Chapter 7

591 37 11
                                    

I failed to touch Tienn's arm. Umiwas siya sa hawak ko. Hinila niya na lamang ako patungo sa kitchen nila.

"I... baked a cake. Kain ka muna!" She said. Mayroong strawberry cake sa lamesa at iced coffee.

Dahan-dahan akong umupo at hinayaan siyang bigyan ako ng cake kahit hindi naman ako mahilig sa matamis.

"Do you know how to cook?" Tanong ko.

"Bake lang." Napailing iling ako. Akala ko pa naman ay mahilig talaga siya sa kusina.

"You just like sweets?" Umiling naman siya sa tanong ko.

"I like soft foods. Hindi naman masyadong matamis ito ah?" She said. Kumuha rin siya ng para sa kaniya at tinikman iyon.

I tried the cake and she's right. Hindi nga ito ganoon katamis. Mukhang kalkulado niya nga ang mga ingredients na inilagay niya rito.

"Do you want to open a business?" I asked, confused.

"You mean this? Ayaw ko. I just want to bake for the people I love." Masiglang sabi niya.

"So are you trying to ask me kung magugustuhan ni Ray ito?" Napakagat siya sa ibabang labi niya dahil sa tanong ko.

"Well, he likes sweets more than I do pero hindi rin naman siya gaanong mahilig." I said. Totoong masarap ang gawa niyang cake at kahit hindi ako mahilig ay nagustuhan ko ito.

"Ano'ng flavor ang gusto... ni Ray?" She asked. I tried to think. Ano nga bang gusto ng lalaking iyon?

"Chocolate?" Tumango tango naman siya sa sinabi ko.

Hindi ko masyadong pinagtutuunan ng pansin ang mga paboritong pagkain. Kahit ako ay hindi ko alam ang sarili kong paborito subalit simula yata nang matikman ko ang strawberry frappe sa bibig niya ay nagustuhan ko na iyon.

"How's the cake?" She excitedly asked.

Nagulat pa ako nang makitang naubos ko na pala ang cake na ibinigay niya.

"You want more?" Hawak na niyang muli ang knife. Umiling ako kahit gusto ko pang tumango.

"Eyy..." Naghiwa pa siya ulit at inilagay sa platito ko.

Ano ba naman ang bubwit na ito, baka masobrahan ako sa matamis!

Hindi ako nagreklamo at kinain ulit iyon. Humagikhik naman siya.

"The last person who enjoyed my food is my Dad. I'm glad nagustuhan mo!" She said.

"Bakit? Hindi ba nagugustuhan ng ibang pinapatikim mo?" Takang tanong ko. Masarap naman, bakit hindi nila nagugustuhan?

"Si Mom, Dad, at ikaw pa lang naman ang nakakatikim." She giggled.

"Oh, I'm honored." I sarcastically said.

"So why did you ask me to come here?" I asked, remembering her message.

She pouted. "I just want you to try the cake."

"Just that?" Gulat na tanong ko.

I mean, she usually bugs me to teach her to kiss and all but now I am seeing that innocent marshmallow who just wants attention.

"It's good." I managed to say.

Muling lumawak ang ngiti niya at umupo sa tabi ko. Tila ba satisfied siya sa naging reaksyon ko.

"Why are you staring at me?" I asked nang mapansing ipinatong niya ang kaniyang baba sa kaniyang palad para titigan ako.

"Bagay rin ba sa'kin 'yung make up na ganyan?" She asked.

Her Steps (GS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon