Chapter XIII

149 2 2
                                    

Sobrang higpit niyang hinawakan ang aking kamay, sa sobrang higpit ay hindi na ako makawala.

"Bakit mo ako iniwan?!" Galit na diin niyang sabi habang ang kanyang mga mata ay nalilisik sa galit.

Napalunok nalang ako at di malaman kung ano ang gagawin. Sa sobrang takot ko ay hindi ko magawang makakilos.

"Mira?"

"Bakit mo ako iniwan?!" Ulit na naman niya. Dahil sa galit niya ay tumilapon ako sa gilid ng tukador.

"Jaika!!!" Sigaw ko pero wala ng Jaika, sumapi na sa kanyang katauhan si Mira.

"Bakit mo ako iniwan?!!" Nangingiyak iyak nitong tanong at naglakad dahan dahan patungo kay Rhiam.

"Tumigil ka na!!!"

Dahil sa sobrang takot ay halos itago ko na ang aking sarili sa gilid ng tukador.

"Bakit mo ko iniwan." Mahinang tanong nito at naglaho. Bumulagta sa sahig ang katawang lupa ni JAika.

Hindi makakilos si RHiam dahilan sa takot, tulala niyang pinagmasdan ang nakahandusay na walang malay na si Jaika, hanggang siya'y nakatulog.

Kinabukasan......

Tulog pa rin si Rhiam habang si Jaika naman ay wala pa ring malay na nakahandusay sa sahig.

Kinamot kamot pa ni Rhiam ang kanyang mga mata, hanggang sa maalala niya ang nangyari.

"Si Jaika!!" Nakita niyang nakahandusay pa rin sa sahig ang kaibigan kaya naman ay dali dali niya itong binangon at dinala sa kama, wala pa ring malay si JAika at inuyog uyog nito ni rhiam para magising.

"Jai, parang awa mo na gumising ka na." Uyog niya habang naiiyak hindi niya malaman kung ano ang kanyang gagawin. Nang magising si jaika.

"Rhiam?" Kunot noong tanong nito tila yatang naguguluhan siya kung bakit umiiyak si rhiam sa kanyang tabi.

"Jai." At yumakap pa si rhiam habang umiiyak. Naalala niya tuloy ang nangyari, nung natagpuan niya ang kanyang sarili na duguan at yung naliligo siya na bigla siyang nawalan ng malay pagkatapos nun ay wala na siyang maalala.

Biglang nag ring ang telepono ni rhiam, hinanap niya ito at ng makita ay ang ina ni jaika ang siyang tumatawag pala.

"Jai, sagutin mo."

"Hello?nay?"

"Opo okey lang ako, nandito ako kai rhiam."

"Po!!!si itay!!!" NAnginginig na umiiyak si jaika habang nasa kabilang linya pa rin ang kanyang ina. Hindi na siya sumagot at patuloy ang paghikbi.

"BAkit? Anong nangyari?" Usisang tanong ni rhiam pero hindi sumagot si jaika patuloy pa rin ang agos ng kanyang luha, nagmamadaling kumuha ng tubig si rhiam para sa kaibigan.

Habang nag iimbestiga ang SOCO sa Crime scene ay tulala pa rin ang maybahay ni nicanor, hindi niya alam kung sino ang walang pusong pumatay sa kanyang mister.

"Inay!" Humihingal na si jaika.

"Anak." Yumakap ang kanyang ina sa kanya at hindi napigilang umiyak.

"ANo po ba ang nangyari?"

Hindi nagsalita ang kanyang ina sa halip ay patuloy ang agos ng mga luha nito.

"Nay?" Niyakap ni jaika ang kanyang ina.

Pumasok sila sa loob ng silid ni jaika at hinayaan niyang humiga ang kanyang ina sa kanyang kama.

"Bakit umalis ka kagabi?"

Hindi kumibo si jaika naalala niya na natagpuan niya ang kanyang sarili sa likod ng boarding house ni rhiam. NAnginginig siya ng maalala na naliligo siya ng dugo.

"Imposible kaya ako ang pumatay kay itay?" Nanginginig siya at umiiling iling habang iyon ang kanyang iniisip.

"Bakit ako?may problema ka ba?" Ang kanyang ina na halatang nag aalala sa kanya.

"Wala inay, nagtext kasi si rhiam kagabi kaya pinuntahan ko siya, sorry po hindi ako nagpaalam sa inyo." Deny niya.

"Okey lang anak ang importante ay walang masamang nangyari sa'yo."

Biglang kumatok ang isang SOCO officer para ipag alam sa kanila ang nangyari.

"Ma'am basi po sa amin pagsusuri ay talagang sinadyang pinatay ang iyong mister, wala po ba talaga kayong alam na may kagalit siya?kasi po basi sa pagpatay talagang galit na galit ang suspek."

"Wala po, pero nung nakaraang araw ay palagi siyang balisa, hindi niya naman na kwento sa akin kung may pinagdadaanan siyang problema." MAhinang sagot ng nanay ni jaika.

Kinuha ng mga awtoridad ang patay na katawan ng ama ni jaika para sa malalim na pagsusuri. Naiwan ang mag ina na blanko sa nangyaring naganap.

"Ang pinagtataka ko ay iyong markang iniwan ng killer sa ibaba ng katawan ng ama mo." ANg kanyang ina nagsasalita habang nakatanaw sa kawalan.

"BAkit po inay?"

"KAsi nakasulat doon gamit ang dugo ng iyong ama, na tulungan niyo ako, hindi ko nga maintindihan."

"Ang ibig ninyong sabihin ay ang killer yung nagsulat at humingi pa ng tulong?" Tumango lang ang kanyang ina at nalilito pa rin sa pangyayari.

Samantalang pumasok na si rhiam sa kanyang trabaho, matamlay siya dahil sa pangyayari naganap kagabi.

"Rhiam paki'linis naman ang cr, dahil mag a'undertime ako,masama kasi pakiramdam ko."

"Peroo."

"Sige na please." Hindi na siya nakatanggi sa kanyang kasamahan sa trabaho. Agad ay nagpunta siya sa comfort room at nagsimulang maglinis, tinubuan na naman siya ng takot ng maalala niya ang nangyari dito noon. HAbang naglilinis ay iniwaksi niya sa kanyang kaisipan ang takot atnagconcentrate nalang sa paglilinis ng makadama siya ng kakaiba. Isang babae ang nasa salamin at pinagmamasdan siya sa kanyang ginagawa. Napansin ni rhiam ito pero pilit niya itong iniwaksi sa kanyang isipan para malabanan ang kanyang takot na nararamdaman.

Concentrate pa rin siya sa paglilinis ng MApansin na may tao sa kanyang likuran.

"Pakiflush nalang po pagkatapos ninyong gamitin." Pero walang sagot na natanggap.

Patuloy pa rin siya sa kanyang ginagawa ng mapansin na hindi gumagalaw ang tao sa likuran niya. Tinubuan siya ng takot ulit ng maramdaman ang nanlilisik nitong mga mata na nakatutuk sa kanya mula sa kanyang likuran.

Sino ka?? (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon