I threw my bag on the sofa.
"What are you doing here?" I asked when I saw Violett on the sofa.
"I bumped into her at the grocery and she asked me if you're home, sabi ko pauwi ka na rin." Si Mommy ang sumagot.
"Grabe Jhie, 'di mo ko miss?" I rolled my eyes at her.
"Where's your twin sister?"
"Wow, kakambal ko miss mo tapos ako hindi?" She even pouted.
"Sweetie, I got your favorites." Inilapag ni Mommy ang grapes sa center table. Well, she's not talking to me, she's talking to Violett.
Umupo ako sa tabi ni Violett at nakiagaw ng grapes.
"I thought you don't like sweets?" Gulat na tanong niya.
"Yeah, I don't." Iniabot ko sa kaniya ang paper bag na may laman pang mga pagkain. Nagningning naman ang mga mata niya at kinain ang laman noon.
Violett didn't stay for long. She said she still has a lot of things to do kaya naman umakyat na rin ako sa kwarto ko.
"Jhie, you're not eating dinner?" Mom asked. Umiling naman ako.
Bumigat yata ang tiyan ko sa matatamis na ibinigay ng babaeng iyon. I wonder what her name is, noong party ko lamang siya nakita. I haven't seen her in the University, first year student ba siya?
I looked at the paper bag, ngayon ko lamang nakitang may nakasulat doon. Maliit lang ang sulat at masyadong matingkad ang kulay ng paper bag para makita ko ang sulat na halos kakulay din nito ang ginamit na tinta, puro yata ganito ang kulay ng mga gamit niya.
Have a great day!
~ KrytiennTinitigan ko ang pangalan niya as I try to figure out how to pronounce it. Krityen? Parang maling spelling ng Kristine.
I tried to search her name on facebook at mayroon kaming mutual friends kaya lumabas ang account niya kahit first name lang ang inilagay ko.
I saw her latest upload.
Krytienn Jaile Muardez
First day of being a college student 🥹
Omg, superrrr excited!Mayroon iyong selfie niya na nakapatong ang baba niya sa palad niya at nakapikit ang isang mata habang nakangiti. Mukha talaga siyang bata.
Tama ako, she's a first year student.
Nataranta ako nang mapindot ko ang like na mabilis kong binawi. Literal na kumabog ang dibdib ko sa nangyari. Nakakahiya ka, Jhiezzel.
I spent my night watching Netflix before I went to bed. Alas nueve na ako nagising kinabukasan dahil 10:30am pa naman ang unang klase ko.
"Oh you got yourself a new girl?" Tinaasan ko ng kilay si Jill. Nakita ko itong may kahalikang babae sa parking lot.
Nanlaki ang mga mata niya nang makilala ako.
"J-Jhie!"
"What is she saying?" I smirked at the woman. Mababa yata ang IQ ng isang ito.
"I heard you're with Paula. Is your name Paula, girl?" I asked the woman. Kumunot ang noo nito at halos umusok ang ilong.
"What? Who the hell is Paula?" Inapakan niya ang paa noong lalaki gamit ang takong ng sapatos niya bago sinampal. That's right, woman.
Nginisian ko lamang ang Jill na naiwan at hawak hawak ang pisngi niya habang nagtatatalon.
"That must've hurt." I said before walking away.

BINABASA MO ANG
Her Steps (GS #1)
RomansaGRANDÉTON SERIES #1: Her Steps Jhiezzel Kane Portuez transferred from Del Rio University to Grandéton University to move on from her sister's death. This is where she met Krytienn Jaile Muardez, a woman who bugs her to have her friend, Ray.