Patuloy pa rin ang agos ng kanyang mga luha habang nakayakap sa kanya ang batang babae sabay bulong.
"Bakit mo ko iniwan?" Malungkot at mahinang tugon nito. Awa at panlulumo ang kanyang nadarama sa mga oras na 'yun, hindi niya maipaliwanag kung bakit ganun nalang ang sakit na kanyang nadarama parang kung anong meron sa multong ito na hindi niya maipaliwanag.
"Sino ka?" Sagot niya dito at nawala itong parang bula. Naiwan si Rhiam na tulala at nakatitig sa iniwang sulat nito sa sahig.
Hindi niya namalayan na nakatulog na rin siya habang yakap yakap niya ang sarili at nakaupo sa isang sulok.
Sa kanyang panaginip ay ulit nakita niya ang nakaraan.
Flashback...
Ilang araw na ang lumipas at sa bawat araw na lumipas ay unti - unting nanghihina na ang kanyang katawan. Nakahandusay siya sa sahig at nakatanaw sa kawalan.
"Kumusta naman ang batang inalagaan ko at ngayon sarap na sarap ako sa laman nito." Sabi ng kanyang ama sa kanya sabay ngiting demonyo.
"Bakit po?" Mahina nitong tugon kahit hirap na hirap ay pinilit nitong magsalita.
"Gaga ka ba? Hindi kita anak!" Sabi nito sabay hablot sa buhok ng batang babae.
Walang imik pero patuloy ang agos ng kanyang mga luha.
Walang awa siyang sinaktan nito, tinadyakan, sinampal, halos lahat na ng klaseng pananakit ay ginawa na sa kanya.
Hindi pa rin siya kumikibo kahit nasasaktan na."Ano?! Masakit?! Yan!yan ang ginawa ng tarantada mong ina sa akin!!umuwi lang ako ng japan!!!pero anong ginawa niya!!niloko ako!!ilang taon akong niloko niya. Minahal kita at tinuring anak. Dinala pa kita noon sa japan at tinuruan ng wika namin dahil sa pagkakaakala ko anak kita!!p***ng ina!!!" Sigaw nito sabay tadyak sa tiyan ng batang babae.
Lumabas ang kanyang ama at sinirado ang kanyang silid.
"Wag na wag niyo itong buksan manong kung hindi malalagot kayo sa akin!" Banta niya sa matandang lalaki. Tumango lang ito kahit awang awa siya sa kanyang alaga ay wala man lang siyang magawa para tulungan ito.
"Patawad ineng" . Sa isipan niya.
Natagpuan ni Rhiam ang kanyang sariling nakahandusay sa sahig.
"Ang kwartong ito?parang nakita ko na 'tu o nakapunta na ako dito noon pero bakit hindi ko maalala?" Nakatanaw siya sa kawalan.
Isang malakas na katok ang kanyang narinig sabay pasok ng isang babae. Wala ito sa sarili at umiiyak.
"Sino ka?!" Tarantang tanong ni Rhiam dahil madilim ay hindi niya nakilala ang babae.
"Rhi----aaa--mm." Paputol putol na sabi nito.
"Jaaaii--ka?!"
"Bakit anong nangyari?!" Dugtong niya.
Duguan at wala sa sarili si Jaika at takot na takot ito. Nanginginig ang mga kamay nito at naliligo ng dugo.
"Hhiinnddi-- ko--oo alam kk-uu-nggg paa--n-o?" Pautal utal sinabi nito at takot na takot.
"Anong hindi mo alam kung paano?!"
"Natagpuan ko nalang ang aking sarili na duguan Rhiam a--aattt."
"At ano??"
"Si nanay." Sabay buhos ng kanyang mga luha.
Dahil sa narinig ay napaatras at nakadama ng pangamba si Rhiam, akmang lalapit sana sa kanya si Jaika ng magsalita siya.
"Wag kang lalapit!"
"Friend, wala akong alam, maniwala ka naman." Nanginginig nitong pakiusap.
Isang malakas na tapik ang aking naramdaman.
"Rhiam gising!" Si JAika, habang inuuyog uyog ang isang balikat ko.
"Anong nangyari?!" Paos at halos walang boses kong tanong. Pawis na pawis ako at parang pagod na pagod na hindi ko maintindihan.
"Kanina pa nga kita ginigising, nakatulog ka bigla kasi at natakot ako ng umungol ka ng malakas, pilit kitang ginising pero ayaw mong magising." Explained niya sa akin.
Pinilit kong inalala ang nangyari pero isa lang ang alam ko na hindi ko maintindihan kung panaginip lang ba ang lahat o totoo?
"Rhiam??" Pukaw ni Jaika sa akin ng mapansin niyang nakatulala ako
Kunot noo akong nagsalita na wala sa sarili. "Hindi ko malaman kung totoo ba iyon o panaginip ko lang?" Sabay buntong hininga.
"Bakit?" Usisa niya.
"Wala." Matipid kong sagot. Hindi na nag usisa si Jaika at lumabas na ito ng silid, naisipan ko ring magbanyo at maghilamos.
Habang umaagos ang tubig sa gripo, tulala akong nakatingin sa salamin at pilit kong inaalala ang lahat ng pangyayari.
"Panaginip lang ba talaga 'yun? Pero bakit parang totoo?" Sabay hilamos. Habang naghihilamos, dumampi sa kanyang pisngi ang malamig na hangin sabay bulong sa taenga niya. "Bunso, mis na mis ka na ni ate".
Isang mahigpit na yakap mula sa kanyang likuran ang kanyang nadama, dahang-dahan inangat ni Rhiam ang kanyang mukha, at laking gulat niya ng makita sa salamin kung sino ang nakayakap sa kanya.
"Jaika??"
BINABASA MO ANG
Sino ka?? (On-Going)
HorrorNag simula magbago ang takbo ng buhay ko simula ng lumipat ako sa lumang boarding house na ito. Ang hindi ko maintindihan ay parang may taong sumusunod at palaging nakamatyag sa bawat kilos ko. Sino ka? Ang nag iisang tanong na gumugulo sa utak ko.