Chapter 8

428 19 4
                                        

When I went home that night, I couldn't stop thinking about Tienn. I've been kissing and being kissed aggressively since the first time I tried it. Doon kasi ako nakakaramdam ng sarap na hinahanap hanap ko. However, having been kissed by Tienn passionately somehow changed my perception. I didn't know I'll be needing that kind of feeling in the way I kiss someone. It tickles something deep inside me.

Hindi pala kailangang hayok at marahas para masarapan.

Tienn made me feel a different kind of pleasure, something I can't understand. How can a passionate—a slow deep kiss give me that kind of pleasure? I don't know. I really don't know and I ought to know. I want to understand.

Si Tienn ang nagpapaturo sa akin pero bakit parang mas gusto kong maintindihan at matutunan iyong nangyayari sa akin?

"You're spacing out, babe." Raylon tried to kiss me on my cheeks na agad kong iniiwas sa kaniya.

He chuckled, "Wow? Sulking? What did I do? What happened?"

"Wala." Ang tanging isinagot ko. Hindi ko talaga alam kung bakit hindi matanggal sa isip ko iyon, ilang araw na rin ang nakalipas at ilang araw na rin akong ginugulo ni Tienn at iyon din ang iniisip ko sa tuwing nariyan siya sa malapit.

"Hi Jhie!" Pau sat beside me.

Narito kami ngayon sa isang upuang pabilog na mayroong isang puno sa gitna kaya malilom. Kahit mataas ang araw ay hindi kami naiinitan.

"Si Gail?" Pau asked.

Nagkibit balikat ako, "Haven't seen her."

"Nagyayaya siyang magkape raw sa Tagaytay. G ba kayo?" Natatawang sabi ni Ray.

"Pass. Magagalit mommy ko." Sabi ko na ikinatawa rin ni Pau.

"Gago." Kumento ni Ray. Hindi strict si Mommy. Ang tinutukoy kong ikagagalit niya ay ang pagdayo namin ng kape sa Tagaytay e mayroon naman siyang coffee shop.

Nahagip ng paningin ko si Tienn na papasok sa main gate 'di kalayuan sa tinatambayan namin. She's pouting while looking down at the box she's holding. Tingin ko'y box ng cake ang hawak niya. Nagbake yata siya ulit.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bag at nagtipa roon.

Jhiezzel Kane Portuez
Madapa ka riyan.

I smirked as I saw her look around after reading my message. Mukhang hinahanap niya ako pero bigo siyang makita ako.

Krytienn Jaile  Muardez
Where ka???

Gigil na gigil ang isang ito sa question mark niya ah.

I chose not to reply pero nahagip na rin ako ng paningin niya. She gestured for me to come near her. Aba, at ako pa ang lalapit? Sino siya riyan?

"I'll be back." I just found myself walking towards her.

"What do you need?" I asked.

I watched her tap her fingertips on the cake box, perhaps not sure how or what to answer.

"I don't have all the time in the world, spill it Tienn." I folded my arms in front of me.

Instead of answering, she handed me the box she's holding. Mabilis ko rin namang nasalo iyon.

"What the hell—," I stopped. That's why ayaw niyang lapitan ako't ako ang pinalapit niya rito.

Her Steps (GS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon