Chapter IX

140 5 0
                                    

Tulala kong pinagmasdan ang tao na nasa harapan ko.

"Myko?Paano?"


Nang may tumawag sa aking pangalan mula sa likuran ko.


"Rhiam."


Hindi ko pinansin ang tumawag sa akin dahil nakatuon ang aking mga mata sa taong kaharap ko. Duguan siya laslas ang kanyang leeg at halos matanggal na ang kanyang mga mata.


"Bakit?!" Sigaw ko, pero hindi siya sumasagot.


Nangatog ang buong katawan ko ng may biglang humawak sa balikat ko. Malamig ang kanyang kamay, ng tingnan ko ito ay napasigaw ako.

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"


Ang babaeng iyon ay nasa katawan ni Jaika! Lakas loob ko siyang hinarap. Lumapit siya sa akin at niyakap ako at bumulong.


"Hanapin mo ako." Mahina niyang bulong at hinimatay si Jaika sa harap ko. Hindi ako makakilos dahil sa takot ko.

_______________________________________________________________________________________________-

Ilang buwan ang lumipas matapos ang pangyayaring iyon sa ospital, ay pareho kaming tahimik ni Jaika at halos di na kami nag uusap. Katulad ko ay busy na rin siya sa mga subjects niya at ganun din ako.


Hindi ko maintindihan kung bakit humihingi ng tulong ang batang babaeng iyon.

"

Sino ka??" tanong ko ulit sa sarili ko. Habang nasa trabaho ay hindi ko makalimutan ang pangyayaring naganap sa comfort room kung saan ako hinimatay, dahil sa takot ay hindi na ako pumapasok doon ng mag isa. Laking palaisipan pa rin sa akin kung bakit hindi lang ako ang ginagambala ng babaeng iyon at bakit kasama si Jaika. Sino siya at bakit niya kami ginugulo. Natapos ang duty ko na iyon lang ang iniisip ko. Umuwi na ako agad sa boarding house kung saan nagsimula ang pagbabago ng buhay, ang dating tahimik kong buhay na sa ngayon ay nababalot na ng takot at misteryo.


Dahil hindi naman ako nagmamadali ay naisipan kong maglakad nalang pauwi, habang nasa daan ay iniisip ko na naman ang mga pangyayaring naganap.

"

Bakit kaya siya humihingi ng tulong sa amin? Bakit sa akin?hay!naku!" napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko namalayan nasa tapat na pala ako ng boarding house. Tahimik akong pumasok, tulad ng dati tahimik ito at medyo madilim. Naisipan ko munang umupo sa upuan katabi ng gate.


Tahimik ang paligid, maganda ang mga bituin na nasa langit at napakabilog ng buwan. Habang pinagmasdan ko ang mga bituin sa langit ay may narinig ako.


"Psssssttt.." Nilinga linga ko ang paligid pero wala naming tao.

"MAng Protacio?" kunot noo kong tanong.


"Psssssstttt.." tawag nito ulit. Nilinga linga ko ulit ang paligid, ganun pa rin wala akong taong nakita. Tatayo n asana ako para pumasok na sa loob ng may nakita akong babae doon sa likuran kung saan napapaligiran ng matataas ng puno at damo.


"Anong ginagawa niya doon?" Dahilan sa kuryusidad ay tinungo ko ang kanyang kinaroroonan.


"Parang nakarating na ako dito?hindi ko lang maalala."


Naglakad ang babae at sinundan ko naman siya. Hindi ko maintindihan at parang ang layo na ng nilakad namin, tuloy pa rin ako sa pag sunod sa kanya. Masukal ang daan at halos di ko na siya matanaw sa bilis niyang maglakad at para pa siyang sumasayaw. Sa kagitnaan ng aking paglalakad ay natanaw ko siyang huminto na sa paglalakad.


"Bakit siya huminto?" kunot noo kong tanong sa sarili ko.


Pinagmasdan ko lang siya at laking gulat ko ng tumalon siya! Bangin na pala ang nasa dulo ng masukal na kagubatan na iyon.

"Waaagg!" pigil ko sa kanya, pero huli nan g mahulog na siya. Naramdaman ko nalang ang luha na umaagos na pala sa aking pisgi.

Pinagmasdan ko mula sa aking kinatatayuan ang kanyang katawan na nahulog, halos manlumo ako ng Makita kong itong durog. Napaiyak nalang ako dahil sa awa.

"Bakit niya 'yun ginawa?" galit sa tanong ko sa sarili ko tuloy pa rin ang agos ng luha ko.

Lumalamig na ang hangin, kitang kita ko na nakatitig ang dalawang mata niya sa akin. Natakot man ako pero mas nanaig ang awa na nararamdaman ko para sa kanya. Parang meron sa kanya na hindi ko maintindihan. Tuloy pa rin ang agos ng luha ko, dahil siguro hindi ko nagawa siyang iligtas.

Naramdaman ko nalang na may humawak sa aking balikat, nilingon ko kung sino. Sa aking paglingon ay nangatog ang aking buong katawan at di ko magawang makapagsalita.

"Bakit mo ko iniwan???" At sabay kaming dalawang nahulog sa bangin.

"Sino ka?? At bakit??" ngumiti lang siya at hindi sumagot.



Nagising ako mula sa aking pagkaidlip, natagpuan ko ang aking sarili na nakaupo pa rin sa upuan katabi ng gate, nilinga linga ko ang paligid tulad ng dati ay tahimik at walang tao.


"Panaginip?"


Aakmang tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo ng maramdaman kong masakit ang aking mga paa. Tiningnan ko at natuklasan kong may sugat ako.


"Paano???" Nanlamig ang aking buong katawan sa nakita ko. At narinig ko na naman ulit ang pagtawag na 'yun.


"PPPssstttt.."


Nilinga linga ko ang aking paligid at natagpuan ko ang babae na nasa likod bahay na nakatingin sa akin.



Sino ka?? (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon