Chapter II

271 8 0
                                    

Nang makauwi na kami Jaika, ipinagpatuloy ko ang naudlot kong gawain kaina ang pag iimpak. Kaya inayos ko na rin ang mga bagay na dapat ayusin para wala na ako aayusin bukas kasi sa susunod na araw lilipat na ako doon sa bagong boarding house ko medyo excited na rin. Pero sumagi sa isip ko 'yung babaeng mahaba ang buhok na nakamatyag sa amin kanina.


"Sino kaya siya?Bakit nakatingin siya sa amin kanina?At bakit ang dilim ata ng kwarto niya?"


Pero hindi na rin ako masyadong nag isip baka namalikmata lang siguro ako. At pinagpatuloy ko pa rin ang pagliligpit ko ng dalawin ako ng antok.

"Ang ganda naman ng bago kong kwarto malaki at may sarili pa talagang banyo, ang laki ng kama, may tukador na, may mesa at silya pa kompleto talaga. Mura na nga sulit pa."


Naisipan ko tingnan ang banyo,talagang napakalaki, hindi ko malubos maisip kung bakit mura ang upa nila dito ei malaki na nga kompleto pa sa gamit. Ulit nilibot ko ang buong kwarto at tinignan ko ang laman ng tukador, pag bukas ko laking gulat ko ng may batang babaeng nakaupo at ng hawakan ko ay hinawakan niya ako, laslas ang leeg niya at labas ang mga mata at sabay sabi "Please help me".


"wwaaaaahhhh!!" sigaw ko.

Booommmm!!

"Aray!! Ang sakit!"sabay himas ko sa aking pwetan, nahulog pala ako mula sa kama ko.

"Panaginip lang pala."I sighed

Bumalik ako sa pagtulog ko at nagising ng maaga para mag ready sa pagpasok.


"Good morning Jaika."bati ko sa kaibigan ko, magkaklase kami sa ibang subject kasi nag change course siya from HRM to psychology.


"May sasabihin ako sayo."


"Ano? Curious kong tanong.


"Si Myko?"


"Anong si Myko?"


"He's dead." Mahina niyang tugon.


"Whhhaatt?!" sigaw ko. At nagkatinginan ang buong klase sa amin."


"Miss Petagon and Miss Ruiz, please quite, kung ayaw niyong makinig about may lecture, please leave this room quietly!" Si Mrs. Lim, na nagalit ata sa pag sigaw ko.

We leave the room, para hindi na magalit ng lubusan si Mrs.Lim, iba kasi siya, siya 'yung tipong guro na once na magalit sayo forever na siyang galit sayo. Para hindi siya mainis minabuti naming lumabas nalang ng classroom at tumambay sa canteen.

"Totoo ba yung mga sinabi mo?" curious kong tanong kay Jaika.

"Oo sis, at alam mo ba? Hindi masabi ng awtoridad kung suicide ba o pinatay kasi kalunos lunos 'yung sinapit niya, halos maputol na 'yung ulo niya at wala na siyang mga mata."


"Annooo-oo?" nanginig kong tanong.


"At may naiwan na sulat sa mesa daw, kung saan 'yung katawan nakita."


"Tapos anong laman ng sulat?" usisa ko.

Sino ka?? (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon