05

0 0 0
                                    

ilang weeks nang busy si josh sa training nila kaya di na muna kami nagkikita.

may pasok din naman ako kaya hindi ko na masyadong inisip yun, kahit naman palagi kaming magkasama may kanya-kanya pa din naman kaming pinagkaka-abalahan.

"beh, nag review ka ba? pa kopya ako ah" saad sakin ni cess nang umupo sya sa tabi ko.

busy kasi sya sa work nya kaya wala na syang enough time para mag review, kaya minsan pag natambay ako sa library ay iba ang mga kasama ko, minsan naman ay ako lang mag-isa.

dati pa naman kaming nag tatanongan at nag tutulongan sa mga lessons namin kaya hindi na bago sakin to, "hmm, pero basahin mo din to para kahit papaano may alam ka" sabi ko at binigay sa kanya ang reviewer ko.

"ano na pala update sa inyo ni daddy josh?" nang-aasar nyang sabi.

"yan, kaka-thankyou for calling sjskd mo yan" sabi ko naman at tinawanan sya.

sa call center sya nag tatrabaho kaya madalas ay wala talaga syang time, kaya wala na rin syang alam.

"pinakilala ko na sya kila mama"

hindi sya nag react kaya akala ko yun na yun, nagulat ako nang bigla syang sumigaw at pinaghahampas ako.

"bwesit ka! may pa meet the parents na?!!" sigaw nya, nang ma-realize nya sinabi ko.

sobrang sakit ng tenga ko dahil sumakto talaga dun yung sigaw nya kaya tinulak ko sya. "ano ba! may balak ka bang bingiin ako?" reklamo ko at nag peace sign lang sya.

kinwento ko nalang sa kanya kung bakit humantong kami sa ganon, pero hindi ko sinabi yung sinabi ni josh sakin bago sya umuwi dahil baka ano naman ang maisip nito, gusto ko ng peace of mind.

na tahimik ang buong classroom nang mag simula na ang quizz namin, final week na kasi kaya laging may pa quizz.

yung sinabi ni cess na kokopya sya sakin ay hindi nya na nagawa, ewan ko dun bigla nalang nag seryoso ang sabi ay ayaw nyang umasa sakin this time, gusto nya daw gamitin ang utak nya, ka-artehan nya na naman.

"ilan score mo?" tanong ko nang makalabas na kami.

"wag mo nang tanongin" aniya habang nag lalakad kami, busy naman sya sa phone nya ngayon.

may jowa na kaya to? m.u? pero mukhang seryoso naman sya, bahala na nga magsasabi naman to pag feel nya na.

nag aya sya sakin mag Jollibee kaya hindi na ako tumanggi dahil gutom din ako at libre nya din daw dahil sweldo nya.

"sarap talaga ng pagkain pag libre" ani ko habang kumakain, sya naman ngayon ang nag pipicture ng food nya, food nya lang dahil nilantakan ko na yung akin.

"Oo, may utang kang chismis sakin, akala mo libre yan." aniya at sinamaan ako ng tingin. "yun lang ba yun? sure ka na jan? walang kiss ganon?" dagdag nya sabay tawa.

"anong kiss pinagsasabi mo jan, wala!" bulyaw ko naman.

itong babaeng to ang advance mag isip palagi, parang nagmamadaling magka-love life ako, ayaw na nga talaga akong kasama.

pagkatapos naming kumain ay umuwi na rin kaagad kami dahil marami pa kaming kailangang taposin. yun agad ang ginagawa ko pagkadating ko sa bahay hindi nalang ako kumain dahil busog pa naman ako.

habang busy ako sa pag-gawa ng assignments ko ay minu-minuto ko namang chinecheck yung phone ko kung nag text ba si josh pero wala mukhang sobrang busy nya nga talaga.

mag mamadaling araw na ng matapos ako ay biglang tumunog ang phone ko kaya kahit antok na at pagod ay sinagot ko parin ito kahit nakapikit.

"Nicole"

MAYBE THIS TIME.Where stories live. Discover now