Chapter 3

299 18 2
                                    

I was about to kiss her again when she didn't respond but this little pussycat stood up and ran.

Wtf, tinakbuhan niya ako?

And here I thought na matapang siya dahil ito ang gusto niya. Damang dama ko naman kanina ang kaba niya sa mga pinaggagagawa niya.

Umiling iling ako bago tumayo at isinakbit sa balikat ko ang blazer ng uniform ko. Init na init talaga ako sa uniform namin, kahapon lamang kami napagbigyang magcivilian dahil first day.

"Jhiezzel! Uwi ka na?" Si Paula. I wonder kung alam na niya ang nangyari.

"Pau..." Binagalan ko ang paglalakad ko para makasabay siya sa akin.

"Ray told me what happened. Sorry nadamay ka pa ni Jill—,"

"Don't mention it. Kung wala roon si Ray ay baka ako ang makasapak sa lalaking iyon. Not worth it for you, Pau." I said.

Ngumiti nang malapad si Pau bago ako niyakap.

"Ihh, kaya love na love kita! Ako na lang girlfriend-in mo please." I chuckled at what she said.

"Oh please, even I am not worth it for you." Tinawanan niya lamang naman ako.

"Sus sinasayang mo beauty mo kay Raylon. Ano bang gusto mo ngayon? Lalaki o babae? Ihanap kita!" She excitedly said.

"Pau, I'm not in the mood to do shitty things." I said.

"Sige sa sembreak na lang." Napailing naman ako sa sinabi niya.

"I gotta go, Pau. Bye, ingat ka!" Kumaway ito sa akin nang makarating na rin kami sa sasakyan ko.

I received a call from Lady Rhianne. Ngayong nagdecide siyang hindi pumasok ng 3rd year ay ako ang ginugulo niya, great.

"Bakit kasi lumipat ka? You could've been my girl's—,"

"Spy?" Bored ko siyang tiningnan nang ako na ang tumapos ng sinasabi niya.

"Guard!" Napairap ako sa sinabi niya.

"You should've done that instead."

"Gusto ko nga siyang makasabay magmarch sa graduation!" She said.

"Bakit kasi nagkagusto ka sa mas bata sa'yo? You could've chosen someone from our batch." Sabi ko at inilapat ang likod ko sa sofa ng office niya. This 20-year old woman already has her own office tapos ako nakikipagsapalaran pa sa kolehiyo.

"Ekis sa kaage." Ngumiwi ako sa sinabi niya.

"Saan mo natututunan ang mga salitang iyan?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"From Del Rio high school students. I met some when I was watching Yenna sa may gate." Napanganga ako.

"Wtf? You're stalking her nga?"

"Watching, Jhie, watching! Ano ba, bingi ka ba?" Binato ko siya ng unan na nahagip ko sa sofa niya nang umirap pa siya sa akin.

"Ewan ko sa'yo. I'm outta here." Lumabas na ako nang ibinato pa niya pabalik sa akin ang unang ibinato ko sa kaniya kaya sigurado akong sa pinto ng office niya iyon tumama.

Nang pumasok ako sa kotse ko ay tumunog ang cellphone ko. Napakunot ang noo ko nang makita ang notification. May friend request at message request.

Krytienn Jaile Muardez
Hi po ate!

Lasing ba ito? Kailan pa niya ako tinawag na ate?

Jhiezzel Kane Portuez
Who's this?

Krytienn Jaile Muardez
Loh? Naglalike ka po ng post ng 'di mo kilala?

Napapikit ako sa nabasa ko. Nagnotif pa rin sa kaniya ang paglike ko ng post niyang iyon.

Her Steps (GS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon