Napasigaw si Rhiam ng makita niya ang babaeng nakayakap sa kanyang likuran, sa pagsigaw niya ay agad siya nawalan ng malay.
Dahang dahan niyang idinilat ang kanyang mga mata at kinusot kusot pa ito. Nagtaka siya ng matagpuan niya ang kanyang sarili sa kanyang kwarto.
"Nasa boarding house lang pala ako?pero bakit parang totoo ang nangyari kanina?" Sinubukan niyang tumayo at humarap sa salamin, laking gulat niya ng makita ang natutuyong dugo sa mukha niya.
Nanginginig siyang hinawakan ang kanyang mga pisngi at nilapitan ng malapitan ang salamin, nang mapansin niya ang isang anino mula sa kanyang likuran.
"Tama na!!" Sigaw ni Rhiam.
Pero nakatitig lang sa kanya ang babae at itinuro ang pader kung saan nandun ang kanyang kama at naglaho ito.
Gulong gulo si Rhiam at agad nagtungo sa kanyang banyo para linisin ang sarili. Habang naliligo ay napaidlip siya at agad pumasok sa kanyang pangitain ang nangyari sa nakaraan.
Flashback...
Wala ng lakas ang batang babae habang nakahandusay ito sa sahig. Ilang araw na rin itong hindi kumakain, hindi naliligo at kahit pagbanyo ay hindi nito magawa dahil nakatali ang mga kamay at paa nito. Nananatili itong tulala at hindi gumagalaw sa kanyang kinaroroonan.
"Bangon!" Sigaw ng kanyang daddy sabay tadyak at itinapon sa kanyang mukha ang dalang pagkain nito.
Dahil hindi pa nakontento ay ginalaw pa niya ang kawawang batang babae at pagkatapos ay dinuruan ito at umalis. Dahil sa wala ng lakas ay hindi na magawang makakilos ng babae at umaagos nalang ang mga luha nito.
Nagkuyom ang mga kamay ni Rhiam sa kanyang nakita.
Awang awa siya sa sinapit ng babae. Pagkatapos niyang maligo ay nagmamadali siyang nagbihis para pumunta sa kanyang kaibigan.
"Jaika!" Sigaw ni Rhiam pero tahimik ang silid nito at parang walang tao.
"Ay!butiki!" Napatalon siya sa gulat ng biglang may humawak sa kanyang balikat.
"Rhiam?"
"Auntie?" Sabay hinga ng malalim.
"Nagulat ba kita?"
"Medyo po, nasan po ba si JAika?"
"Nasa labas yata, tara puntahan natin".
"Sige po, mahina niyang tugon. "Condolence nga po pala." Ngiti lang ang tugon sa kanya ng ina ni Jaika. Maraming tao sa lamay kaya naman nagpasya nalang si Rhiam na hanapin mag isa ang kaibigan.
"Auntie, hahanapin ko lang po si Jaika." Tumango lang ito at umalis agad siya para hanapin ang kaibigan. Natagpuan ni Rhiam si Jaika sa kanilang likod bahay na tulala.
Nilapitan niya ang kaibigan at binati ito pero tahimik pa rin ito at hindi umiimik.
"Jaika?" Pero tahimik pa rin ito at walang kibo. Sinubukan ni Rhiam na tingnan ang kaibigan at napaatras siya at hindi magawang makakilos sa nakita.
"Myyy--kkoo??" Gulat at takot na takot siya
Duguan ito at nakatitig lang sa kanya, dahil sa takot ay nagawa pang tumakbo papalayo ni Rhiam at agad umalis sa bahay nila Jaika, humihingal hingil pa siya ng makarating sa boarding house niya.
Litong lito at nanginginig siya sa takot,maraming tanong sa isip niya pero hindi niya kayang ipaliwanag kung bakit nangyayari sa kanya ito.
"Bakit??" Mangiyak ngiyak niyang tanong sabay napaupo sa likod ng pinto ng kanyang silid.
"Simula ng lumipat ako dito nagbago bigla ang takbo ng buhay ko." Sabay hagolhol at yakap sa sarili.
"Anong kinalaman ni Myko dito?sino ang babae na gumugulo sa akin?" Mga tanong na walang kasagutan.
Umihip ng may kalakasan ang hangin dahilan ng biglang bumukas ang bintana, mas lalong tumindi ang kanyang kaba ng napansin niyang may tao na nakatanaw mula sa labas ng kanyang bintana.
"Sino ka?!" Kahit takot ay nilakasan niya ang kanyang loob para tanungin kung sino ang taong nakatayo sa labas ng kanyang bintana.
Lalapitan na sana ni Rhiam ng mapansin niya ang babaeng katabi niya.
Nakayuko ito at tulad niya nakaupo rin ito habang ang isang kamay nito'y animo'y nagsusulat ng kung ano sa sahig.
Nanlaki ang kanyang mga mata sa takot sa gulat niya ay hindi niya magawang maikilos ang kanyang katawan.
"Bakit mo ako iniwan?!" Mga pulang likido ang nag marka sa sahig. Sabay tingin kay Rhiam.
Tulalang pinagmasdan niya ang batang babae, sabay tulo ng kanyang mga luha.
Author's note♥♥♥
Maraming salamat sa lahat :) especially kai breaking_infinity ^_^.. pacensiya na late palagi update ko busy lang sa work.. parang may kulang2 sa update ko please let me know, hindi ko kasi nirereview gawa ko, anyway pwde nyo po ako ead sa fb account ko princess go (leitot).. at instagram misz.lei..:)
Thank u..god bless and advance merry xmas sa lahat.. :)
BINABASA MO ANG
Sino ka?? (On-Going)
HorreurNag simula magbago ang takbo ng buhay ko simula ng lumipat ako sa lumang boarding house na ito. Ang hindi ko maintindihan ay parang may taong sumusunod at palaging nakamatyag sa bawat kilos ko. Sino ka? Ang nag iisang tanong na gumugulo sa utak ko.