Chapter XV

139 4 1
                                    

Jaika's Pov continuation...

Halos hindi ko maikilos ang aking katawan sa aking nakita, ang babaeng nasa aking harapan ay minsan ko na nakita pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita. Nanigas ang aking buong kalamnan, sisigaw sana ako ulit pero parang wala na akong boses para gumawa ng sigaw. Hindi ko malaman ang dahilan kung bakit ginugulo niya ang aming pamilya, ano ba ang naging kasalanan ng aking ama kung bakit ganun nalang siya kagalit dito o baka naman may kailangan siya kaya siya nangugulo.

"Anak!" Sigaw ni inay buhat sa labas, naririnig ko siya pero hindi ko magawang sumagot. Nakatanaw pa rin buhat sa aking harapan ang babaeng sobrang itim at duguan ang mga mata, maputla at magulo ang buhok. At wakwak ang leeg nito, makikita mo sa kanyang itsura kung paano siya pahirapan bago patayin.

Kahit takot ay minabuti kong lakasan ang aking loob at ipinikit ko nalang ang aking mata. Dahang dahan kong ipinikit ang dalawa kong mata at nagdasal palihim na sana umalis na ang kaluluwang galit sa harapan ko.

Ilang minuto ang lumipas at naisipan kong dahang dahan idilat ang aking mga mata. Sa pagdilat ko ay wala na ang babae at wala na rin ang sulat ng aking ama.

________________________________________________________________________________________

"Malamig?Malakas ang hangin?Nasan ako?Madilim?" At halos hindi na niya maikilos ang buong katawan dahil sa lamig, hindi niya malaman kung nasan siya at bakit siya nandun. Masyadong tahimik ang lugar dahil na rin siguro sa nababalot na kadiliman dito.

Dahang-dahan inaakbang ni Rhiam ang sarili at kinakapa kapa ang bawat pader na kanyang maraanan.

"Tulong!" Paos at halos walang boses na pagsigaw ni Rhiam . Nagtataka siya at hinawakan ang kanyang lalamunan, nanginginig ang kanyang tuhod at hindi malaman ang gagawin, halos mangiyak ngiyak na siya sa takot. Nang biglang nagkaroon ng kaunting liwanag sa bandang likuran ng lugar.

"Liwanag?" Sa isip niya at agad nabuhayan ng loob, nagmamadali siyang tumakbo para puntahan ang kinaroroonan ng liwanag.

Humihingal pa siya ng buksan niya ang huling toilet cubicle.

"C'r??" Kunot noo niyang tanong sa sarili.

"Ba't ako nandito?" Kunot noong tanong niya ulit sa sarili.

Tulala niyang pinagmasdan ang kandila at nag iisip nag malalim kung paano siya napunta sa kinaroroonan niya ngayon ng biglang may tumulo mula sa kisame ng banyo.

Wala sa sariling pinunasan ni Rhiam ang mukha,tuloy pa rin ang tulo mula sa kisame pero hindi niya ito pinapansin. Wala pa rin siya sa sarili, ng napansin niya ang anino ng mga paa mula sa kanyang likuran.

"Paa??" Tanong niya sa sarili pero wala sa sarili at tulala pa ring pinagmasdan ang kandila.

Flashback.....

"Daaddyy??bakit??" Mahinang tanong at halos paos na ang boses dahil sa pagmamakaawa niya.

Naiwan siya sa isang madilim na sulok ng kanyang silid na hubo't hubad at nakatali pa ang mga kamay at paa.

"Na'san ka kapatid ko?" Mga tanong na hindi man lang niya mahanapan ng sagot. Panay ang tulo ng kanyang mga luha at parang hindi na ito matatapos.

"Bakit mo ko iniwan?"

________________________________________________________________________

"Bakit po?!" Gulat na tugon ng batang babae sa isang lalaki.

"Dalian mo ineng!" Pagkasabi niya ay mabilisan niyang hinablot ang kaliwang braso ng batang babae at nagmamadaling umalis ng bahay.

"Bakit po?!" Naguguluhang tanong ng bata.

"Mamaya ko na sa'yo sasabihin, kailangan natin makaalis dito!" At tumango naman ang batang babae. Nang makarating na sila sa labas at medyo may kalayuan na sa bahay ay bigla niyang naalala ang kanyang kapatid.

"Manong!ang kapatid ko po naiwan!babalik po ako doon!"

"Ineng wag!"

"Bakit po??" Naguguluhang tanong niya.

"Babalikan ko ate mo, bilisan mo at ng makalayo na tayo dito".

Kahit maraming tanong ay pinili nalang niyang sundan ang lalaki.


Habang tulala nakatingin sa kandila ay napansin na rin ni Rhiam ang mga dugo na tumutulo buhat sa uluhan niya.

Dahang dahan niya tiningnan kung ano ito at nakita niya ang isang babaeng nakabitin patiwarik.

"Waaaaaahhhhh!!" Nagmamadaling tumakbo palabas ng toilet cubicle si Rhiam, sa sobrang laki ng lugar ay napansin na rin niya na nasa 10th floor siya ng isang abandonadong gusali. Halos walang lingon lingon niyang binababa ang hagdan pababa ng mapansin niyang nasa 10th floor pa rin siya ng gusali.

Dahil na rin sa pagod ng paulit ulit niyang takbuhin ang hagdan ay napaiyak nalang siya sa sulok.

"Sino ka??!!Anong kailangan mo at bakit mo ako ginagambala??!!" Galit niyang sigaw sa kawalan. Tahimik at walang ingay ang lugar, nang may yumakap bigla sa likuran ni Rhiam.

Dahang dahan niyang nilingon ng sumalubong sa kanya ang mga duguang mata nito.

"Bakit mo ko iniwan??"


Sino ka?? (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon