Chapter I

485 7 0
                                    

Nagplano ako na lumipat sa St. Nicholaus Boarding House,matapos ako kumbinsihin ng kaibigan kong si Jaika.


"Anong meron sa boarding house na 'yun hah at talagang sa karami-raming boarding house dito sa lugar natin ay doon mo pa talaga naisipan na lumipat ako.? Tanong ko kay Jaika habang unting unti ko ng nililigpit ang mga gamit ko.

"Sis, maganda doon at isa pa malaki, malayo sa polusyon, tahimik pa. Kung nagboboarding house rin ako tulad mo siguradong doon ako mag rerent ei kaso may bahay kami dito ei." Si Jaika na panay ang suyo sa akin na doon nalang lumipat na boarding house.


"Hay!naku! sige na nga." pilit kong sagot. Ayaw ko na rin kasi pahabain pa ang usapan at baka saan pa papunta.


"Yes! at doon na ako tatambay friend araw-araw. Ang pangit kasi dito maliit, maingay at marumi pa. Doon, I'm sure magugustuhan mo doon." Paniguradong sagot sa akin ni Jaika.


"Talaga lang hah? baka maya maya may mangyari pa sa akin doon." pananakot ko sa kanya.


"Dios ko Lord friend! wag naman ganyan, kung ayaw mo wag na lang at isa pa safe daw doon, ito naman tinatakot pa ako."


"hahah joke lang 'yun Jaika." Tawang tawa kong tugon sa kanya. Talagang nakakatawa tignan 'yung reaction niya kanina pagkatapos ko sabihin 'yun.


"Teka nga muna, saan mo ba nalaman 'yang St. Nicholaus Boarding House na 'yan?" Usisa kong tanong sa kanya.


"Narinig ko friend sa radyo at nakita ko rin sa newspaper, talagang ina-advertist pa talaga nila friend."


"Talaga?Maganda ba 'yung nasa picture?" usisa ko ulit.


"Oo, parang mansyon pero ang pinagtataka ko bakit hindi dormitoryo bakit boarding house lang?"


"Kasi naman mura sila sis, ei kung dormitoryo 'yun I'm sure mahal 'yun." sagot ko naman.


"Talino mo talaga friend, hindi na ako nagtaka kung bakit masyadong inlove sa'yo si Myko."


"Myko?"

"Hoy! Bakit natulala ka yata dyan after kong banggitin si Myko?"

"Jaika, wala na kami ni Myko." malungkot kong sinabi.

"whhaat??!"

"Wala na nga ei."

"Why?Bakit?What happen?Anong Nangyari?"Mga tanong niya na dapat ako maging malungkot pero natawa na lang ako sa sense of humor ng kaibigan ko.

"Hahah, funny huh?"

"Pinatatawa lang kita friend, anyway ano bang nangyari? Usisa niya.

"I caught Myko with his ex girlfriend having sex in his room." malungkot kong sagot.

"whhaaaattt?!" at nanlaki pa ang mata niya sa gulat sa sinabi ko. at tumanggo lang ako.

"Walang hiyang lalaki 'yan, dapat sa kanya chop chopin at ilibing ng buhay!"

Natawa naman ako ulit sa sinabi ni Jaika sa akin. "Haha ano ba talaga? chop chop na tapos ilibing ng buhay?gulo mo!" sabay tapon ng unan sa kanya.

"Hindi, chop chopin muna natin 'yung kayamanan niya tapos ilibing natin ng buhay." pabiro niyang sinabi.

Sino ka?? (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon