Prologo

41 3 0
                                    

Sa mundo nang mga makapangyarihang nilalang, isang selebrasiyon ang iginuginita,taliwas sa kasayahan nang lahat isang immortal ang natatanging tamad na nakatingin sa pagdiriwang.

"Oy bakit hindi tayo magsaya doon" Aya sa kanya nang kapwa nito immortal.

"Nakakasawang makipag plastikan sa kanila" sagot nito habang nakapanghalumbaba sa teresa nang palasyo.

"Sus alam mo naman na sa isang taon lang natin to ginagawa, sulitin na natin" Segunda nang isa nilang kasama, na halatang masayang-masaya sa selebrasiyon.

"Tsk, yun na nga kada taon natin to sini-celebrate, sawang-sawa na ako" pahayag nang dalaga saka ininom ang alak na nasa kopitang hawak nito.

"Ikaw ba  naman mabuhay nang ilang libong taon, hindi ka ba magsasawa" dugtong nito at tumingin sa mga kapwa immortal.

"Hahaha" natawa na lamang ang dalawang kaibigan nito.

Truth be told, Siya ang kauna-unahang immortal na nabuhay nang ilang libong taon kaya ganon na lamang ang kanyang reaksiyon sa tuwing isinasabuhay ang pagdiriwang.

"Saka tayong tatlo lamang naman ang nakakaalam nang tunay na dahilan sa pagdiriwang"

"Hmm ito ang kaarawan nang ating matandang kaibigan hahaha, teka ilang taon ka na nga Flamara?" Natatawang tanong nang kaibigan nito.

"Woi great-great grandmother na natin yan hahaha, hayytss Happy 10,000's birthday sayo Flamara" sinamaan nang tingin nito ang dalawang kaibigan.

"10,000 years old na Siya pero wala parin siyang jowa hahaha" nagkatinginan ang dalawa at sabay na natawa.

"Kayong mag asawa kayo, baka gusto niyong ipatapon ko kayong dalawa sa anguish of array" natahimik ang dalawa, napangisi naman ang kaibigan nitong babae.

"Ay wag don alam mo naman na lahat nang ipinapatapon don, hindi na nakakalabas" sabay yakap nito sa braso nang dalaga.

"Kayong dalawa naturingang Hari at Reyna hindi kayo nakikisali don" untag nang dalaga sa dalawang kaibigan.

"Mas gusto ka naming kasama hihi alam naman nating pareho na minsan ka lang lumabas sa lungga mo" napangisi pa Ang Reyna.

"Bakit hindi ka mag pakita sa kanila Flamara, ikaw dapat ang namumuno dito hindi kami" napabuntong hininga na lamang ang babae sa pahayag nang Hari.

"Duh alam niyo namang tamad ako" sagot nito. Hindi na nakaimik pa ang dalawa at nagpatuloy lamang sila sa pagmamasid sa kasiyahan sa baba nang palasyo.

Batid nang mga ito na kahit anong pilit nila sa dalaga na mamuno hindi nito tatanggapin dahil kahit ang lumabas sa tirahan nito ay ipinipilit pa nila.

Pinagmamasdan nang Reyna Ang kaibigan nito, kahit may suot itong takip sa mukha, mamapansin pa din ang awra at gandang taglay nang dalaga. Sumasayaw sa hangin ang mahaba at pilak nitong buhok na bumagay sa porselanang kutis na kumikislap sa ilalim nang malaking buwan.

Sa loob nang 1000 taon nilang kilala ang kaibigan, ni minsan ay hindi pa nila nakita ang totoong anyo at itsura nito. Ngunit hindi ito naging hadlang sa kanilang pagkakaibigan.

"Nga pala" napatingin ang dalawa sa dalaga.

"I'm planning to visit Asturia" gulat na napalingon ang mag asawa sa dalaga.

"You what?" Hindi napigilan nang Reyna Ang naging pahayag nang kaibigan.

"It's not that dangerous though, babalik naman ako agad pag na bored ako dun" baliwalang sagot nito sa dalawa na hanggang ngayon ay hindi makapaniwala sa kanya.

"Did you know the consequences when you'll visit Asturia, Flamara"

"I know, my power will be restricted, saka sinasabi ko sa inyo to para lang maging aware kayo na pag hindi niyo ako makita in some other time, you have an idea kung saan ako nagpunta, hindi niyo ako mapipigilan you know that, don't worry I didn't live 10,000 years for nothing". Nagkatinginan na lamang ang mag asawa sa desisyon nang kaibigan nila, hindi naman kasi sila nag alala sa magiging sitwasiyon nang dalaga kung sakali dahil batid nila ang kakayahang nito, mas takot sila sa lugar na pupuntahan nito.

'Good luck na Lang sa mga taga Asturia' sa isip nang Hari at Reyna.

Sa kabilang banda, isang matandang alchemist ang nakaramdam nang matinding kaba at takot sa hindi nito malaman na dahilan.

"Judgement will come to Asturia very soon"

*****************************

A/N: Hola.... Welcome to my new Adventure-Fantasy story. Don't forget to click the star, and let me know your thoughts about this story. You can also follow me for more stories.

Let's keep in touch Readers👋

Dawn Flamara: Her LegacyWhere stories live. Discover now