Prologue

649 12 0
                                    

Nag decide akong lumipat sa bagong boarding house ko, kasi masyado ng mahal 'yung sa dati kong tinitirhan ayaw ko naman gumasta ng gumasta at maglaan ng malaking pera para lang sa bayarin sa bahay, kaya nagpasya ako na lumipat dito sa mumurahing boarding house na 'tu.

Okay naman pero talagang niluma na ng panahon ang disenyo nito pati na rin sa mga kasangkapan sa bahay. Malaki ang bagong boarding house na nilipatan ko, mayroon itong tatlong palapag, sa bawat palapag ay may sampung kwarto at sa bawat kwarto ay mayroon na itong mga banyo, di mo na kailangan lumabas para maligo at mag'CR. Sa labas naman ay may malaking gate malayo layo mula sa bahay at sa likuran ay mga malalaking puno  at mga halaman, hindi ko na alam kung ano na ang nasa dulo ng mga puno. Talagang okay na okay ang lugar at sulit sa budget ang napili kong boarding house, malayo sa ingay ng polusyon, malayo din sa syudad.

Tahimik at walang problema.

Pero sa likod ng katahimikan ng lugar na ito ay ang isang malaking misteryo na babago sa buhay ko.


"Sino ka?"

Ang nag iisang tanong na tinanong ko sa sarili ko.





Author's Note:


Hi! readers I'm so happy na nagkaroon na naman ako ng idea para gumawa ng new story. Sinadya ko talagang maikli lang ang prologue para bitin hihih.. Full of mystery at maraming twist ang kwento sana naman subaybayan niyo po maraming salamat.. Anyway, on going pa rin ang 'Mine' continue to read and leave some comment para alam ko naman yung mga saloobin nyo tungkol sa kwento. Thank u.. :)


Sino ka?? (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon