Chapter 4

297 20 0
                                    

"So when nga kasi?" Naiinip na tanong ni Tienn.

Nalaman kong Krayshen pala ang pronunciation ng pangalan niyang Krytienn at hindi pala iyon basta maling spelling ng Kristine. She told me to just call her Tienn.

"Huwag mo akong abalahin dito, baka hindi talaga kita turuan." Sabi ko habang pinupunasan ang lamesang kakainan niya.

Narito ako ngayon sa coffee shop ni Mommy. Kapag wala akong pasok ay tumutulong ako rito.

It's been three days since Tienn and I talked at hindi ko pa rin siya pinagbibigyan sa gusto niya dahil naguiguilty akong turuan siya ng kung ano ano.

"Turuan? Are you tutoring this cute girl, Jhie?" Malaki ang ngiti ni Mommy nang malapitan niya kami ni Tienn.

Oh fvck tutoring, Mom.

"Hello po! Yes po, she's tutoring me. I heard from my seniors that she's one of the best." Makahulugang sabi ni Tienn.

"Really? Oh that's good, I know my daughter's capable of that." Sabi ni Mommy.

Oh gosh, kung alam mo lang Mom kung ano'ng tutoring ang tinutukoy ng bubwit na iyan.

"What's your name, sweetie?" Malambing na tanong ni Mommy. I rolled my eyes.

"I'm Tienn po." Umabot pa talaga sa mga mata niya ang ngiti niya. Hindi ba nangangalay ang isang ito kakangiti?

"Oh okay, I'm Jhaycel, Jhiezzel's Mom. Nice meeting you. Jhie, do your best in tutoring her. Tienn, enjoy our coffee!" Kumaway si Mommy bago lumabas ng coffee shop. I heard she's meeting a potential investor para makapagtayo ng isa pang branch ng coffee shop niya.

"Do your best daw sa akin," kumindat pa ang cute size na nilalang na ikinangiwi ko.

"Magkakape ka ba rito o ano?" She pouted at my question.

"May strawberry ba kayo rito?" Tumango ako sa itinanong niya.

"Cake and drink na strawberry flavoured please!" Bumalik ang malapad niyang ngiti.

I can't imagine Raylon breaking the heart of this innocent little creature.

Nang maihatid ko ang order niya ay umupo ako sa harap niya.

"Okay, let's try to think things through, hhmm?" I started.

"You are a little pussycat—,"

"Hey!" Masama ang naging tingin nito sa akin. I tucked my lips in to suppress my laugh.

"Okay, you're an innocent little girl—,"

"Ano ba?" Naiirita na talaga ang mukha niya.

"Uhm, innocent cute little creature?"

"Bakit ba laging may little? Hindi na nga ako bata!" Halos lumobo ang pisngi niya sa inis. Para siyang marshmallow na nagtatampo.

"That's what I'm seeing kapag kaharap kita! Anyway, someone like you would really break her own heart or even her world if you got involved with Raylon—,"

"That's why you're there to help me." Tumango tango pa ito habang kunwari'y nagtataray.

Now, mukha na siyang marshmallow na nagtataray habang humihigop sa straw ng strawberry frappe niya.

Napabuga ako ng hangin. I am trying to fight the urge to pinch her cheeks.

"I can't chop your cheeks off—,"

"What?" Naibaba niya nang marahas ang baso ng frappe. Tila napindot ko ang explode button niya.

"Your cheeks are chubby, hindi ganiyan ang tipo ni Raylon. He doesn't like someone's cheek to bounce so much when he slaps it, unless it's buttcheeks." Namula ang pisngi niya sa sinabi ko.

Her Steps (GS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon