Natagpuan ni Jaika ang sarili sa likod ng boarding house ni Rhiam na naliligo ng dugo.
"Bakit ako nandito?!At bakit naliligo ako ng dugo?!" Tarantang tanong niya sa kanyang sarili habang pinipilit niyang tanggalin ng dugo na nasa katawan niya.
"ANong nangyari?" Mangingiyak-ngiyak tanong ulit sa sarili, nanginginig ang kanyang tuhod sa takot at ang bilis ng tibok ng dibdib niya.
Nilinga linga niya ang paligid pero hindi niya mapagtanto kung nasaan siya at kung paano siya nakarating dito. Ang huling naalala niya ay kausap pa niya ang kanyang ina tungkol sa kanyang masamang panaginip pagkatapos n'un ay wala na siyang maalala. Hindi rin niya maipaliwanag sa sarili kung ano ang nangyari at bakit naliligo siya ng dugo. Halos Maiyak-iyak na siya at nababalot ng takot hindi malaman kung ano ang gagawin. Nang biglang may humawak sa kanyang balikat na siyang mas ikinatakot niya at dahil sa sobrang takot ay napasigaw nalang siya.
"Waaaaaahhh!"
"Jaika?!"
Agad niyang nilingon kung sino, masaya siya ng malaman si Rhiam pala.
"Rhiam?" NAnginginig siya at masyadong malaming ang kanyang mga kamay.
"Jaika!Bakit napuno ka ng dugo?!" Tarantang tanong ng kaibigan niya.
"Hindi ko nga alam." Nalilitong sagot ni Jaika.
"Tara doon tayo sa kwarto ko at baka may makakita sa'yo rito." Inalalayan ni Rhiam ang kaibigan na halatang tulala at nalilito sa mga pangyayari hindi na muna siya nagtanong at agad na nagtunog sila sa kanyang silid. Buti nalang at malalim na ang gabi at walang tao na nakakita sa kanila.
"Maligo ka muna du'n at e'reready ko muna 'yung damit na pwede mong suotin."
TUmango lang si Jaika at agad na nagtungo sa banyo para maligo. Habang nasa banyo ay tulala siyang pinagmasdan ang agos ng tubig mula sa gripo, hindi niya namalayan na puno na pala ang timba at tuloy pa rin ang agos ng tubig. Pinagmasdan niya lang ito. Wala sa sarili niyang binasa ang sarili at umagos sa sahig ang dugo na nanggaling sa kanyang katawan. Halos naging kulay pula ang sahig ng banyo, Patuloy pa rin si Jaika sa pagbasa ng sarili ng mapansin niyang may kakaiba sa salamin. Nilapitan niya ito at pinagmasdan. Unti-unti ay naging mas klaru ang nasa salamin isang babae. DAhil sa takot ni JAika ay napa'atras siya at tinakpan ang bibig dahil sa takot. Nang unting unti lumabas ang babae sa salamin at napasigaw nalang siya.
"WWWWWWWWWWWWWAaaaaaaaaaaaaaaaaaaaagggg!"
MAbilisan binuksan ni Rhiam ang banyo pagkatapos marinig ang pagsigaw ni Jaika.
"Jaika!!Buksan mo Ito!!" Sigaw ni Rhiam habang pinipilit na buksan ang pinto, pero walang sagot na natanggap mula sa loob ng banyo.
BINABASA MO ANG
Sino ka?? (On-Going)
HorrorNag simula magbago ang takbo ng buhay ko simula ng lumipat ako sa lumang boarding house na ito. Ang hindi ko maintindihan ay parang may taong sumusunod at palaging nakamatyag sa bawat kilos ko. Sino ka? Ang nag iisang tanong na gumugulo sa utak ko.