"Nak, kailan bibisita ulit dito si josh"
Wala akong pasok ngayon kaya nasa sala lang ako nakahilata nang bigla ako tanongin ni mama.
"Hindi ko alam ma eh, busy yun ngayon" sagot ko naman.
Isang linggo na kaming hindi nagkikita ni josh simula nung sinundo nya ako sa katipunan.
Nag-uusap parin naman kami sa phone pero wala pa talaga kaming time na mag kita ngayon, lalo na sya.
Nararamdaman ko nang malapit na talaga silang mag debut dahil sa sobrang busy nila.
Wala na akong magawa kaya pumasok nalang ulit ako sa kwarto ko para gawin yung mga natira kong schoolworks para isang pasahan nalang at para wala na rin akong masyadong iisipin.
Alam ko mamimiss ko ang pagiging tourism student once maka graduate na kami kaya lulubos lubosin ko na.
Tahimik lang akong nag titipa sa laptop ko nang may mag message sakin.
Josh Cullen Santos: gising ka pa ba?
Napatingin ako sa oras dahil sa chat nya.
Shocks alas unsi na pala.
Me: yes, ginagawa ko schoolworks ko. ikaw bakit gising ka pa.
niligpit ko na yung mga gamit ko dahil tapos naman na ako at nag hintay nalang sa reply nya habang naka upo sa dulo ng kama ko.
Josh Cullen Santos: hindi ako makatulog eh. makakalabas ka pa ba? labas tayo, kung okay lang sayo.
Okay lang naman siguro kung lumabas ako ng ganitong oras diba?
Bahala na, si josh naman kasama ko.
Me: okay, bihis lang ako.
Nag sout nalang ako ng black hoodie at shorts at tanging wallet at phone lang dinala ko na nilagay ko sa pocket ng hoodie ko saka ako walang ingay na lumabas sa kwarto ko.
Maingat kong binuksan ang gate para hindi ito gumawa ng ingay dahil tumakas lang ako.
Dahan dahan ko itong sinara nang may mapansin akong motor na papalapit sa gawi ko kaya nilingon ko ito.
"Ikaw ah, sumbong kita kay tita" natatawang sabi ni josh.
Bakit ba kasi hating gabi na sya nag aayang lumabas.
"Eh ikaw bakit hating gabi ka nag aayang lumabas." pagalit kong sabi saka sya inisnoban.
Sinuotan nya naman ako ng helmet kaya sumampa na ako sa likod nya.
"Busy ako eh ngayon lang pinaalis" aniya
Hinila naman nya ang kamay ko at nilagay sa bewang nya saka nya binuhay ang motor nya.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko habang nasa byahe kami.
"City lights"
Hinayaan ko nalang siya mag drive at dalhin ko ako sa sinasabi nyang city lights.
He drove fast his motorcycle up to a subdivision and I saw the city lights there.
Paano kaya kami bababa nito, nakakalula.
nang makarating na kami sa tuktok ay pinark nya na ang motor nya sa gilid ng kalsada at umupo kami sa bench na nasa ilalim ng puno.
"Ang ganda diba" aniya nang makaupo na kami.
Hindi na ako nakasagot sa kanya dahil natulala na ako sa nasaksihan ko at sa lamig ng hangin.
"Soon I'll see this bright light again, but it's all blue." nakangiti nyang sabi habang nakatingin sa harapan namin.
"And it will change to red when I perform alone" I turned to him when I got what he was saying.
Maliit akong tumango at hinawakan ang kamay nya kaya tumingin sya sakin.
"You'll get there, I know that." nakangiti kong sabi.
I can already imagine how good a performer he will be someday.
"Rate 1 to 10 gaano mo ka gusto ang ginagawa mo ngayon" sabi ko sa kanya.
"This has been my dream since I was a child, I've always wanted this my whole life."
Hindi ko alam pero parang kumikinang yung mata nya na parang pinipigilan niyang maiyak.
"Gusto ko pag natupad ko yun kasama kita, gusto ko kasama kita palagi, sa lahat ng ma-aachieve ko" seryoso nyang sabi habang nakatingin sakin.
"Oo naman. kasama mo'ko sa lahat, kakampi mo ako palagi"
Hindi na sya nagsalita pa at nanatili nalang nakatingin sa'kin ng seryoso na parang may gusto pang sabihin.
Lumakas ang kabog ng puso ko ng ilapit nya ang mukha nya saking at hinawakan ang kamay kong nasa hita ko.
Kusa nalang pumikit ang mga mata ko nang maramdaman ko ang mga labi nya sa labi ko pinatakan nya lang ako ng halik sa labi ko at sa noo ko.
Nang hindi ko na maramdaman ang labi nya sa noo ko ay dumilat na ako at doon ko siya nakitang nangiting nakatitig sakin.
Niyakap nya naman ako at sinandal ang ulo ko sa balikat nya.
"E sasama kita sa lahat ng laban na pagdadaanan ko, at e sasama din kita sa pag unlad ko" aniya habang hinahaplos ang buhok ko.
Hindi parin kumakalma ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog.
he kissed me.
kung pwede lang akong sumigaw dito nagawa ko na.
Pero baka ma-engkanto ako wag nalang, mamaya ko nalang to e sisigaw sa pag-uwi ko.
May na daanan kaming nagtitinda ng burger kaya huminto na muna kami para kumain. midnight snack daw kuno dahil ala 1 na ng gabi.
"yare ka sa mama ko pag nalaman nyang nilalabas mo'ko ng ganitong oras" biro ko sa kanya habang busy sya sa pag oorder.
"luh, hindi yan boto sakin si tita baka nga matuwa pa yun eh" Aniya at tinaasan pa ako ng kilay.
Yabang talaga nito.
Nang dumating na yung order namin ay agad naman kaming kumain para hindi na kami mag tagal pa lalo doon at makauwi na.
Pagkadating namin sa bahay ay saglit lang kaming nagpaalam sa isa't isa dahil baka magising na sila mama at mahuli pa akong tumakas ng madaling araw.
Masaya akong pumasok sa kwarto ko habang iniisip yung nangyari sa amin ni josh.
Hinalikan nya lang naman ako pero bakit ako nagkakaganito, nabubuang na ata ako.
Hindi na ako tinantanan ng mga nakakalunod nyang mga mata na nasa isip ko parin hanggang ngayon.
YOU ARE READING
MAYBE THIS TIME.
RomanceSome of the scenes, especially the painful ones, are from the failed relationships I've experienced, and I just want to give them happy endings.