"You're fooling me again." Iniabot ko sa kaniya ang cake na hawak ko.
"What? Jhie, no! I'm serious." Sabi nito at ipinakitang muli sa akin ang nakasulat sa cake.
Gusto kita at gusto kong mahalin ka.
"I told you I'll confess to the person I like on my birthday... Ito na, I'm doing it. I like you and it's my choice that I want to love you—,"
"Bakit? Bakit mo pipiliin 'yon when you're betrothed to someone else? Bakit? Gusto mo ng thrill? P'wes huwag ako. I'm not up for some kind of shit—."
"Because when I tried to stop it, I failed." Natigilan ako sa sinabi niya, tila nabingi ako.
"Sinubukan kong pigilan pero hindi ko kaya that's why I'm surrendering to this feeling and choosing to love you... even more. Whatever it takes." She looked at me with so much determination in her eyes.
"What do you mean whatever it takes?"
"Even if it means... not getting a penny from my Dad's wealth." Nanginig ang kamay ko sa sinabi niya.
"You think I'd let that happen? Tienn, I've been out of my father's life for how many years now. Hindi ako natanggap ng kahit ano'ng tulong mula sa kaniya and I know how hard that is. You think I'd let you experience that too when your Dad's not at fault here—,"
"What do you mean not at fault?"
"He just wants you to have a better life and that's with Ray—,"
"He fvcking used me as a cover up for my sister's death!" She raised her voice. "A better life? There's no 'better' in life with my Dad. As long as he chooses to stay up with that bullshit politics, I would never experience a better life. Now, gusto kong kumawala and let me choose myself this time. B-bakit hindi mo maintindihan?"
I stared at her, my heart getting pinched every moment her tears escape from her eyes. I slowly reach for her cheeks and wipe her tears away.
"Tienn... I'm sorry." I whispered.
Hinawakan niya ang kamay ko at isiniksik pa roon ang kaniyang mga pisngi na tila naghahanap ng isang komportableng lugar.
Patuloy na lumalandas ang mga luha sa pisngi niya at hindi ko na kinakaya pang panoorin iyon. Dahan-dahan kong inilapit ang sarili ko sa kaniya habang ipinipikit ang aking mga mata hanggang sa maramdaman kong lumapat ang labi ko sa malambot na labi niya.
Her lips are so soft and I admit I've been missing this for the past few weeks. I gently caress her cheeks as I deepen the kiss. She did not move. She just let me kiss her.
"I... I missed you, Jhie." She whispered and my heart sank as she sniffed. She's still not done crying.
I moved my lips to her cheeks and kissed her tears.
"I missed you so much, I want to run after you that time and—and..."
"Shh, tahan na Tienn." I caress her cheeks even more, trying to comfort her.
"Ikaw rin naman umiiyak." Natatawang sambit nito.
We went silent for a while, I was thinking of what she told me.
"Did... your father know where you are?" I asked softly.
Umiling siya. "He's on a business trip, wala naman siyang pakialam kung nasaan ako."
"Si... Ray. Alam ba ni Ray?"
Umiling itong muli. "Alam kong pinuntahan ka niya kanina. He said he wants to end everything he started with you. He said he's ready to focus on me."
Natahimik ako sa sagot niya. I know Ray will do that. He's a good person naman and I know na hindi niya gugustuhing masaktan ang isang inosenteng babaeng katulad ni Tienn—at lalo na ako.
"Pero ako hindi ko kaya... I—I can't end things with you." Umiling siya nang paulit-ulit.
Dahan-dahan kong inilayo ang sarili ko sa kaniya.
"But don't you think Ray's right? Maybe you should focus on him too." Lalo siyang umiling sa tinuran ko.
"What? No! I don't like him. Jhie, ikaw lang ang gusto ko. Huwag mo naman akong itulak sa kaniya."
"Tienn, Ray's a good guy—a good person even. He's just naughty pero mabait siyang tao. I'm sure he wants to settle down with you para wala nang mangyaring problema—,"
"Ayaw mo ba sa akin? Am I not good enough? H-hindi ba ko maganda? Hindi ba ako masarap humalik?"
"Tienn! Oh God, your words! I didn't say that."
Fvck, you're so beautiful and I fvcking wanted to bury my lips on yours every damn moment.
"Eh bakit mo ako binibigay kay Ray?" Nagsimula na siyang umiyak muli, na para bang may limang taong gulang akong iniwan sa mall.
"Shh, stop crying. Hindi kita pinamimigay. Tahan na, tahan na." Muli kong pinahid ang mga luha niya.
"Don't cry easily, Tienn. Don't let other people see you're weak." Marahan kong sabi rito.
"Pakialam ko sa kanila?" Nagsusungit pero umiiyak, sarap kurutin ng namumula niyang mga pisngi.
Bigla siyang sumubsob sa akin at nanatili roon nang ilang minuto hanggang sa may bumusina sa amin. Right, nakaharang kami sa daan. Mabuti na lamang at kakaunti ang dumaraan dito.
"Tienn, we have to get our cars out of the way." Mas sumubsob pa si Tienn sa akin at umiling.
"Tienn, nakaharang tayo." Patuloy ang pagbusina ng sasakyan sa likod.
"Hayaan mo sila." Niyakap pa ako nito.
Napabuntong hininga na lamang ako hanggang sa may lalaking kumatok sa bintana ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Kel iyon.
"Shit, Tienn. It's Kelon. He can't see you with me."
"Bakit naman?"
"He's our friend, alam niyang bisexual ako." Doon lamang dahan-dahang lumayo si Tienn.
Ang pasaway na ito, akala ko'y totoong lalayo na subalit tinaasan lamang ako ng kilay.
"And so?" At sumubsob na ulit sa dibdib ko.
Napabuga ako ng hangin.
"Fine, huwag kang tutunghay." Ramdam ko namang tumango siya kaya binuksan ko ang bintana.
"Ano ba? Bakit ba paharahara sa daan—Jhie? Gago, dito pa talaga sa kalsada? Tangina naman Jhiezzel, car fun na pala trip mo ngayon." Ang kaninang inis na si Kelon ay tumatawa na ngayon.
"That car's open, ikaw na mag-alis sa daan."
"Hayop na 'yan." Wala rin naman siyang nagawa kung hindi itabi ang sasakyan ni Tienn.
Sinimulan ko na ring paandarin ang sasakyan ko para itabi't makadaan siya.
"Sino ba 'yan? Gara ah, babaeng babae 'yung kotse."
"Wala, lumayas ka na!" Taboy ko rito nang dumaan pa siyang muli sa may bintana ko.
Natatawa itong naglakad pabalik sa sasakyan niya.
"He's gone." Tinapik ko si Tienn ngunit napansin kong mabigat na ang hininga niya, mukhang nakatulog na rin siya.
Hinayaan ko na lamang muna siyang matulog sa dibdib ko habang pinagmamasdan ang cake na dala niya kanina.
Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko sa babaeng ito pero bahala na.
...
Tienn's PoV
Ang lambot ng dibdib ni Jhie, mamaya na siguro ako lalayo sa kaniya, hindi na rin naman siya nagsalita.
...
A/N:
Hiiii! Nakapag-update dahil sa bagyong cinancel ang halos 1 week na work :<
Chika tayo on my fb, may time ako HAHAHA
>> Light RC
BINABASA MO ANG
Her Steps (GS #1)
RomanceGRANDÉTON SERIES #1: Her Steps Jhiezzel Kane Portuez transferred from Del Rio University to Grandéton University to move on from her sister's death. This is where she met Krytienn Jaile Muardez, a woman who bugs her to have her friend, Ray.
