Chapter VI

167 5 0
                                    

Nasa Trabaho ako ngayon at kahit pagod galing sa paaralan ay sinikap kong pumasok kasi marami na rin akong absent baka ipatanggal na ako ni Mr. Yu. Habang nasa kitchen, nilinis kong mag isa ang buong kusina, ayaw ko kasi ng madumi, nilinis ko rin ang c.r. Walang tao kaya walang distorbo busy sila sa labas dahil madaming customer. Habang naglilinis sa c.r nagtaka ako lock ang nasa dulong cubicle.

"Ang alam ko ay walang tao bakit nakasar?"

Nitingnan ko kung may tao mula sa pagdapa sa sahig ay nakita ko na may tao nga pero ang pinagtataka ko ay ang rumi ng mga paa niya.

"Mai, ikaw ba 'yan maglinis ka naman ng paa kung papasok ka dito, nakakadiri naman 'yang mga paa mo ang dumi." Sabi ko pero walang sagot.

Pinunasan ko ang malaking salamin na nasa harap ng toilet cubicle ng biglang bumukas ang pinto sa dulong cubicle.

"Salamat naman at tapos ka na Mai, ang tagal mo kanina pa ako dito naghihintay sa'yo." I said.

Pero nagulat ako sa nakita ko walang Mai na lumabas mula sa cubicle at ng tingnan ko ito ay walang tao pero nandun ang bakas ng maruruming paa. Dahil sa takot ko ay napaatras ako at sinubukan maghilamos nalang baka kasi namamalikmata lang ako. Tumingin ako sa salamin habang pinupunasan ang basang mukha ko ng bumukas ulit ang huling cubicle at nilapitan ko ito para tingnan kung sino o ano ang nasa loob pero wala akong nakitang tao. Isinara ko ang pinto at muling babalik sa pagpupunas ng salamin ng pagtingin ko sa salamin ay bumukas ulit ang pinto at nakatayong nakatalikod ang isang babaeng mahaba ang buhok. Dahil sa takot ay hindi ako nakasigaw, dahang - dahan lumapit sa akin ang babae sa takot ko ay napasigaw nalang ako.

"Waahhhhhhhhhhh!" Sigaw ko.

Naglakad siya papalapit sa akin at hinawakan ang balikat ko at nakatitig ang kanyang matang duguan sa mga mata ko. At hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.

*Flashback*

Pagkatapos ayusin ang sarili ay bumaba na ang batang babae para tulungan ang kanilang katulong. Wala siyang imik na naglinis.

"Ok ka lang?" Tanong ng matandang katulong sa batang paslit. NApansin niya ang pamamaga ng bibig nito. Tumango lang ang batang babae at pinagpatuloy ang kanyang ginagawa.

Nang dumating na ang mga bisita ng kanyang daddy, ay nagmamadaling umakyat ang batang babae pero tinawag siya ng kanyang daddy.

"Saan ka pupuntang bata ka?!!" Sigaw nito.

"Sa kwarto po." Mahina niyang sagot.

"Dito ka pagsilbihan mo kami ng mga kaibigan ko!"

"Pero Dadd-y." Protesta niya.

"Sir, ako nalang po ang magsilbi sa inyo." Sabat ng matandang katulong sa kanilang usapan.

"Wag kang makialam dito kung ayaw mong mawalan ng trabaho! Tapusin mo ang trabaho mo !hindi 'yung makikialam ka sa usapan ng iba!" Sigaw nito sa katulong.

Walang nagawa ang batang babae kundi sundin ang kagustuhan ng kanyang daddy, inuutusan siya nito kumuha ng maraming beer, pulutan o kung anu-ano pa.

"Pre, ang ganda naman ng anak mo, dalaga na ba 'yan?" Tanong ng isang kaibigan ng kanyang ama, habang nakatingin ito sa katawan ng batang babae.

Napansin 'yun ng batang babae kaya nakadama siya ng takot.

"Oo, virgin pa 'yan!Bakit gusto mo?!" he replied at may samang ngising demonyo.

"Kung okay lang sa'yo Pre?"

"Gago ka!binabastos mo ba anak ko?!"

Medyo nawala ang takot niya sa sinabi ng kanyang ama.

Sino ka?? (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon