DAWN
Binabaybay namin ngayon Ang nagising bundok dito sa isla, and thank heaven for it is accessible. Hindi gaanong mataas Ang bundok na aakyatin. Ewan ko nga kung bakit dito pa nakatira Ang pupuntahan namin. Ano ba pupuntahan namin dito unggoy?
Kidding, isang grandmaster alchemist Ang pupuntahan namin at napili nito ang mount Vernon dahil sa marami Ang mga halamang gamot dito, at dito kadalasan tumutubo Ang mga rare herbs na kinakailangan sa mga potions na ginagawa niya.
"Woohoo pwede timeout muna?" Napasandal pa ang mga babae sa mga punong kahoy at walang Arte na umupo sa mga tuyong dahon.
"5 minutes" seryosong pahayag ni Pinunong Vladimir at sumandal din sa punong malapit sa akin.
"Wwwhhaaat? I mean 15 minutes" eksaheradang humingi pa nang ilang minuto sa pahinga si Carnaih
"Tsk, fine" ngising parang nanalo sa luto pa ang babae. Bakit ba ang hina nang mga stamina nang mga to? Ang galing makipagbugbugan pero madali namang hingalin sa mga ganitong lakarin.
"You want wild berries?" Napatingin ako sa kanan, may iniabot itong kulay pula at Lila na mga maliliit na bilog.
"Uh, is that edible?" Although we immortals immune in any kinds of poisons and different kinds of foods, may mga iilang pagkain pa din naman kaming hindi pwede kainin dahil nakakaepekto ito sa daloy nang mana namin.
"Do you think I will give something that could poison you" tinignan pa ako nito nang masama, nakakahalata na ako sa isang to e, may lihim bang galit itong si Zero sa akin?
"Malay ko ba kung gusto mo na akong ma deadz diba, masama pa naman lagi Ang tingin mo" hindi ko naman sinasabing mag pa cute Siya ha.
"Tsk, will you eat this or not?" Akmang itatapon niya na ito nang dali-dali kong inagaw sa kamay niya ang pungpong nang mga prutas.
"Grabe hindi mo man lang hinintay Ang sagot ko no" inis kong tinignan ang lalaki. Hindi na ako nito pinansin at pumikit lang.
Maka ilang sandali pa napagdesisyonan na naming ipagpatuloy ang Ang paglalakbay. Nakita ko pa nga si Ian na nakasakay sa likod nung lalaking pinaglihi din sa sama nang loob.
"Hey, Ian bakit ka sumasakay diyan, pagod din yung tao" sita ko dito. Parehas silang dalawa na napatingin sa akin.
"Uh it's okay Charm, mukhang hindi na kasi kakayanin nung Kapatid mo ang pag-akyat eh" sagot ni vin? Vince? Ah void pala. Para kasing Ang daming problemang dinadala din nang isang to eh, taliwas talaga sa ugali Ang Kambal niya sa kanya.
Tsk..tsk...
"Just put him if you feel numb or exhausted" tumango lang ito at deritso na sa paglalakad.
"Pst" napatingin ako kay Carnaih, chismis na naman ang dala nito,.panigurado.
"Pansin ko lang a,close pala kayo nang supladong taga elite na yun?" Is he pertaining to void?
"Uh who?" Sinundot pa ako nito sa tagiliran
"Asus, maang-maangan ka pa ha. Anyways mas boto ako kay zero kesa sa dalawa" humithit ba nang katol Ang isang to.
"Huh?" Anong pinagsasabi nito.
"Hahaha, segi... Diyan ka na ha" Di ko nalamang pinansin pa ang mga walang kwentang pinagsasabi ni Carnaih.
The journey was smooth and nothing bad had happened to us.
Malapit na kami sa TukTok nang mount Vernon at talaga namang hindi matatago sa mukha nang mga kasama ko ang tuwa at pagod. Tuwa dahil sa wakas makapagpahinga na sila at magawa Ang misyon, at pagod dahil sino ba naman ang hindi kong sa dami nang pinagdaanan niyo at dagdag pa ang layo nang lugar na pinuntahan namin.
*Huff
*Huff
"Woohoo sa waka----" hindi na natuloy ni Carnaih Ang pagsigaw nang mahulog ito hukay....
*Thudd
Sa lakas nang tunog non siguradong Bali Ang buto ni Carnaih.
"Sh*t Carnaihhh" tinignan namin ang hukay na pinaghulogan ni Carnaih.
"May pang ilaw ba kayo?" Napailing kami sa tanong ni Vlad.
"Baka ano nang nangyari kay ate Carnaih" that's astra na hindi na maitatago ang takot at alala sa mukha, nag umpisa na ding magsituloan Ang mga luha nito.
"Bakit ba kasi may hukay diyan, at bakit ba kasi hindi niya napansin?" Itong si vida hindi ko alam kong naaawa ba to sa babaeng nahulog o nangiinsulto.
"Baka hindi niya napansin, hindi nga natin napansin kahit tayo yung nasa unahan e" ani nang kaibigan nitong miyembro rin nang elite.
Bakit nga ba may hukay diyan? Bukod sa hindi Siya agad mapapansin dahil sa mga tuyong sanga at dahon na tumabon o mas tamang sabihin na tinabunan. Isa lang talaga ang may gawa nito, walang iba kundi yung taong nakatira sa lugar na to. And that's none other than the alchemist himself. Siya lang Ang kaisa isang taong nakatira dito ,well bukod sa mga mababangis na hayop. But that's impossible dahil hindi naman makakahukay Ang mga to nang ganon kalalim at gawing trap for intruders.
"We have no choice kundi may isang mag boluntaryo na bumaba. Baka nawalan na nang malay yung kasama niyo" seryosong pahayag ni Vlad at tinignan kami isa-isa well bukod sa kay zero at kaibigan nito na hindi naman lumapit dito sa hukay at maki-usyoso.
"That's risky but I agreed with him" see? Kahit hindi maki-usyoso nakikinig pa din. Grabe namang tenga yan Zero.
"Hmm wag ako guys, I am claustrophobic" vida answered while shaking her head slowly.
"Uhm I can't too you guys see, hindi ako makakatulong to give her a first aid dahil wala akong talent diyan" Tala seems sad about it, I don't know. Akmang magbobulontaryo na si Zarnaih nang pigilan ko. I can see that she is agitated to volunteer herself and save her twin.
I don't want to judge her but why is she hesitant to volunteer?
Kamang magsasalita na ito nang walang pasabi akong tumalon, using my power I summon a vine that can help me avoid getting injuries or wounds. The vine wrap itself to my waist gently and help me landed at the bottom of the pit.
"Carnaih?" Tawag ko. Hindi ako pwedeng gumamit nang kapangyarihan at lumikha nang liwanag baka makita ni Carnaih at magtanong nang magtanong. Alangan namang sabihin kong pinaglihi ako sa flashlight o di kaya nag-gglow in the dark ako diba.
"Carnaih?" I heard a low grunted that respond to my calling. Instead of producing light made by my power I enhanced my vision in this way I can see where Carnaih is. Yun nga lang sa paggamit nang kapangyarihang to my eyesight and the color of my eyes are affected. The original color of charm's eye is amber, nang ginamit ko ang kapangyarihan ko I know that they changed into something magical.