga trainee palang sila ay sinasalang na sila sa stage. minsan ay may guesting sila.

Mas better na rin yun para alam nila kung paano nila dalhin mga sarili nila sa stage pag nag debut na sila.

Pagkatapos ng klase namin ay agad kaming lumabas ni cess, hindi sya sasama sa'min pero parang may sarili lakad din ang babaeng to. ayos na ayos eh.

Nag kkwentohan kami habang palabas kami ng school nang makita ko si josh sa labas ng gate ng school namin kaya hindi agad ako nakapagsalita.

"Hoy! nakikinig ka ba? buset ka sino bang tinitignan m- ay kaya pala"

hindi nya na natapos ang sinasabi nya nang tumingin sya sa kanina ko pang tinititigan.

It's josh. Smiling widely at me.

Nag lakad nalang kami at hindi na nag usap hanggang sa makalabas na kami.

"Oy, sa'n na naman kayo ha?" tanong ni cess kay josh pero hindi sya sinagot nito at tinawanan lang.

Nagulat ako nang kinuha ni josh ang nag at siya na ang nag sout. saglit pa kaming nagkatinginan ni cess bago sya nagpaalam sa amin para umalis.

"So, where are we going?" tanong ko habang naglalakad kami.

"Secret sakay na" he said and smiled me.

As usual tinulongan nya akong makasakay sa motor nya dahil nahihirapan talaga ako. ang taas ba naman may kaiklian pa ang palda ko.

"Ay wait naka skirt ka pala" aniya at hinubad ang sout nyang jacket at tinali iyon paharap sa akin para komportable ako.

yumuko nalang ako at tinikom ang bibig ko, baka kasi kumawala yung ngiti na kanina ko pa pinipigilan.

"Okay ka na?" malambing niyang tanong at hinila ang kamay ko para humawak sa gilid nya.

"Y-yeah okay na." nauutal kong sagot.

hindi na sya sumagot at binuhay na ang motor nya.

Tahimik lang kami buong byahe habang ako naman ay patingin tingin lang sa lugar na nadadaan namin.

Saan kaya ako dadalhin nito.

Huminto kami sa isang patag na lugar.

I just realized that there is a place like this in Manila, greeny, calm and not too crowded.

MAYBE THIS TIME.Where stories live. Discover now