DAWN
"Sino ka?" Tanong sa akin nang Muzabe leader, he let us stay overnight in one condition. To interrogate me. And here I am in his little hut together with his wife asking me stupid questions.
'hindi ako sinuka inere ako duh ay lumabas lang pala ako sa katawan nang mama ko hehe'
"How many times do I have to tell you, I'm just no one. To tell you honestly we are a students from Asturia Academy" bagot kong sagot saka sumandal sa hamba nang upuan na gawa sa kawayan at kahoy.
"Hindi ako maaaring magkamali, gumagamit ka nang mahika para sa pagbabalat kayo" napatingin ako sa asawa nito na ngayon lang nakaimik simula nang makapasok ako dito sa munting tahanan nila. Actually sa lahat nang bahay dito sa lugar nila, sa mag asawang to Ang mas malaki compared sa mga nasasakupan nito.
"Really?" Nakangising pinagmamasdan ko ito.
"Ow well, you have a good eyesight huh. I am actually a demi-god" I'm not stupid to tell them the truth so I lied.
"Demi-god?" Tumingin sa akin ang lalaking Muzabe nang nakakunot Ang noo.
"Yes, hindi ko na sasabihin pa sa inyo kung sino ang mga magulang ko ay kong ano Ang sakop ko dahil mahigpit itong ipinagbabawal sa amin." seryosong pahayag ko, nakita ko naman na napatango Ang dalawa.
"Naiintidihan namin, mapalad Ang aming tribo na may isang anak nang diyos at diyosa Ang nakapunta sa aming maliit na bayan" muntik na akong matawa s asobrnag seryoso nang mag asawa. Gagi bagay pala akong magtanghal at gumanap na artista?
"Hindi na ako magtatagal pa at ako'y magpapahinga pa. Wag kayong mag alala Persephone will give you blessings if you will treat the nature well" well that is partly true, Persephone is the goddess of harvest and blessings and she bless those mortal who treat nature well as well as praying for her of course.
"Maraming salamat mahal na diwata" sabay silang yumuko, naisipan kong lumabas na sa kanilang tahanan at pumunta sa pwesto nang mga kasama ko. Kasama ko nga pala si Ian kanina pa sa loob para makaiwas kami sa anomang mangyari if ever may emergency.
"Oh anyare? Anong ginawa nila" hindi naman chismosa tong si Carnaih no?
"Wala naman, nagtanong lang kong bakit ko Sila naintindihan" naupo ako sa bangko at umusog nang konti to avoid suspicion para makaupo Ang batang kasama ko.
"Oo nga pala, bakit mo sila naintindihan kanina?" That's Tala, magkakasama kaming lahat dito sa maliit na Kubo.
"study? You know I am an aspiring politician since I am in class 4 previously" charr. Nakita ko naman na napatango sila at napaniwala ko sa aking kasinungalingan.
"Enough for chit-chats, sleep now we will continue our journey early in the morning" yun nga nagsitulogan na kami dahil sa sinabi ni pinuno.
Nang nagpahinga na silang lahat, saka ko lang inaya si Ian sa labas, hindi pa Siya kumain simula kanina nang makarating kami sa dito sa village. Sinigurado ko mo nang walang tao sa paligid saka piahubad sa kanya ang cloak.
"You can eat this then we will sleep here" masyadong masikip na kasi sa loob, kaya dito ko naisipan sa malaking puno. Kumuha lang ako nang kumot at ginawang sapin saka naglagay nang barrier para makapagpahinga kami nang maayos, para na din hindi makita nang mga tao especially mga kasamahan ko.
"Ate dawn, malayo pa po ba ang Mount Vernon?" Tanong ni Ian habang kumakain.
"I think so? May madadaanan pa tayong isang bundok at tatawid nang karagatan" yep, nakita ko Yun sa mapa bago kami umalis, sinaulo ko na Incase na maligaw ako. Hindi ko naman kasi magagamit nang buo Ang kapangyarihan ko.
"Luh, Ang layo. Saan po tayo sasakay pag tatawid nang karagatan?"
"Bangka" sagot ko at sumandal sa puno.
"Bangka po? Diba may mga pirata po dun?" That's true pero hindi naman lahat nang nakasakay sa bangka mga pirata na.
"Exciting nga e" napalaki ang mata nito at napanganga pa. Itong batang to napaghahalataang oa.
"Pumapatay po ang mga pirata ate dawn, pano kong tayo Ang pagdiskitahan nila?" Kita ko ang takot sa mata nito.
"Where did you learned that?" Takang tanong ko sa kanya
"Sa librong binibigay niyo po" inosenting sagot nito at inubos na Ang pagkain.
"Hayst, matulog ka na nga" saway ko dito nang akmang magtatanong na naman Siya.
"Pero kakakain ko lang po, baka maimpatso po ako" ay, ganon ba yun?
"Segi magpahinga ka mo na saglit, pagkatapos mo matulog ka na din" tumango ito.
"Mauna na akong matulog sayo, gisingin mo ako pag may kailangan ka. And wag kang lalabas nang barrier okay"
"Opo"......
*Kinaumagahan
Maaga akong nagising at ginawa Ang dapat gawin pag bagong gising. At sa kasalukuyan andito ako s ataas nang puno, wala lang gusto ko lang magpahangin. Habang si Ian naman naghihilik pa sa baba.
"Saan ba nagpunta si Charm?" Dinig kong papalapit na boses.
"Hindi kaya kinuha Siya nang mga nilalang na hindi nakikita nang mga tao?" Napatingin ako sa baba nang puno kong saan ako nakahiga.
"Baka naglibot-libot lang" oh mga kasama ko pala. And that's Carnaih na Ang aga-aga Ang ingay na.
"Duh libot-libot? Really mukha ba tayong mamamasyal lang at nakuha niya pang maliwaliw" I guessed that's vida na parte nang elite
"Duh hindi ba pwedeng magpahangin" sinamaan ito nang tingin ni Carnaih
"Bakit wlA bang hangin dito" singhal din nang isa
"Meron, polluted. Andito ka kasi" sabay naman nito.
"Aba-t--" hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Vida nang magsalita si Vladimir
" Tama na yan, hanapin na mo na natin Siya bago muling maglakbay". Akmang aalis na sila nang tumalon ako sa harap nila. Gulat na napatingin silang lahat sa akin kaya tinaasan ko sila nang kilay.
"Para kayong nakakita nang ghoul ah"
"Tsk, what are you doing up there? You even jump that high" inirapan ko si Zero na nakatingin na sa akin nang masama. Parang anlaki naman nang kasalanan ko sa kanya diba.
"Wala, aalis na ba tayo?" Balewala ko silang tinignan.
"Kanina pa Sana kaso paimportanti ka" hindi ko pinagtuonan nang pansin si vida na kuda nang kuda. Bahala siya mag mukhang tanga diyan hahahah.
"Let's go" aya ni Vladimir at nauna nang umalis. Sumunod naman ang mga kulto nito Este mga myembro.
"You better not do it again" napatingin kaming mga natira dito sa puno kay zero nang magsalita ito at walang pasabing umalis.
'problema non?'
"Kyaahh anong meron sa inyo ni president Zero"
"Oh anong meron" balik kong tanong kay Carnaih na para na ngayong kitikiti dahil hindi ito mapalagay sa kinatatayuan. Nakikita ko pa na parang naghugis puso Ang mga mata nito..
"Ikaw ah, may inililihim ka na samin" kumunot Ang noo ko sa kanya.
"Tsk, forget about her charm, this girl is lack of vaccine" hinila na ito ang kambal niya. Saka sumunod si Astra na manghang nakatingin sakin. Seriously Anong problema nang mga tao ngayon?
Napailing na lang ako at ginising si Ian para makaalis na kami.