Chapter X

139 6 0
                                    

Mabilisan kong tinakbo ang bahay, walang lingon lingon paakyat ng ikatlong palapag. Pagbukas ko sa pinto ng silid ko ay agad ko itong isinara. Dahil sa hingal ko ay sumandal muna ako sa pintuan ng ilang minuto.


"SIno ka??! BAkit mo ako ginagambala!!" Inis kong tanong sa sarili ko.


"Tulungan mo ako." Pagmamakaawa na naman ng boses na 'yun.


"Tumigil ka na!!" Sigaw ko sabay takip ng dalawang kamay ko sa aking dalawang taenga at napaupo nalang ako sa sahig.


"Tulungan mo ako." Ulit nito.


Nilinga linga ko ang silid pero wala naman tao, ng makita ko ang aking sarili sa harap ng salamin.


"Bakit ganun? Bakit nasa harap ko tu?" Naguguluhan kong tanong.

Tinitigan ko ang aking sarili ng ilang minuto sa salamin at nanlaki ang mata ko ng makitang may babae sa likuran ko. Sinubukan kong tingnan sa aking likuran ng linungin ko ay wala naman. NApabuntong hininga nalang ako at ng bumalik ako sa harap sa salamin ay napasigaw nalang ako.


"Waahhhhhhhhhhhhhhh!!" Pero walang boses na lumabas sa akin. Nanlaki ang mata ko kung sino ang nasa harap ko ang babae, ang babaeng nakita ko kanina. Dahil sa takot ay tumulo nalang ang luha ko at hindi magawang kumilos ng katawan ko.


"SIno ka?At bakit?" Tanong ko sa sarili ko.


Nang biglang nahulog ang aklat mula sa lagayan nito. At nawala sa harap ko ang babae.


Dali dali kong kinuha ang aklat para ibalik sa lagayan ng mapansin ko na ang aklat na ito ay 'yung tinanong sa akin ni Jaika bago ako lumipat dito.


Kunot noo kong tiningnan an aklat, ng mahulog mula dito ang isang litratong medyo niluma na. Tiningnan ko ang nasa larawan at laking gulat ko ng makita kung sino ang babae sa larawan.


"Siya?"



____________________________________________________________________________________



"Anong problema mo Nicanor at bakit palage ka yatang balisa d'yan?" Tanong ng ina ni Jaika sa kanyang ama.

Simula ng mauwi si Jaika galing ng ospital at simula ng makatanggap siya ng misteryosong tawag ay palage ng balisa ang ama ni Jaika at halos hindi na ito makausap ng matino.


"Hah?" Gulat niyang tungod sa kanyang maybahay.

"ANo ba kasi ang gumugulo d'yan sa utak mo at palage ka nalang balisa?" Usisa na naman ng maybahay niya. Hindi pa rin kumikibo ang asawa niya at malalim ang iniisip nito.



Flashback 10 years ago..


Nasa bahay ng kaibigan niyang hapon si Nicanor habang nag iinuman ang barkada ay napansin niya iba ang trato ng kaibigang hapon sa anak nito. Hindi lang siya nakialam kasi pamilya naman nito ang batang babae. Narinig niyang dadalhin daw ng hapon at ng kanyang ibang mga kaibigan ang batang babae sa likod bahay. Hindi siya nakialam dahil wala naman siyang karapatan.

Sino ka?? (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon