Chapter XIV

157 1 1
                                    

JAika's pOV:




Tulala kong pinagmasdan ang aking sarili sa harap ng salamin, habang ang itay naman ay nasa labas nakaburol. Wala ako sa sarili hindi ko malaman kung paano ako nakarating sa likod bahay ng boarding house ni Rhiam, kahit anong pilit kong alalahanin ay wala talaga akong maalala. Pinilit kong iwaksi buhat sa aking kaisipan na baka nga ako ang possible pumatay sa sarili kong ama. Pero paano at bakit?


Wala ako sa sarili habang sinusuklay suklay ko ang aking buhok, nakaharap ako sa salamin habang tutuk na tutuk naman ako sa salamin at sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko mawari kung bakit nangyayari ang mga bagay na ito. "Sino ka?" ang tanging natanong ko sa aking sarili.







"Anak?" Si inay sabay katok sa pinto ng aking kwarto.



"Po?"



"Labas ka na dyan at tulungan mo ako dito."


Lumabas ako ng silid ko ng biglang napansin ko na may babaeng nakatingin sa akin buhat sa salamin. Hindi ko ito pinansin at agad lumabas ng kwarto para tulungan si Inay.



Wala pa rin ako sa sarili habang nagsisilbi sa mga malalapit na kaibigan ng mga magulang ko at mga kaibigan nito.



"Kawawa naman si Nicanor noh? Ano kaya ang naging kasalanan niya at kung pinatay siya sobra sobra naman yata. Halos hindi na siya maitsura, siguro galit na galit ang tao iyon sa kanya." Sabi ng isang kamag anak nila. lihim na nakikinig si Jaika, habag nanginginig na naman ang kamay at tuhod niya, naaalala na naman niya ang gabi kung saan natagpuan niyang ang kanyang sarili na naliligo ng dugo. Umiiling iling siya ng mapansin siya ng kanyang ina.



"Anak?Okay ka lang? Napapansin ko kasi ng mulang namatay ang iyong itay ay palagi ka na lang balisa at tulala?"


"Wala po inay, pagod lang siguro ako." Sabay iwas tingin sa kanyang ina.



"Magpahinga ka na lang muna." Tumango lang siya at agad nagtungo sa kwarto ng kanyang mga magulang.



"Miss na miss na kita itay." Nangingiyak ngiyak niyang sabi sabay yakap sa unan. Halos hindi na niya mapigilan ang kanyang luha hanggang sa makatulog siya sa ganun posisyon.








_____________________________________________________________________________________________________________

Sino ka?? (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon